Jennylyn Mercado says boyfriend Luis Manzano trusts her decisions: “Good girl naman ako. Kilala naman niya akong kumilos kaya kampante siya.”

Mariin pa ring deklara ni Jennylyn Mercado na wala pa silang balak magpakasal ni Luis Manzano. Aniya: “Hindi pa. Marami pa kaming gustong gawin as individuals. Wala pa sa isip namin ‘yan.”


Ang Team "Tweet Hearts" ni Jennylyn Mercado ang nagwagi sa showdown ng mainstays sa pilot telecast ng bagong musical variety show ng GMA-7 na Sunday All Stars o SAS.

Ang team ay kinabibilangan nina Andrea Torres, Max Collins, Rocco Nacino, Maricris Garcia, Ruru Madrid, Sef Cayadona, Yassi Pressman, at Julie Anne San Jose.

Pinataob ng team ni Jennylyn ang grupo na pinamumunuan nina Jolina Magdangal, Mark Bautista, at Christian Bautista.

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa backstage ng GMA-7 matapos ang live airing ng show nung Linggo, June 16.

Saad niya, “Oo, nandoon na yung kaba na kailangang galingan yung ipapakita naming production number.

“Pero ang inisip namin, fun lang, magsaya lang kami.

“I think, yun naman ang importante sa lahat, na nag-e-enjoy ka sa bawat ginagawa mo.”

PRESSURED. Mas malaking pressure ang nararamdaman ni Jennylyn bilang leader ng grupo sa mga susunod nilang gagawin para sa show.

“Oo naman. Kasi kailangang tapatan o kung hindi man malagpasan, yung performance namin.

“Kailangan, mas i-level up."

Si Jennylyn ang isa sa pinakaabalang talent ng Kapuso Network dahil sa sunud-sunod niyang TV shows. Hindi kaya siya mahirapan na palakasin ang grupo dahil sa kanyang schedule?

“Naisisingit naman kahit paano,” katuwiran naman niya.

“’Pag gusto mo talaga yung ginawa mo at natsa-challenge ka, gagawa at gagawa ng paraan.”

TOTAL CONCEPT. Gaano ba kahirap ang maging team leader?

“Siguro yung pressure na ini-expect nila, yung performance na gagawin nila, yung ’pag aabangan na.

“Kasi, nanalo kami, kaya sa susunod, dapat manalo uli kami. Dapat mas maganda yung performance namin next week.”

Aminado si Jennylyn na first time niyang humawak ng grupo ng mga kapwa niya artista.

“Okey lang naman, pero nakakatakot, kasi lahat sa iyo, e.

“Literal, sa akin lahat—concept, music, choreography, costumes, props, lahat! Name it!

“Pero collaboration naman ito ng mga members ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos, kasama ko rin siyempre, yung mga nasa likod ng camera, like yung writer, choreographer, musical arranger…lahat.”

Hindi kaya ma-haggard ang beauty niya sa sobrang pressure at stress ng trabaho at role?

“Very, very light. ’Ayan, o, tignan mo,” sabay turo niya sa mukha.

“Honestly, hindi ko talaga kinakaya,” pag-amin niya.

Hindi ba niya matanggihan noong unang ialok sa kanya ang trabaho?

“Bakit ko naman tatanggihan?

“Unang-una, binigyan ka nga ng chance ng ganitong opportunity, saka challenging, e.

“Hindi ko pa nagagawa ito sa buong career ko sa showbiz. Saka isang buwan lang naman ito, e.

“So, next month, magiging busy na ako, kaya kinagat ko na,” hint ng aktres sa susunod niyang TV project.

TIME FOR LOVE. Kasintahan ni Jennylyn ang ABS-CBN game show host na si Luis Manzano. Paano pa sila nagkakaroon ng ora para sa isa’t isa?

“Yun na nga ang problema,” pagbibirong sagot ni Jennylyn.

“Hindi. Okey lang. Lagi namang nandiyan si Luis, e.

“So, lagi naman siyang pumupunta sa house—parati naman siyang nandiyan lang lang para sa akin.

“I don’t think magkakaproblema ako.”

May isang buwan na halos nakapagpahinga si Jennylyn mula nang magwakas ang serye niyang Indio, ang showbiz talk show niyang H.O.T. TV at Party Pilipinas.

Nakapamasyal naman ang magkasintahan noong libre pa si Jennylyn sa mga shows niya.

Kuwento niya, “Nagpunta kami ng Anilao, balikan lang.

“Nagpunta kami ng umaga, ’tapos, bumalik rin kami ng Manila noong gabi.

“Iyon yung sa FHM, doon ako nag-shoot. Sumama siya, ’tapos, umuwi rin kami pagkatapos noon.”

(READ: Luis Manzano eyes "best game show host" award this year: “Lord, favor na lang ‘to... Nakaisa na ‘ko for every genre...")

Anong feeling at proud ba si Luis sa kanyang pagko-cover sa FHM?

“Ganoon lang naman yun, oo lang naman yun ng oo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“GOOD GIRL.” Hindi kaya malaki lang ang takot sa kanya ni Luis kaya hindi siya pinipigilan sa mga gusto niyang gawin?

“Nakakatuwa rin, kasi hindi niya ako pinagbabawalan, kasi alam naman niya kung ano ang limitasyon ko.

“Malaki ang tiwala niya sa akin.”

O kaya’y takot na hiwalayan niya?

Mabilis na reaksyon ni Jennylyn, “Hindi, grabe ka!” nangingiting bulalas ng actress.

Paliwanag pa niya, “Ano naman ako, good girl naman ako.

“Kilala naman niya akong kumilos kaya kampante siya.”

Lahat ba ngayon ng ginagawa niya, lalo na’t kunektado sa kanyang career, ipinapaalam niya kay Luis?

“Nagpapaalam naman ako. Pero hindi naman lahat pinakikialaman niya pagdating sa mga ganoong bagay.”

Hindi ba nakakabagot ang ganitong takbo ng relasyon na walang problemang pinagdadaanan?

“Oy, hindi! Huwag kang ganyan,” nag-aalalang tugon ni Jennylyn.

Ayaw ba niyang magkaroon sila ng problema ni Luis?

“Ayoko, mahirap,” sambit niya.

WEDDING PLANS. Tumango naman ang aktres sa tanong kung pangmatagalan na ba talaga ang samahan nila ni Luis.

Nakikita na ba niyang pakakasal siya kay Luis?

“Hindi pa. Marami pa kaming gustong gawin as individuals.

“Wala pa sa isip namin ‘yan.”

Baka naman mainip si Luis sa tagal niyang pumayag magpakasal?

“Hindi naman. Kasi wala pa naman kaming pinag-uusapan, e.

“Basta, masaya naman kami, yun ang importante.”

IMPRESSIVE. Mataas ang ratings ng bagong serye sa GMA-7 network na My Husband’s Lover.

Natutuwa naman si Jennylyn sa performance ng ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo na isa sa mga lead actor ng soap at ka-“loveteam” ni Tom Rodriguez.

“Ang galing, ‘no? Ako, I’m happy for him. Kasi yung concept na ganoon, very unique.

“’Tapos wala masyadong…ibig sabihin, original. Wala masyadong pinagkopyahan, sa pagkakaalam ko, ha?

“Parang fresh lang yung concept, bagung-bago—nakakatuwa.

“Kasi nagagampanan niya nang mabuti yung role niya.

“Though hindi naman ako nakakapanood ng regular, pero nakikita ko yung soap paminsan-minsan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN