Kris Bernal made to back out of “sexy” indie film lead role due to Prinsesa ng Masa

Gusto na raw sana talaga ni Kris Bernal na gawin ang “sexy” at “daring” na indie film na Isang Tag-araw Sa Buhay Ni Twinkle Payawan. Kaya lang ay napagdesisyunan daw ng nagma-manage sa kanya, ang GMA Artists Center, na huwag tanggapin ang pelikula dahil gagawin niya ng teleseryeng Prinsesa ng Masa sa susunod na buwan.


Nakapanayam ng PEP.ph [Philippine Entertainment Portal] si Kris Bernal sa Sunday All Stars (SAS) nitong Linggo, July 16.

Unang tinanong ng PEP sa kanya ay tungkol sa indie movie na gagawin niya sana pero hindi natuloy. Bakit nga ba?

“Indie film po ni Direk Gil Portes para sa FDCP (Film Development Council of the Philippines) Sineng Pambansa All Master Series Film Festival.

Isang Tag-araw Sa Buhay Ni Twinkle Payawan [ang title],” umpisang pahayag ni Kris.

Siya sana ang gaganap bilang si Twinkle, bakit siya nag-back-out?

“Hindi naman sa ako ang nag-back-out, pero nag-decide kasi ang network at ang GMA Artist Center (GMAAC) na huwag ko munang gawin dahil may gagawin po akong soap.

“Sexy kasi, e. Talagang daring siya at saka ‘masama,’ kumbaga. Pero may lesson naman sa huli.

“Pero dito kasi sa movie, isa akong cocaine addict na mare-rehab ako, na wild ako, na may love scenes, may mga daring scenes, mabubuntis…ganun.”

Ang GMAAC, kung saan under management si Kris, ang hindi tumanggap sa pelikula.

Pero kung si Kris, handa na ba siyang gumawa ng daring na pelikula?

“Ready naman ako. Actually, napag-aralan ko yung script, pumunta ako sa mga rehab centers, ‘tsaka nakailang meeting na kami kay Direk Gil. Gusto ko talaga siyang gawin.

“Kasi gusto ko na, since wala akong ginagawa ngayon.

“May pinagkakaabalahan ako at saka para rin may makita silang iba sa akin.

“Kasi siyempre naging consistent ako, for six years ko ‘ata dito sa showbiz, parang laging pare-pareho yung ginagawa kong roles.

“So, iyon lang naman, na sana iba-iba naman.”

Ikinalungkot daw ni Kris ang hindi niya pagkakatuloy sa nasabing proyekto.

“Pero siyempre nirerespeto ko din yung desisyon ng network.

“Alam ko naman na gusto lang nila yung best para sa akin. Kung ano ang mas makakabuti sa akin.

“E, hindi ko rin naman alam kung ano yung para sa akin. Sila naman po ang mahusay diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nirespeto ko na lang po, at saka wala pong problema dahil talagang malaki ang tiwala ko naman sa network pagdating sa mga projects na binibigay nila sa akin.”

NOT YET READY TO GO DARING. Ang Prinsesa Ng Masa na sisimulan sa July ang susunod na gagawin ni Kris na teleserye.

Hindi nga naman bagay na habang may ginagawa siyang teleserye na wholesome siya ay may pelikula naman siyang isa siyang drug addict na pakawala.

“So, baka maapektuhan yung gagawin kong soap.”

Sa pagkakaalam ni Kris, ang pumalit sa kanya ay si Ellen Adarna.

Kung sakali bang natuloy siya sa proyekto, hanggang saan ba ng kayang gawin ni Kris?

Kaya ba niya ang ginawa ng kapwa niya Starstruck product na si LJ Reyes, na may pumping scene sa indie movie na Intoy Siyokoy Ng Kalye Marino?

“Ha?” ang tila gulat na reaksiyon ni Kris.

Sunod na tanong ng PEP sa kanya ay kung kaya na ba niyang mag-pose sa FHM, kagaya ng ginawa ni LJ?

“Puwede naman, kaya naman. Pero siguro maraming limitations.

“Maraming hindi ako puwedeng basta-basta ipakita or ano.

“’Tsaka siyempre may permission dapat ng partents ko.

Hindi ako puwedeng basta na lang lumabas nang ganun.

“Kailangang aprubahan ng parents ko.”

Kung gayon, malamang na hindi rin pala niya kakayanin ang mga eksena sa gagawin sana niyang indie film. Hindi ba’t daring siya dapat doon?

“But actually dun sa indie na yun kasi, wala naman kasing daring scenes. Wala naman talagang topless.

“Maybe meron yung topless na likod lang, or parang indication ng after ng lovemaking, ganun. Pero wala talaga yung parang…”

Binanggit ng PEP sa kanya ang isa pang Starstruck product na si Ryza Cenon. Naging FHM cover girl na rin ito nung May.

Sa pictorial nito, wala namang ipinakitang pribadong parte ng katawan pero mukha lang itong naka-nude. Maayos lang na natatakpan ng tapis na gamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya rin ba niya itong gawin?

“Siguro sa ngayon hindi pa muna. Dadating din yung time na ‘yan. At saka alam ko rin, ang mommy ko, hindi siya papayag sa ganung concept.”

WORKING WITH KYLIE. May project sana para sa kanilang tatlo ng ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica at real-life girlfriend nitong si Kylie Padilla. Mala-Sana Dalawa Ang Puso Ko raw ang konsepto pero hindi natuloy.

Pero kung si Kris ang tatanungin, okey lang ba sa kanyang makasama sa proyektong ito ang girlfriend ng kanyang ka-loveteam?

“Oo naman. Wala naman akong problema kay Kylie. Mabait si Kylie sa akin. Hindi ko rin naman naramdaman na parang may gap kami or iniiwasan niya ako. Wala namang ganun. Mabait siya sa akin.

“Gusto ko siyang makatrabaho kasi nakita ko naman yung trabaho niya, mahusay naman siya talaga.

“Gusto kong maging fair din kasi kung bibigyan kami ng show. Ayoko naman ding nasa amin lang ni Aljur yung attention.

“Siyempre gusto ko ding maging fair yung role kay Kylie. Ayoko namang maging kontrabida din siya. Alam mo yun?”

BEING A LOYAL KAPUSO. Kaka-renew lang ni Kris ng kontrata niya sa GMA-7 ngayong taon para sa panibagong tatlong taon. Kaya ang ibig sabihin nito’y hindi muna siya “mapipirata” ng ibang istasyon?

“Hindi pa.”

Naintriga ang PEP sa sagot niyang ito. Ang ibig bang sabihin ay nakaisip na rin siyang mag-iba ng istasyon?

“Hindi naman. Wala.”

Masasabi ba niyang loyal Kapuso talaga siya?

“E, siyempre naman. Wala naman akong masasabi at marereklamo dahil sunud-sunod naman talaga yung bigay sa akin ng GMA ng shows. Na minsan nga iniisip ko, ‘Bakit ako?’

“Na bakit lagi akong nabibigyan, yung wala naman akong…alam mo yun?

“Ang dami-dami diyan, ‘tapos ako yung binibigyan.

“So, dun pa lang malaki na yung pasasalamat ko.

“At siyempre, nanalo din ako sa Starstruck, binigyan nila ako ng chance na mag-grow dito, na maging lead.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, bakit ako aalis? E, utang na loob ko sa kanila yung pangarap ko na maging artista.”

SAS SYSTEM OF VOTING FOR WINNER. Sa Sunday All Stars, sa [Ligang iLike] team ni Jolina Magdangal member si Kris, pero hindi sila pinalad na manalo. Ang [Tweet Hearts] team ni Jennylyn Mercado ang nagwagi.

Okey lang ba sa kanila ang pagkatalo nila?

“Okey lang sa amin. Wala namang problema, kasi alam naman namin na binigay ng lahat yung makakaya nila, e.

“Like si Ate Jolens, siya talaga ang nag-isip ng concept namin.

“Nag-agree kami lahat dun at saka in-enjoy lang namin yung production number. So, wala namang problema dun.

“Siguro lesson lang sa amin ngayon na mas maging…siguro pag- isipan naming mabuti kung ano pa yung puwede naming gawin.”

Ang dalawa pang celebrity teams ay pinamumunuan naman ng team leaders na sina Mark Bautista [Tropang Trending] at Christian Bautista [Insta Gang].

Pabor ba si Kris sa sistemang nade-declare ang panalo base sa magkahating text voting ng viewers at scores ng apat na judges na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, at Jaya?

Paano kung magaling talaga ang team pero hindi sila nanalo dahil kakaunti lang ang text votes nila?

“Pabor naman ako, pero mas maganda siguro kung hiwalay.

“Kasi iba-iba naman yung comments or iba naman yung dating ng performance namin sa mga judges at iba rin sa viewers.”

Suhestyon namin, sana ay may ideklarang winner talaga at meron namang bibigyan ng award bilang texters’ choice.

“Iyon. So, sana, di ba?

“Iba naman yung sa napanood nila at sa nakita ng personal,” pagsang-ayon ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN