Mark Herras on resisting temptation: “Hindi na ako madadala pa ng anumang tukso. Tapos na ako sa ganyan.”

Mark on toppling their rival Sunday noontime show: “Actually, bilog naman ang mundo, e. Di ba? We’ve been into that kind of situation. Before naman, kami ang hindi matibag-tibag. Given na naman ’yon, e. Ako as a performer, as an artist in GMA, uhm… I don’t care about sa ratings, e. Basta I just want to give the audience and the people at home a very good show.”


Gaya ng iba pang Kapuso stars and artists na bahagi ng bagong Sunday musical variety show ng GMA na Sunday All Stars, masaya at sobrang na-excite nga rin si Mark Herras sa pag-ere ng pilot episode nito kanina, Sunday, June 16.

Sa format ng bagong show, iba-iba silang grupo na nagtatagisan ng galing sa kani-kanilang production numbers. Sa pilot episode, ang team na pinangungunahan ni Jennylyn ang siyang nanalo.

Pero si Mark naman ang winner bilang best performer.

“Actually, I’m happy about the show,” panimulang kuwento ni Mark nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng new building ng GMA Network pagkatapos ng show nila.

“Kasi… bago ’to. From SOP to Party Pilipinas, di ba?

“It’s not just a variety show, e.

“This time, nakita n’yo nga na may kanya-kanyang grupo. May kanya-kanyang theme.

“Na… actually for fun naman yung competition. Pero siyempre, ang gusto namin dito is makapagpasaya pa rin ng tao tuwing Linggo.

“At the same time, mas… alam mo yun? Dito kasi, dahil may kanya-kanya kaming grupo, may kanya-kanya kaming production numbers, so mas may effort yung mga production numbers.”

Si Mark Bautista ang naging team leader ng grupo na pinangalanan nilang Tropang Trending. Totoo bang apat na araw nilang ni-rehearse yung production number nila?

“Ang naging rehearsal namin talaga is nung Thursday. Tapos nung Friday. Bale, two days,” banggit niya.

COMPETITION. Sa palagay ba niya, todo-puwersa nang ipangtatapat sa ASAP ang SAS?

Kasi ilang Sunday shows na ang itinapat ng GMA pero hindi pa rin napatumba ang long-running Sunday noontime variety show ng ABS-CBN.

“Actually, bilog naman ang mundo, e. Di ba?

“We’ve been into that kind of situation. Before naman, kami ang hindi matibag-tibag.

“Given na naman ’yon, e.

“Ako as a performer, as an artist in GMA, uhm… I don’t care about sa ratings, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta I just want to give the audience and the people at home a very good show. Lalo na at tanghali.

“Tapos family day. Magkakasama ang pamilya na nanonood. Most likely gano’n.

“Uhm… ako siyempre, yung network ang nagdi-decide na dapat mas magaling kami.

“Ako at yung iba pang part ng show, ginagawa lang namin ang best namin. At siyempre mas ginagalingan namin,” saad niya.

PRESSURE. Ano ang pinakamahirap for him sa bagong show na SAS?

“Yung hirap kasi… wala na kasing hirap. Kumbaga, ilang taon na kaming nagpi-perform. Sa harap ng mga tao... sa TV.

“Siguro ang ano dito ay yung pressure. Kasi this time, yun nga… we have team members, di ba?

“We have judges— ang aming apat na sobrang magagaling na senior artists na sina Kuya Ogie [Alcasid], Ate Regs [Regine Velasquez], Kuya Janno [Gibbs], at Ate Jaya.

“So, kailangan ma-impress namin sila kapag nag-perform kami,” diin niya.

Paano ang kanilang grouping?

Aniya, “Ang alam ko, every month mag-iiba. Bunutan ng mga magiging miyembro ng bawat grupo every month.”

COMMITMENT. Pero ang isang mahirap din, kapag nataon na busy sa ibang commitments yung other members of the group at hindi available for rehearsal. Ano sa tingin niya?

“Actually, pinag-usapan na ’yan before pa. No’ng nagkaroon ang SAS ng team-building.

“Na… siyempre hindi talaga maiiwasan na minsan yung iba may regional shows... yung iba may taping.

“Like si Mark [Bautista], kanina galing ng out of town. Kanina lang siya dumating. Pero nakapag-rehearse siya before the show.

“Ahh… kailangan lang talaga is yung team work ng bawat isa.

“Like sa team namin halimbawa, magsasabi kami kung hindi kami makakarating. Para alam namin kung paano kami mag-a-adjust,” paliwanag ni Mark.

CONCEPT DEVELOPMENT. Pagdating sa concept at flow ng production numbers, sino ang nag-iisip?

“The team leader and also us na members. Magkakatulong kami lahat. Even Migui, our choreographer. Our writers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, ang mas maraming ibinibigay na inputs ay ang team leader naming si Mark,” dagdag niya.

Rotation din daw every month kung sino ang magiging team leader ng bawat grupo. At idadaan din ito sa bunutan.

“Actually iyon din yung pinakamalaking challenge sa aming mga hindi pa nagiging team leader sa ngayon. Kapag dumating ang panahon na kami ang maging leader, siyempre mas pressure ’yon.”

Sa ngayon, SAS lang muna raw ang pinagkakaabalahan niya. Naghihintay pa siya ng bagong ia-assign na iba pang project sa kanya ang GMA. Huli siyang napanood sa afternoon soap na Unforgettable kung saan leading man siya ni Kylie Padilla.

Habang hindi pa gaanong busy ay sinasamantala raw niya ang pagkakataon na makapag-relax nang konti.

YNNA. Mas may time na naman siya ngayon sa girlfriend niyang si Ynna Asistio. Kumusta na ba silang dalawa?

“We’re okay. We’re good. We’re happy,” masayang balita ni Mark.

Five years na ang kanilang relasyon na nagsimula noong January, 2008.

Sa ganoong katagal na panahon, may masasabi ba siyang point na naging shaky sila o muntik nang mag-break dahil may naging matinding problema?

“Actually, wala naman kaming masyadong naging problema sa relationship namin. Siguro yung mga issues lang na… yung time for each other.

“Pinakamahalaga talaga yung time kasi kapag busy ako, hindi kami sabay, e.

“Na… kapag may show si Ynna, wala ako.

“Tapos kapag may show ako, wala naman si Ynna.

“Or minsan, parehas kaming may show. So, parehong busy.

“Doon lang. Iyon ang pinakamalaking challenge sa relationship namin. Yung time,” pag-amin ni Mark.

ADVICE FOR SHOWBIZ COUPLES. Five years na nga sila and still going strong. Ano ang puwede niyang masabing advice sa iba pang showbiz couples na gustong tumagal na gaya nila?

“Ang dapat lang talaga is… iniintindi nila yung bawat sitwasyon ng isa’t isa. Iniintindi nila yung problema ng bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And you have to trust each other. Para magtagal talaga yung relationship ninyo,” dagdag pa niya.

Pero sigurado na ang isang guwapo at kilalang personalidad na gaya niya, kahit may karelasyon na ay habulin pa rin ng babae o lapitin ng tukso, di ba?

“Nasa tao naman po yun!” sabay ngiti niya. “I mean… nasa lalaki na rin po yun.

“Kung magpapa-tempt siya. Or gagawa siya ng kalokohan.

“Kuntento na ako at masaya sa relasyon namin ni Ynna. Hindi na ako madadala pa ng anumang tukso.”

“Tapos na ako sa ganyan,” pagmamalaki ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN