Maricar Reyes says meeting and marrying Richard Poon made her realize God really exists

“Actually, with this whole thing, I just realized, He’s real. Before, ang tingin ko lang sa Kanya is, punta ka ng church. Upo ka ro’n. Whatever, mag-pray ka. Parang ang distant Niya. With this recent time, God, totoo ka pala. Puwede pala kitang kausapin. Puwede pala akong mag-vent sa ‘yo. And you really offer solution to the problem. Just pray, whatever. Nag-o-offer pala Siya ng way out,” ang sabi ni Maricar Reyes-Poon tungkol sa Diyos.


Matapos kantahin ang “You and I” humarap kay Boy Abunda ang bagong kasal na sina Maricar Reyes at Richard Poon sa isang taped interview sa The Buzz nung Linggo, June 16.

Sinurpresa nina Maricar at Richard ang lahat nang biglang maganap ang kasal nila nung nakaraang Linggo, June 9.

(READ: Richard Poon and Maricar Reyes tie the knot)

Ikinuwento muna ni Richard kung paanong una siyang nabighani kay Maricar nung mapanood niya ito sa dating teleserye ng ABS-CBN na I Love Betty La-Fea.

“Sabi ko, Chinese, ang gandang babae.

“Then, later, when I came near the TV, nagta-Tagalog.

“I think, yung manager ko, noong pinili siya sa aking music video, talagang nagulat ako. Later on, noong nalaman ko na… ‘Kasi crush mo, kaya namin siya kinuha.’”

Kuwento pa ni Richard, “Noong na-meet ko siya, 2009 of September was not a very good time for her.”

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiyal na Hayden Kho sex videos pangalan ni Maricar.

(READ: Hayden Kho wants to apologize to Maricar Reyes, but "now is not the right time")

“And to see the grace, yung quiet grace niya under such pressure, para sa akin, there’s something about this girl. Something internal. Something overlooked by… She’s sheepish, meekish, tahimik, listener. Di masyadong nagsasalita. Blends in the crowd.

“There’s something solid sa ilalim. That got me,” ani Richard tungkol kay Maricar.

HESITANT TO GET HER NUMBER. Nung magkarahap na raw sila for the first time sa shooting ng music video ni Richard, hindi raw inaasahan ni Maricar ang magiging topic nila.

Kuwento muna ni Richard, “Habang sine-set-up ang scene, doon ko siya in-engage. Alam kong doktor siya. So, ako, ‘Kumusta ang case nyo na ganito?’

“I didn’t expect. Kasi, parang medical stuff,” natatawang sabi ni Maricar.

“I talked about sickness, whatever na puwede naming pag-usapan,” natawa na ring kuwento pa ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But deep inside, hindi niya alam, ayokong kunin ang number niya.

“Many people do not know na I also have a past that I am not proud of.

“Kasi before, when I liked something, like a girl, I’ll be very fast. Kukunin ko ang number ng girl. Quick. Very fast. Immature na hindi nag-iisip, hindi nagkakalkula.

“So, on that day, sabi ko, noong pauwi na kami sa van—galing Batangas ang shoot, e—I have two days to think. Pero I ended up, binaba namin siya, hindi ko kinuha ang number niya.

“Sabi ko, I’d like to think, I don’t want to move too fast.”

Pagkatapos ng dalawang linggo, nung lumabas na na ang music video na ginawa nila ni Maricar, hiniling daw ni Richard sa kanyang road manager na tawagan ang dalaga. Gusto raw niya itong pasalamatan dahil marami ang nagkakagusto ng kanilang music video.

Pero ang pag-thank you raw niyang iyon kay Maricar ay umabot nang 45 minutes na pakikipag-usap gamit ang cell phone ng kanyang road manager.

“Yung road manager ko, nakatingin lang sa akin, ‘Ah, may lakad pa po ako,’” masayang kuwento ni Richard.

“And I said to her [Maricar], ‘You know, since mahaba na itong conversation, you want to continue it to coffee?’

“So, kinuha ko na ang number niya and we went out for coffee. Yun, I think, ang our first date.”

RESTRAINING HIMSELF. Pero inabot pa raw ng isang taon bago sila nag-date uli.

“Since, I was then a speeding bullet, I made a lot of mistake,” pagtatapat ni Richard.

“Ako, may takot ako. Ang laki ng takot ko na, ‘Ano ba ‘to, uulitin ko na naman?’ Yung sinasabi ko na hindi ko na uulitin. So, I wanted to restrain myself. I’m at the point na, ayoko na ng trial and error.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, naninigurado ko. Hindi ko masabi sa kanya nang buo kasi, baka masaktan ko siya. It was hard. I cannot say I made it squeaky clean. Kasi, I told some people na in ASAP when she would guest, sasabihin ko sa sarili ko, hindi ako pupunta sa dressing room niya.

“Pero, the first thing, the moment, I came to ASAP, I’d look for her dressing room and I’d go to her dressing room every time.”

MEETING AGAIN AND GOING FOR IT. Naalala naman ni Maricar na sa Star Magic Ball nung 2010 muli silang nagkausap nang masinsinan ni Richard.

“It was actually quite funny. We started in a table, really full. And then, after a while, we started looking around, kaming dalawa na lang ang natira sa table.”

Pero kailan yung officially, nasabi nila sa sarili nilang sila na nga at nagkasabihan ng, “I love you”?

Sabi ni Richard, “From Star Magic ball, October 2010, we got together to talk. I dated her again. But it was only until, July first of last year, finally… may push and pull pa no’n, noong time na yun, that season.

“Parang I was making sure na, ‘Okey, parang, ito na, ito na!’”

Dugtong naman ni Maricar, “Actually, noong July 1, parang it was a bit confusing, I was already telling him na, ‘O, ayoko na.’ It was the phone call in the afternoon and I told him na, ‘I’m really putting my foot down. Hindi na muna tayo magiging friends until, mawala na yung gusto ko sa ‘yo.

“Then, tumawag siya ng mga midnight and I was telling him, ‘Why are you calling me? Heto nga, hirap na nga ako. Gusto kong magdistansiya sa ‘yo, and you’re calling me?’

“Anyway, I gave in. He said, ‘Do you trust me? I need to talk to you, I need something to say.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, okay. Laking shock and pleasant surprise na he laid down his intentions.”

Ano ang eksaktong sinabi ni Richard?

“I was smiling and she said, ‘Why are you smiling?’ And I said, ‘You’re angry because that’s how much you love me. Kaya ka gigil na, ano ba, ang gulo mo?’ So, I said, ‘That’s how much you love me. I can see it.’”

Noong oras daw na yun, ipinagtapat na rin ni Richard kung gaano niya kamahal si Maricar.

“I told her. I said, this is it,” saad niya.

“I told her, I’m not gonna leave her. The commitment that you deserved, I believe that we waited so long.”

Nakuha naman daw ni Richard ang “oo” mula kay Maricar nung mga oras na yun.

Nakangiting sabi nga ni Maricar, “Yun na yun, e. That’s why, I’m having the hard time in the first place because I really wanted him.”

MEETING THE PARENTS. Sumunod naman na pinagtapatan ni Richard ng kanyang intensyon ang mga magulang ni Maricar, matapos ang isang buwan.

“I think, a month after we got together, he flew to CDO [Cagayan de Oro] to talk to my parents. And I didn’t know, he talked to my dad already and he told him, his intentions to me,” pagbabalik-alaala ni Maricar.

“We’re like, having dinner. Tamang-tama, nag-CR si Mommy niya, sumama si Maricar. So, I was a little bit scared. But I have to say what I have to say. Sabi ko, ‘Tito, gusto ko lang pong sabihin na, I want to ask your permission na ligawan si Maricar and for marriage na po,’” kuwento naman ni Richard.

“’Yun po ang intensiyon ko.’ Kasi as a father, I’ve heard and anticipated that he would be, very protective of Maricar, with what happened.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I want to assure him, that, ‘Tito, I won’t play around. I’m not gonna play around with your daughter.’”

At ano naman ang naging reaksiyon ng daddy ni Maricar?

“He was very cool. He was very cool. Super cool ang dad niya. Parang alam na niya.”

Naging masaya naman daw ang mommy ni Maricar nang malaman ang intensiyon ni Richard.

Ayon kay Maricar, “She’s a jolly person. She’s just so happy.

“I think, them, as parents, they want their children to be happy with someone they love and I think, that’s a very welcome addition to the family.”

MARICAR’S PEACEFUL STRENGTH. Matapos muling kantahan ni Richard ng “Beautiful” si Maricar, tinanong sila ni Boy kung ano pa ang nagustuhan nila sa isa’t isa.

“Contrary to what people see me, I can be confrontational,” pagtatapat ni Richard. “I can be very upfront with the truth. You just have… To be honest siguro, I don’t really respond well kapag nagdi-disagree sa akin.

“I’m still learning to be more graceful.

“And she has that, peaceful strength na, you know, ‘Honey, I think, you have a point. But, I don’t agree with you.’ She’s very respectful, e. Palagi niyang ina-affirm sa akin na, ‘May point ka, pero, Honey, baka hindi mo nakikita, pero, may iba pang point.’

“And, she holds me here when she’s kinda tense. She holds me here, in my chest.”

Hindi naman napigilan ni Maricar na maluha at maging emosyunal nang magsalita ito tungkol kay Richard.

Aniya, “He’s the most unique gift I’ve ever seen in my whole entire life. He really gets into your heart. He sees you for who you are and then, he helps you fix.

“You know, he takes your problems and say, ‘Hey, this is your problem. You have to face it and this is, what we’re gonna do to fix it.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And yes, this is your problem, pero, hindi siya nagdu-dwell do’n. He goes to the positiveness and he goes to overcome it.”

“That’s the greatest part of his gift.”

THE WEDDING. Nung June 9 nga ay ikinasal sila sa isang Christian ceremony sa Bellevue, Alabang, Muntinlupa. Isa itong garden wedding.

Pero ani Richard, beach wedding daw ang orihinal na gusto nila. Pero dahil kinunsidera nila ang pagdating ng ilan pang mga kamag-anak mula sa CDO, Taiwan, at U.S., nagdesisyon sila na mag-garden wedding na sila.

“So, sabi ko, ‘Hon, okey lang ba ba iti-treat na lang kita sa beach sa honeymoon natin. Pero, dito muna tayo para everybody happy.”

Sa mga nakakita ng larawan nila, mga taong dumating sa kasal ay iisa ang sinasabi, “it was a beautiful wedding.”

(VIEW GALLERY: The "secret" wedding of Richard Poon and Maricar Reyes (Part 1) and The "secret" wedding of Richard Poon and Maricar Reyes (Part 2))

Sabi naman ni Maricar, “We really wanted to keep that feel, yung intimate. We wanted to invite people na both of us knew, both of us had relationship with.”

Paano napili ang mga entourage nila sa kasal?

“The entourage, ‘di ba, usually, bridesmaid, maid of honor… Sa amin kasi, we have a core group of friends na parang pantay-pantay sila,” saad ni Maricar.

“We can’t pick just one. So, we had maids of honor and best men.”

Pitong best men at walong maid of honor daw ang nasa entourage nila.

Para kay Maricar, katulad din ng ibang babaeng ikinakasal, ang paglalakad daw niya sa aisle ang isa sa maituturing niyang highlight ng kasal nila.

“For me of course, every girl likes to walk down the aisle. And then, at the end of it, ang kumurot talaga sa puso ko, yung isi-shake hands niya ang dad ko, igi-give na ‘ko sa kanya. Yung mom ko was really crying. I cried as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun, that was really touching for me. New phase na talaga.”

Ang pinaka-highlight naman ng kasal para Richard, “One thing stood out which I never thought would happen. Noong sinabi na, you may kiss the bride. Siyempre ako, parang, ‘Thank you, Lord.’

“I have a very good friends who taught me certain things na, noong sinabi niya, first time niya na kiniss niya ang wife niya sa altar, I was like, wow, that’s crazy to me. Parang imposibleng gawin.

“Ang pinaka-strongest line that hits me like a hammer was the line that my ninong told to me, he said, ‘Richard, if you will not restrain, if all of us will not restrain e di pag sinabi ng pastor, you may now kiss the bride, it’s not special kasi, nangyari na, e.’

“Finally, you know, I was thinking, I’ll just kiss her and then, yun na. Pero, three times. Umiwas siya. She was laughing. I was laughing. We’re all laughing sa stage.”

Natatawang sabi naman ni Maricar, “Umiwas ako, kasi, may lipstick ako, e.”

Kuwento pa ni Richard, “So, I tried the second time, umiwas siya ulit. Natawa na lang ako. Hindi ko ine-expect na the first kiss would take us three try.”

Noong nahalikan na nga niya si Maricar, kumusta naman?

“It was just one second. But it was tender and meaningful kasi, parang you waited and it’s special.”

UNEXPECTED BONUS FROM GOD. Kinantahan muna muli ni Richard si Maricar ng “The Last Time” bago ikuwento na hindi niya akalaing isang singer ang mapapangasawa niya.

“I mean, as a little girl, I didn’t imagine I’ll be married to a singer and it’s a nice bonus. You know, I grew up with men. My brothers, very brusko kami. You know, I think, there’s still a girl inside me pala when I hear him sing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like now, he’s singing to me.

“The lyrics kasi, it’s very us. Ang ganda…ang gandang bonus. I’m very thankful to God.”

Napaiyak si Maricar nung ibahagi niya na nagkaroon siya ng pagdududa noon kung may Diyos talaga.

“Actually, with this whole thing, I just realized, He’s real.

“Before, ang tingin ko lang sa Kanya is, punta ka ng church. Upo ka ro’n. Whatever, mag-pray ka. Parang ang distant Niya.

“With this recent time, God, totoo ka pala. Puwede pala kitang kausapin. Puwede pala akong mag-vent sa ‘yo. And you really offer solution to the problem. Just pray, whatever. Nag-o-offer pala siya ng way out,” lumuluha pang pahayag ni Maricar.

Sabi naman ni Boy, lalo pa nga raw at nanggaling si Maricar sa isang “tough time.”

“And, that’s one thing na, sobra ka pala Niyang mahal. Kahit na imperfect ka. Kahit ang dami mong sablay.

“Yun yung nakakaiyak doon. Mahal ka pa rin. Hindi Siya mawawala sa tabi mo. Na kailangan mo Siya. Na alam Niya na walang-wala ka kung wala Siya.”

FUTURE PLANS. Dalawampung taon mula ngayon, paano nila nakikita ang sarili nila?

“In a nice house,” sagot ni Maricar.

“With stable career. We have certain plans now that we wish would push through. Yung steady lang. We want, twenty years from now, we want to be able bless more people.”

Dalawa hanggang tatlong anak daw ang plano nila.

At tuloy pa rin ba kani-kanilang showbiz career?

“We both talked na, family first with whatever career decision that we make, especially for me. And I see myself working pa rin if there’s work for me. But definitely, if kids come, I have step back a bit and make time for it,” saad ni Maricar.

Sa huli, tinanong ni Boy sina Maricar at Richard kung ano raw ang gusto nilang sabihin sa kanilang sarili sa pagiging mag-asawa nila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Maricar, “To say what you’re thinking. To really stand up to what you believe in. Kasi, that’s the problem with me. Mabilis akong tumiklop or if I feel I have a point, but sometimes, naduduwag ako to express it.”

Sabi naman ni Richard, “Lahat ng married sponsors namin, every time I ask them, ‘Why are you happy? You are like seventy, forty years together, why are you happy? Hindi kayo katulad ng iba na nag-annul, nag-divorce, nag-affair.’

“And they told me, ‘You know, it’s hard work. And if you want your marriage to work, you have to bear the prize. Hindi puwedeng, wow, ang ganda ng marriage. No, you have to get down to the hard work.’”

Tinapos ang interview na kinantahan muli ni Richard si Maricar ng “God Gave Me You.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN