Aljur Abrenica on what makes Sunday All Stars different from Party Pilipinas: “Mas personal ito, e.”

Aljur on his girlfriend Kylie Padilla’s role in the making of his new self-produced album: “Actually, si Kylie po, malaki ang partisipasyon niya, kasi, after kong magawa ng kanta, after ng family ko, siya ang nakakarinig ng kanta. Tinatanong ko sa kanya kung may dapat bang baguhin. Siya ang nagki-criticize ng kanta ko before ko maparinig sa ibang friends ko. At saka, minsan po, binibisita niya rin po ako sa recording, nakakapagpa-inspire rin po at yun naman po ang impo


Ang pagse-self-produce ni Aljur Abrenica ng kanyang ikalawang album ang pinagkakaabalahan ng Kapuso actor ngayon.

Sa pictorial niya noong Biyernes ng gabi sa Edge of Light studio nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor kunsaan hands-on din ito sa mga larawang lalabas sa cover ng bago niyang album.

Bukod sa sampung kanta na nakapaloob dito, gusto rin daw ni Aljur na maraming pictures na puwedeng abangan at makita ang mga taga-suporta niya na bibili nito.

Hindi naman nawawala sa mga tanong kay Aljur ang girlfriend na si Kylie Padilla at kung ano raw kaya sa mga kanta sa album niya ang idine-dedicate niya para rito.

Nakangiting sinagot naman ito ni Aljur ng, “Pangako Ko, Asahan Mo.”

Isa raw ito sa tatlong revivals na kabilang sa album.

KYLIE’S PARTICIPATION IN ALBUM. Nagpapasalamat din naman daw si Aljur dahil sa “presence” ni Kylie sa paggawa at pagpu-produce nga niya.

Ayon dito, “Actually, si Kylie po, malaki ang partisipasyon niya, kasi, after kong magawa ng kanta, after ng family ko, siya ang nakakarinig ng kanta.

“Tinatanong ko sa kanya kung may dapat bang baguhin. Siya ang nagki-criticize ng kanta ko before ko maparinig sa ibang friends ko.

“At saka, minsan po, binibisita niya rin po ako sa recording, nakakapagpa-inspire rin po at yun naman po ang importante,” kuwento niya.

NETWORK TRANSFER RUMORS. Alam naman ni Aljur na kahit may mga proyekto siyang ginagawa sa GMA-7, hindi namamatay ang isyu ng diumano’y lilipat siya ng ibang network. Kailan lang, may kumalat sa Twitter.

Pero, itinanggi ito ni Aljur.

“Sa totoo lang po, hindi ko rin po alam kung bakit hindi namamatay-matay ang isyu.

“Pero, may kontrata pa po ako sa GMA. Taon pa po ang kontrata ko sa GMA at yung mga bagay na ganyan, hindi pa po pumapasok sa isip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malaki po ang tiwala at inaasahan ko po sa GMA,” diin niya.

Kumusta naman ang first half ng 2013 para sa kanya?

“Maganda, masaya po ako. Hinahayaan po nila akong mag-explore. Tulad nga po rito sa album, hinayaan po nila akong mag-self-produce,” kuwento ng binata.

NEW TELESERYE. Ngayong tapos na ang Indio, sinasabi na ang susunod niyang teleserye ay ang Prinsesa ng Masa kunsaan sila muli ng ka-loveteam na si Kris Bernal ang magkakatambal.

“Sinabi na po sa amin, Prinsesa ng Masa po, sa September, ang alam ko po, tuloy na po.

“Actually, hindi ko pa po alam ang eksaktong kuwento, pero, alam ko po, bagong materyal po sa soap.

“Tuloy na po ito, pero, siguro po, saka na lang nating pag-usapan kapag nandiyan na po talaga,” pakiusap niya.

Masaya naman siya na sila pa rin ni Kris ang magkakatambal?

“Opo, masaya po ako na kami pa rin ni Kris ang magka-partner rito,” saad niya.

ADVICE FOR KRIS. Napag-uusapan na rin si Kylie at gayundin si Kris, naitanong namin kay Aljur kung hindi ba siya nagbibigay ng payo sa ka-loveteam niya. Sa parte niya kasi, naging bukas na siya sa publiko ng totoong relasyon nila ni Kylie.

Pero, kabaligtaran nito si Kris na hanggang ngayon, hindi pa rin magawang umamin ng diretso kung ano nga ang namamagitan sa kanila ni Carl Guevara sa kabila ng marami na ang nakakaalam na tila silang dalawa na naman talaga.

Sabi naman ni Aljur, “Ako naman po, all respect ako sa mga artist ng GMA-7.

“At kung anuman po ang desisyon ni Kris, nirerespeto ko po yun and they know what’s best for her. I’m just here to support kung kailangan man nila ng advice.

“Ang importante, nirerespeto ko po yung desisyon ng bawat tao.”

Diretsahan naman naming tinanong si Aljur kung siya rin ba, may pagkakataon na napi-pressure dahil sa loveteam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin naman niya, “Siyempre naman, siyempre naman po.

“Lalung-lalo na kapag may bago akong katrabaho, siyempre, napi-pressure rin po ako. Sa totoo lang, hindi po siya madali. Like yung kay Kris, kailangang may bago.

“Kapag naman nag-explore kayo ng bagong loveteam, kailangan you get to know each other para may magandang relationship sa pagta-trabaho and siyempre, may pressure talaga bawat loveteam.”

SUNDAY ALL STARS. Sa isang banda, nawala man ang Party Pilipinas, isa pa rin si Aljur sa mga Kapuso stars na mapapanood pa rin tuwing Linggo sa Sunday All Stars na nagsimula na ngayong Linggo.

Ayon kay Aljur, nasa grupo raw siya ni Jolina Magdangal.

“Apat na grupo po lahat at yun nga po, nasa group po ako ni Ate Jolens,” saad niya.

Excited na ba siya sa SAS o nandoon pa rin sa kanya ang panghihinayang sa nawalang Party P?

“Siyempre po, nanghihinayang po ako sa Party P. After ng SOP, minahal ko na rin ang Party P at napamahal na rin ako sa show, sa co-artists ko, sa mga staff.

“At yung sistema, naging sistema na po namin yun every Sunday, nasa Party P.

“Pero ito nga po, may bago na, ang Sunday All Stars at mapapanood pa rin po nila kami every Sunday kaya excited rin po ako, kasi, ito po yung time na nakakapag-bond kami ng mga artists ng GMA.”

Sa huli, tinanong naman namin si Aljur kung ano ang nakikita niyang kaibahan ng SAS sa Party P?

“Mas personal ito, e,” nakangiti niyang sabi.

“Parang sa album ko, mas personal. Ito rin, ganoon. Mas may say kami. Kami na ang bahalang mag-iisip ng gagawin namin although, with the guidance pa rin of the staff of Sunday All Stars.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN