PEPtalk. Alden Richards prioritizes career over love: “Actually ‘yang love ang medyo nakakasira ng career.”

Alden Richards reveals traits he is looking for in a girl: “Gusto ko maalaga and malambing kasi that’s my weakness. And ako, I don’t look on the physical... siguro bonus na lang yun kung maganda, kung chinita. Basta bonus na lang sa akin yung physical attributes. It’s more on what’s inside.”


Para sa unang episode ng year two ng PEPtalk, inimbitahan namin ang isa sa hottest heartthrobs ng Kapuso network—si Alden Richards.

Sa pakikipag-usap nina associate editor Erwin Santiago at staff writer Abby Mendoza kay Alden, maraming ibinahagi ang Kapuso star tungkol sa kanyang career at maging sa personal na buhay.

Narito ang unang bahagi ng panayam ng PEPtalk kay Alden:


Abby: What’s up, PEPsters? Welcome to year two of PEPtalk! Today, very special ang guest natin. He’s one the hottest young actors, a certified heartthrob. Please welcome Pambansang Dimples, Mr. Alden Richards!


Alden: “Hi, PEPsters! I’ve heard second season na ‘to ng PEPtalk, so congratulations!"

Kilala si Alden sa kanyang wholesome at boy-next-door image, kaya naman itinanong ni Erwin kung mayroon din bang dark side ang isang Alden Richards.

Alden: “Naku, siyempre naman. Lahat naman tayo, di ba?

“Sabi nga dun sa kanta ni Kelly Clarkson, ‘Everybody has a dark side...’ parang ganun.

“Ako, as much as possible, ayoko talaga... I don’t push it to the limit na magagalit ako.

“As much as possible, hinahabaan ko pasensiya ko.

“Kasi, of course, lahat naman tayo tao lang and minsan pagod, tapos may sasabay na mga inevitable circumstances.

"Pero habaan na lang yung pasensiya.”

Erwin: Ano yung mga circumstances na napipikon ka... kung bagong gising ka ba?

Alden: “’Yan, yung bagong gising tapos nagte-taping.

“Bagong gising, tapos taping, tapos gigisingin ako nung PA [Personal Assistant] ko, sabihin niya, ‘Anak, gising na’

“Sasabihin ko, ‘Naka-set up na ba? Gigisingin mo lang ako, tapos standby lang dun.’

“After five minutes, wala na yung ganun. Parang yun lang ang initial reaction ko pag ginigising ako.

“Pero maya-maya, okay na rin. Yun lang ang dark side ko.”

Erwin: Napipikon ka rin ba?

Alden: “I just keep it to myself na lang, e, kapag napipikon ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t show it to people kasi bad trait kapag ipapakita mo in public yung pagiging pikon.

"Just be sport and I am being sport all the time."



ALDEN ON BEING SINGLE. Itinanong naman ni Abby ang status ni Alden ngayon. May conscious effort ba siya to stay single o choice niya na unahin ang career?

Alden: “No, e! Talagang wala pa.

“I mean, kasi lahat naman dumadating in God’s time.

“Like this career of mine, nung nag-start siya, sobrang bilis ng pangyayari.

“I’ve been in the industry for two years now.

“I am so blessed, I am receiving so much. I couldn’t ask for more.

“So siguro, when it comes to love naman, in God’s time siguro, dadating din siya.

"Pero as of now, wala pa.”

Abby: Pero in the past, nagka-girlfriend ka na ba?

Alden: “Yes, high school days, of course.”

Abby: Have you always been this gorgeous?

Alden: “No! Teka, dapat pala makapag-post ako ng pang-throwback, Thursday [sa Facebook] para makita ninyo yung hitsura ko nung high school.

“Siguro ang layo ng hitsura ko when I was in high school than now.

"Tapos, I had four girlfriends. Tapos two of them are serious, two of them are puppy love.

“It was fun kasi you find an effort to wake up early, to impress her. Especially sa school... kasi sa school ko sila naging girlfriend, so todo pa-impress.

“Let’s say pag exam, dapat high grades, kailangan pabida ka.

“Siguro that’s the reason rin why I was chosen as the battalion leader of our CAT group when I was in my last year of high school.

“Parang yun yung nagpu-push sa akin to do better.”

Abby: Pero ngayon, kung maghahanap ka ng girlfriend, ano yung qualities na dapat nasa kanya?

Erwin: Dapat ba showbiz or non-showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alden: “Not necessarily.

“Gusto ko yung maiintindihan yung nature ng trabaho ko, kasi I love my job as an actor, as an artist.

“Gusto ko maalaga and malambing kasi that’s my weakness and, ako, I don’t look on the physical.

"Siguro bonus na lang yun kung maganda, kung chinita.

“Basta bonus na lang sa akin yung physical attributes. It’s more on what’s inside.”



THE ALDEN MOVES. Tinanong ni Erwin: Paano manligaw ang isang Richard Faulkerson Jr. (real name ni Alden)?

Alden: “Basta sweet, ibibigay ko kung ano yung gusto nung girl. At the same time, all out."

Erwin: Sa tingin mo ba, mas magiging madali na sa ’yo now na Alden Richards ka na compared before na regular student ka, ordinary person?

Alden: “I would still say no, hindi pa rin naman magiging madali ’yan kasi ayoko rin naman na yung girlfriend ko, e, titingnan yung status ko na kasi artista ako, kaya niya ako ginawang boyfriend.

“Pero dun sa talagang serious, siguro mahihirapan ako kung hindi talaga yun ang habol niya sa akin.”

Abby: Showbiz or non-showbiz?

Alden: “Wala actually. Either of both worlds kahit sinong dumating, kung sino ang ibigay ni Lord.”

Erwin: Pero ngayon na nasa showbiz ka, yung mga makikilala mo from showbiz rin, so most likely?

Alden: “Most likely... I won’t say kasi focused ako sa work talaga, so lahat ng nakikita ko and nami-meet, considered as friends, companions."



LOUISE, JULIE ANNE & LAUREN. Inisa-isa naman ni Abby ang mga babaeng nauugnay kay Alden, gaya nina Louise delos Reyes, Julie Anne San Jose, at Lauren Young.

Inamin ng young actor na minsan niyang naisip na ligawan si Louise.

Alden: “It occurred to me once when we were working on Alakdana, my first project in GMA.

“It’s not destined to be, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That kind of relationship together, talagang mas naging okay kami kung ano kami ngayon. We’re very good friends.

"Siguro yung relationship na yun, we’re more than that, kasi we understand each other, we have no pressure.

"Tapos yung work namin, yung soap namin—we did One True Love and now we’re doing Mundo Mo’y Akin sa GMA.

One True Love did well, so okay na sa akin yun. I am contented with what we have now.”

Abby: But can you say you’re friends now?

Alden: “Yes, so much. We’ve developed this closeness, we understand each other na sometimes she opens up to me pag meron siyang problema, especially sa lovelife niya, kinu-consult niya sa akin.”

Nito lang ay napabalitang naghiwalay na si Louis at ang boyfriend nitong si Enzo Pineda. Naging takbuhan ba siya ni Louise?

Alden: “Of course. We’re doing Mundo Mo’y Akin during that time so, of course, as her loveteam, I have to help her kasi nga team, di ba?

“So I have to make an effort for her to feel okay, kasi nga we’re doing a lot of scenes together, especially sweet scenes.

“Kailangan maging comfortable siya about problems, especially love.

“Actually, ‘yang love ang medyo nakakasira ng career.

“Pero tungkol sa problema nila ni Enzo. as of now, okay na, e.

"That’s why okay na rin siya, she’s doing a lot of projects now and she’s very okay.

Erwin: What do you mean by ’okay’? Nagkabalikan ba sila?

Alden: “That I don’t know. Yun na ang ayaw ko tanungin hangga’t di niya sinasabi.

“Usually I don’t ask for permission, it just comes to me.

"Kung sila man, sasabihin naman niya sa akin yun. Pero wala pa siyang sinasabi as of now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Erwin: During their breakup, hindi ba pumasok sa isip mo na, ‘Uy, puwede na ako pumasok.’ Kasi sinabi mo kanina na binalak mo before na ligawan siya.

Alden: “Baka maging awkward lang yung situation since siya [Enzo] nga yung nauna na parang kung titingnan, bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang ginawa yun?

"So dun na lang ako sa stage na steady lang kaming dalawa.

“We’re both okay, we don’t have to be together to work as a loveteam.

"Kasi One True Love is a proof na hindi namin kailangan maging kami to support the loveteam.

“So yun, okay kami ni Louise.”

Nadako naman ang usapan sa pagkakaugnay niya pa sa dalawang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Lauren Young.

Alden: “Dito kasi sa showbiz, ang hirap talagang hindi ma-link sa different girls, especially when you’re single.

“Talagang sabihin natin na malagay ka lang sa isang production number or sa isang project together with someone, of course, someone, kung sino man diyan, would speculate na, ’Bakit hindi sila ganun?’

“Hindi talaga maiiwasan yung pagli-link, pero I take it positively.

“Kasi si Lauren, we are doing this Mundo Mo’y Akin, mas naging open yung acting ko.

“Since nakilala ko si Lauren and she comes from the other network [ABS-CBN], iba yung pinanggalingan niyang world, so I am learning something from her now as we work together.

"And what I can say is, Lauren is a very good actress and madaling katrabaho.”

Watch Alden Richards’ PEPtalk interview now!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN