Mark Bautista on identity of latest ex-girlfriend: “Basta nasa showbiz din siya. Hanggang do’n na lang ang masasabi ko!”

Mark on why he prefers to keep mum about his lovelife: “Uhm… ayoko nang pag-usapan! Ako naman, kasi siyempre… parang ang daming nakikialam sa buhay, so parang mas pipiliin ko na tahimik lang yung pakikipag-relasyon ko.”


Masaya si Mark Bautista nang matapos umere ang pilot episode ng Sunday All Stars (SAS) kanina, Sunday, June 16.

Bagamat ang grupo ni Jennylyn Mercado ang nanalo sa competition ng mga production numbers, masaya pa rin naman daw silang lahat because they were able to give their best.

“Pero siyempre, hindi pa nagtatapos ang lahat sa episode na ito,” nakangiting pahayag ni Mark nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Marami pang episodes ang aabangan nila, na pag-iisipan namin.

“But so far… masaya!

“Exciting at saka… thrilling!” sabay tawa niya.

Mahirap daw for him na tumayong team leader ng kanilang grupo.

“Mahirap talaga. Kasi siyempre, hindi lang naman ito ang trabaho ko, e.

“May trabaho din ako sa labas ng show naming ito na SAS. Like, kunyari magpu-promote ako ng album ko. Or may iba akong mga shows din.

“So… marami ka ring iniisip.

“Tapos… alam mo yun? Kapag ibinigay sa ’yo itong work na ’to, siyempre kailangan mo talagang gawin.

“Kasi part ka rin ng show. At gusto mo ring mapaganda yung show,” pag-amin niiya.

CONCEPT BRAINSTORMING. What’s the hardest part so far?

“Actually ang pinakamahirap lang… first stage. Yung pag-iisip ng concept. Kung ano yung magiging structure ng prod [production number] n’yo.

“Yun lang siguro.

“Tapos kapag nabuo na yun, madali na yun.”

Lahat ng input tungkol sa concept at magiging flow ng production number, sa kanila nanggagaling?

“Yes!

“Siyempre tumutulong din ang bawat isa. Like kunyari, sa akin na team, yung mga choreography kina Mark Herras at Rochelle Pangilinan. Talagang… sa Assassins yung dancers.

“Tapos, si Migui [Moreno] rin, yung choreographer namin, tumulong din.

“Nai-exercise yung creativity namin. Which is a good thing din para sa amin.

“Pero siyempre, mabigat. Pero masaya. Nag-enjoy ako. Actually, gusto ko siya.

“Kung puwede lang talaga na… I mean yung iisipin mo, ito lang? Masarap... masarap siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tiyak na magiging kaabang-abang ang susunod nilang magiging performance next Sunday, na pinaghahandaan na rin nila.

“May theme na, e. So… pag-iisipan naming mabuti,” saad niya.

Ang group members at team leader ay tatagal ng isang buwan bago magpalit sa pamamagitan ng palabunutan. Gugustuhin ba niyang maging team leader ulit?

“Hindi na puwede. Kasi dapat, isang beses ka lang tapos iba naman next month.

“So… magru-rotate lang,” paliwanag ni Mark.

SIZING UP THE COMPETITION. Sa tingin niya, ano ang magiging resulta ng pagbangga ng bagong show nila sa sinasabing mahirap tibagin na ASAP?

Magiging malakas ba ang laban dahil bawat isa sa kanila ay talagang may gigil at to-the-highest-level ang energy ng performance?

“Naks!” sabay tawa ulit ni Mark.

“Well siguro… matagal kaming nag-break so medyo excited nang mag-perform.

“Pero sa amin lang talaga, ang importante, e… ma-enjoy ng viewers. Kasi iyon naman talaga ang mahalaga.

“Kahit sabihin mong… titingin tayo sa kabila kung ano ang ginagawa nila… ganyan-ganyan.

“Pero ang importante yung audience, e. Kung na-translate ba namin yung fun na gusto naming ipahiwatig.”

NEW ALBUM. Aside from SAS, ano pa ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon?

“Well, meron akong album ngayon. It’s Mark Bautista: The Sound Of Love.

“Ito yung bago kong album na revivals ng mga standard songs. So, ito ang ipinu-promote ko ngayon.

“Last month siya ini-launch at na-out sa record bars. And so far, okay naman.

“Nag-start na rin ako na mag-mall show ngayon. And may concert din ako sa August sa Music Museum.”

LOVELIFE. Kumusta naman ang kanyang lovelife sa ngayon?

“Ahhh!” sabay ngiti ulit niya.

“Alam mo, kagagaling ko lang sa isang… masaya at memorable na lovelife naman.

“So… ngayon, single ako at magku-concentrate muna ako sa trabaho.”

Gaano katagal na siyang single?

“Simula nung February!” natawang pagtatapat ni Mark.

Hindi halata na kagagaling lang niya sa isang break up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well… ang dami kong trabaho, e. So iniisip ko, marami akong pinaglalaanan ng energy ko.”

Pero ikina-depress din daw niya for a while ang paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend?

“Siyempre naman. Dadaan ka naman talaga sa gano’n.”

Sino nga ba yung pinakahuling girlfriend niyang ito?

“Uhm… ayoko nang pag-usapan!” sabay ngiti na naman niya.

Hindi siya naging vocal about his recent relationship. Kahit ngayon na break na sila, ayaw niya na magbigay ng detalye about it. Although nasabi niyang taga-showbiz din ito.

“Ako naman, kasi siyempre… parang ang daming nakikialam sa buhay, so parang mas pipiliin ko na tahimik lang yung pakikipag-relasyon ko.

“Basta nasa showbiz din siya. Hanggang do’n na lang ang masasabi ko!” tawa ulit niya.

Nasa stage ba siya ngayon na naghahanap ulit ng bagong magiging inspirasyon o karelasyon?

“Why not?

“Yeah! Kung may makasalubong ako at magbibigay sa akin ng spark… why not?

ACTING. Si Christian Bautista, sumabak na ulit sa acting. Nagti-taping ito ngayon ng bagong afternoon soap sa GMA kasama sina Andrea Torres at Mikael Daza.

Kailan naman niya ita-try ulit ang pag-arte sa harap ng camera?

“Tingnan ko muna. Kung may magandang project talaga,” pagtatapos niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN