Sam YG’s reaction after seeing Daiana Menezes’s Instagram posts: "Masakit. May disturbing effect."

Sam YG shows his concern on what happened to Daiana Menezes. “I tried to get in touch with her to ask her if she’s okay. Sabi niya, okey naman daw. Well, I guess, we’ll speak soon when she gets the chance." Daiana and Sam dated in the past.


Sa mga nakaraang interview sa radio jock na si Sam YG, aminado siyang nag-date sila ng na-link sa kanya noon na si Daiana Menezes.

Dahil dito, hindi naiwasang hingan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Sam tungkol sa mga pinagdaanan ng naiugnay sa kanyang Brazilian model turned TV personality nitong mga nakaraang araw.

Isa si Sam sa mga hurado ng 2013 Mc Jim Elan Awards: The Search for the Modern Filipino Gentleman kasama sina Tim Yap at Victor Basa.

DAIANA’S POSTS. Noong nakaraang linggo ay sunud-sunod ang naging posts ni Daiana sa kanyang Instagram account ng mga mensahe laban sa domestic violence.

Matapos ang ilang araw ay naglabas naman ng kanyang official statement ang partner ni Daiana na si outgoing Cagayan de Oro Congressman Jose Benjamin “Benjo” Benaldo tungkol sa nasabing issue.

(READ: Politician Benjo Benaldo addresses alleged domestic violence issue with wife Daiana Menezes)

Inamin nito na nagkaroon daw sila ng alitan na natural lamang daw sa mag-asawa. Humingi na raw siya ng patawad kay Daiana na tinanggap naman nito.

Reaksyon ni Sam YG sa mga posts ni Daiana, “Well, I was bothered by the photos that were posted. Hindi biro yun, yung mga photos na pinost.

“But then again, there are two sides to a story, di ba? I think people have been trying to get interviews with her, from different networks, different personalities.

“The thing is, hindi pa siya nagri-release ng official statement and we can’t really tell yet what’s happening, e.

“For me, it’s very important to hear both sides of the story before we actually put a finger on it. Para masabi natin kung ano ba talagang nangyari, sino ba talaga’ng may kasalanan.”

Lingid yata sa kaalaman ni Sam na kahapon ay inere ang exclusive interview ni Daiana Menezes at ng kanyang asawa sa The Buzz ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang naguluhan sa mga naging pahayag ng Brazilian model na itinangging nakaranas siya ng pananakit mula sa dating congressman.

Bilang kaibigan, ano ang unang naramdaman ni Sam nang makita ang mga posts ni Daiana?

Sagot niya, “Masakit, siyempre. Kasi, when you see photos like that, and we’re super good friends…

“We’re really, really, good friends. And for me, na makakita ng mga photos na ganun, siyempre, masakit. May disturbing effect.

“But yun lang, sana malinawan yung issue. We get to hear what really happened para at least malaman natin ano ba’ng nangyari.

"So, ngayon, what I’m doing is praying.”

Nagkausap na ba sila ng kaibigan?

“I tried to get in touch with her to ask her if she’s okay. Sabi niya, okey naman daw. Well, I guess, we’ll speak soon when she gets the chance," sagot ng 34-year-old radio jock.

EMOTIONAL BAGGAGES. Sa pagkakakilala ni Sam kay Daiana, isa ba itong emotional na tao?

Sagot niya, “When we were really good friends, she’s a very happy person. At least I could say that. She’s a very happy person, palabiro.

“Well, she has her… It’s not easy moving to the Philippines, e. Nag-move siya galing Brazil sa Philippines. Dito niya kineri-out [carry out] yung life niya.

“Wala siyang pamilya. Di ba, mom ’tsaka dad niya, ini-Skype-Skype lang niya?

“Mahirap yun…and she’s very young. At a very young age, ginawa niya yun for her career.”

Dahil malayo sa pamilya, hindi raw maiwasang may mga pagkakataong naho-homesick din si Daiana.

“So, emotional back-up ng isang tao, very important ’yan, e. Lalo na if you’re going through something very rough.

“So, when we were together, siyempre meron ding times na you feel that she gets frustrated, she gets tired, homesick, so to speak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I think it’s but natural, considering the situation that she’s in. But generally, she’s a very happy person, very positive.

“We all go through our ups and downs. In any case, until today, I think she’s a very happy and positive person.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN