Toni Gonzaga on persistent rumor linking boyfriend Paul Soriano to another woman: "Pagpiyestahan ninyo na lang siya hangga’t gusto ninyo siyang pagpiyestahan."

Sa buwan na ito, seven years nang magkasintahan sina Toni Gonzaga at Paul Soriano.


May ibang babae nga ba sa buhay ni Paul Soriano?
Ito ang inusisa ng press kay Toni Gonzaga, host ng Kuwentong Kusina, Kuwentong Buhay, na pormal na inilunsad noong nakaraang Biyernes, June 14.

May mga naglabasang larawan kasi ang boyfriend ni Toni na may kasamang non-showbiz girl. Kaya, nakukuwestiyon tuloy ang katapatan ni direk Paul, at may mga nagsasabing mauuwi rin sa hiwalayan ang ilang taon din nilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Nung first and second year pa lang namin, every year, yun ang hula sa akin. Every year may hula na maghihiwalay kami... hoping na may tumamang isa.
“Lagi naman siyang may pictures na ganun, lagi-lagi. It’s either pictures before na hindi pa kami magkakakilala, tumu-throwback din naman. Puma-flashback Friday and throwback Thursday din naman.
"Yung iba kilala ko, yung iba mga kaklase niya, yung iba, mga kasama niya sa work before or yung iba, kuha sa Christmas parties.
"E, ako, as much as possible, dumating na ako sa point na I don’t want to defend pictures anymore coz it will sound na parang pinagtanggol ko siya at masyado akong bulag-bulagan, tanga-tangahan, hindi na.
"Kung ano na lang ang makita ninyo sa litrato, husgahan na lang ninyo kung gusto ninyo siyang husgahan.
"Pagpiyestahan ninyo na lang siya hangga’t gusto ninyo siyang pagpiyestahan."




DO THEY FIGHT ABOUT IT? Sa tagal na rin nila, alam na ni Toni kung ano ang mas mahalaga.
"Ang importante naman, nakarating na ako ng six years na tahimik ang kalooban ko, may peace of mind ako. Ang babae naman may intuition ‘yan.
“Saka sanay na naman siya, nung una, nahu-hurt siya because he’s not from the business, director siya, naiisip niya, ’How come people come out with stories like this? Or why people are like that? People are mean.’
"Sabi ko, di naman maiiwasan, ganun naman talaga. There are really people who would like to celebrate yung mga lies, negative issues or negative stories, hayaan na lang natin.”
Hindi ba nagiging sanhi ng selos o away ang mga pictures ng kasintahan na lumalabas kasama ang iba’t-ibang babae?
“Honestly, di ako magsho-showbiz, pa-plastic-plastic. Wala pa kaming issue na pinag-aawayan. Wala pa kaming issue na lumabas na pinag-awayan.
"Ang isang tao, ang isang relasyon pag solid ang foundation, pag buo yung love and trust, alam mo agad kung totoo at alam mo agad kung medyo alanganin.
"So far, sa awa ng Diyos, di pa kami dumating sa point na pag-aawayan namin.”
Dahil ang tinutumbok ng mga isyung lumalabas ay ang katapatan sa kanya ng boyfriend, gaano raw kaya kahalaga kay Toni ang fidelity at loyalty?
“I think trust is every important at pag nasira ang trust, kahit anong sabihin nating buo na siya uli, may mga crack na yun so it’s very important to take care of the trust.
“Alam niya ang consequence hindi lang sa akin kung di alam din niya ang consequence sa Mommy ko, sa Daddy ko. “
NEWFOUND PASSION. Sa kabila ng kanyang hectic sked ay nagka-interes si Toni ang pagluluto.
Kaya ikinatuwa niya ang offer na maging host ng Kuwentong Kusina, Kuwentong Buhay na mapapanood sa June 23, tuwing Linggo, at 9:00 a.m.
Pahayag ng Kapamilya star, “This came as a big surprise to me nung sinabi sa akin na, ’Oy, may cooking reality show!’ Sabi ko, ’Ha? Hindi nga?’
"Nahilig kasi talaga ako sa pagluluto. Natutuwa nga ako, sabi ko nga, ’Nakakatuwa namang mag-bless si Lord, nahilig ako sa pagluluto, parang may newfound passion tayo, ngayon ma-e-enhance ko pa ang passion na yun sa pamamagitan ng programang ito."
Hindi lang daw mga recipes ang itatampok dito...
“Ang Kuwentong Kusina, Kuwentong Buhay is not just an ordinary cooking show coz it’s not going to feauture yung mga dishes.
"Di lang po ang mga dishes ang bida dito kung di, ang bida din dito ay ang mga kuwentong nakaka-inspire din sa atin.
"We are featuring different stories of different people and how their lives have changed because of food and how food is a big part of their lives."
READY FOR FAMILY LIFE? Marami ang nagsasabi na pag ang isang babae ay nahihilig na sa pagluluto ay naghahanda na ito sa pag-aasawa. May ilan tuloy na nagsasabing gusto na niyang pumasok sa pagkakaroon ng pamilya.
“Yun na nga ang laging sinasabi sa akin, pag tagal, nag-aaral na raw magluto ang babae pag pa-asawa na raw. Baka...
"Hindi ko alam.
"Hindi naman siya natatatkot, natutuwa nga siya kasi may alipin na siya sa kusina, ako na ngayon ang nagluluto. Hindi naman siya natatakot.
“I’d like to think it’s a good preparation for me. Kasi mahirap naman na mag-i-start ka ng isang pamilya tapos di mo naman pala kayang alagaan ang pamilya mo.
"Part of taking care of your family is cooking for them not just loving them and taking care of them. Yung busugin mo sila ng pagmamahal din sa kusina so yun marami akong natutuhan dito.”
Si direk Paul, bukod kay Mommy Pinty, ang ilan sa mga critic ni Toni sa kanyang mga niluluto.
“Ay di siya puwedeng mamintas. Hindi, honest yun, honest ‘yun. Nung una, mga pinapatikim ko sa kanya, kulang sa ganito, kulang sa alat, matabang, masyadong matamis.
"Marami nga akong natutuhan sa kanya kasi ina-adjust ko. Kaka-adjust ko, kaka-adjust ko, nakukuha ko naman yung gusto niya pero siyempre iba rin naman ang gusto ng Mommy ko.
"Nahirapan naman akong mag-adjust sa Mommy ko. Ayaw niya ng matamis dahil para iwas daw sa diabetes.
"Adjust-adjust lang, yun nga ang natutuhan ko sa pagkain, hindi siya pag alam mo na, alam mo na. It’s a constant learning experience, marami kang natutuhan as you go on.”
Bilang suporta nga sa kanya ay niregaluhan siya ng crash course sa cooking ng kasintahan.
“Niregalo yun sa akin ni Paul dahil nga nahilig ako sa pagluluto last year, niregaluhan niya ako ng crash course sa CCA [Center for Culinary Arts].
"Sabi niya, ’Hayan inenrol kita.’
"Nakapag-aral ako nang kaunti, may kaunti din akong kaalaman, very important yung measurement.
“Sabi ko kasi sa kanya, ayoko na ng materyal na bagay pag nag-a-aniversary, kaya ko namang bilhin ang materyal.
"Gusto ko yung isang bagay na masu-surprise ako. Na-surprise ako dun sa regalo! Sabi niya, ’Di ba ang hilig-hilig mo magluto, kung anu-ano ang mga ginagawa mo sa kitchen ninyo? Hayan make it legit, now you are really going to enroll.’"

SEVEN-YEAR ITCH? Ayaw mang ibigay ang ekskatong araw ng kanilang aniniversary ay iseselebra nina Toni at Paul ang kanilang seventh anniversary sa buwan na ito.
Hindi ba siya natatakot sa sinasabing seven-year itch daw ng isang relasyon?
“So far, right now, dahil nga sunod-sunod ang schedule because of the promo of the movie and programang ito at The Voice, medyo di pa nagkakaroon ng time.
"But kami naman ni Paul, we make it a point na everyday can be an anniversary day, di lang yung exact day na yun.
"So we will find time to spend our anniversary in other days.
"I don’t wanna dwell on the negative itch issue, I’d rather think of it— we’re going on our seven wonderful years.
"Kasi pag inisip mo yung seven years na negative baka dun pumunta, because where your thoughts [are], that is where your life is going to lead you. Kung ano ang iniisip mo, yun ang pupuntahan ng buhay mo.”
Sa pitong taon na rin nilang relasyon, aminado naman si Toni na naiinip na rin ang boyfriend na mag-asawa na rin sila at magkaroon na ng sariling pamilya.
“Naiinip na rin naman yun, di naman ako magsisinungaling na inip na inip na rin siya, dahil nga nagkakapatong-patong ang mga trabaho.
"I am also a contract star of ABS-CBN, there are some stipulations dun sa contract so tinatapos ko ‘yun.
"Malapit na rin naman, darating di naman tayo sa puntong yun na kapag I’m moving on to the next chapter of life, sasabihin ko.
“Basta ayoko nang magsabi. Dati, sabi ako nang sabi ng taon, parang sabi ko, ’Ay huwag na lang.’
"Kasi lagi kong sinasabi yun, many are the plans in the man’s heart but it’s the God’s purpose that will happen, di talaga natutupad ang kalooban ng mga tao kungdi ang kagustuhan ng Diyos.
“So far sa ngayon, di ko pa alam yung exact, basta darating tayo diyan ke matapos o di matapos ang kontrata. Ang pag-aasawa, sabi ng Daddy pag dumating yun sa iyo, darating.
"Pero di pa dumarating.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN