Diva Montelaba surprised about reports claiming Sarah Lahbati is now a mom: "...pag siya ang nagsabi sa akin na, ‘Uy, may baby na ako,’ I would really be happy for her."

Kahit medyo mabagal ang takbo ng career ni Diva Montelaba, masaya siya dahil nakasali siya sa Sunday All Stars. Sabi niya: “Ang daming artista dito pero hindi lahat nakasali. So, simple little blessings— doon na lang humuhugot ng positive thoughts.”


Hindi man nanalo, natutuwa pa rin si Diva Montelaba sa magagandang comments ng mga judges sa kanilang grupo sa pilot episode ng Sunday All Stars o SAS sa GMA-7 nitong Linggo.

Ang SAS “Big Four” judges ay binubuo nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya, at Janno Gibbs.

Si Diva ay kabilang sa team ni Jolina Magdangal, kasama sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Alden Richards, Louise delos Reyes, Enzo Pineda, Jonalyn Viray, Kris Lawrence, at Sam Pinto.

Kahit puring-puri ang mga judges at hosts ng show sa production number nila, natalo sila sa text votes na nakuha ng team ni Jennylyn Mercado.

Kuwento ni Diva sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, June 16:

“Perfect naman yung ipinakita namin, natalo lang kami sa text votes. Ang concept kasi namin, we used one song which is ’Mister Suwabe’ pero maraming genre.

“Si Kris Lawrence ang nag-R&B, si Jonalyn nag-opera, kami ni Sam humawak ng sawa sa opening.

“All in all, proud naman kami sa ginawa namin, kasi sobrang madugo yung brainstorming namin.

“Hindi man kami nanalo ngayon, pero feeling namin, ang ganda ng ginawa namin dahil sa mga compliments na sinabi sa ginawa namin.

“Like, ang ganda raw noong production number namin— kakaiba.”


WHAT TO EXPECT FROM SAS. Dahil competition ng mga co-mainstays ang concept ng Sunday All Stars, ano ang nabago sa dati niyang ginagawa?

“Kasi ngayon, may group na, tapos, hindi mo pinili yung group mo, malalaman mo na lang.

“Ibig sabihin, binibigyan kami ng time para makilala ang isa’t-isa, tapos, mag-bonding.

“Kasi, nagmi-meeting kami outside GMA pag walang work, lahat.

“And parang kami talaga yung naghihirap kung ano ang isu-showcase namin sa susunod naming gagawin.

“Hindi gaya ng Party Pilipinas na pupunta lang kami sa rehearsal, naka-prepare na yung gagawin namin, ire-rehearse na lang namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa bagong show, ginagawa namin yung pinag-isipan namin at nagtutulungan kami.”


"SLOW" CAREER. Maliban sa SAS, nasa cast din ng daytime soap si Diva na Maghihintay Pa Rin kasama ang bidang si Bianca King.

Okay lang ba sa kanya ang takbo ng kanyang career ngayon?

Diretsahan niyang sabi, “Honestly, it’s slow. Pero hindi naman ako plastic, ha?

“Naniniwala naman ako na hindi lahat nakukuha nang madalian.

“Kasi ‘pag mabilis mong makukuha, mabilis ring mawawala.

“So, doon na lang ako humuhugot na parang matagal ko man makuha yung gusto ko, pero ‘pag nakuha ko na, matagal naman yun bago mawala.

“Aantayin ko na lang yung time na yun at ‘pag nakuha ko na, i-chi-cherish ko na.”

Paano kung hindi dumating ang chance na hinihintay niya?

“Naiisip ko na rin yun,” sambit niya.

“Pero ‘eto kasi, slow, but I’m enjoying it. Parang hindi yun… hindi ako nadi-depress dahil slow siya.

"I’m just making the most of it, kung ano na lang ang meron.

“Pero blessed na rin naman ako dahil naman lahat ng artista ng GMA nabibigyan ng soap, nabibigyan ng SAS.

“Ang daming artista dito pero hindi lahat nakasali.

“So, simple little blessings—doon na lang humuhugot ng positive thoughts.”


DEPRESSED MOMENTS. Pero nakakaramdam ba siya ng depression?

“Minsan. Lahat naman siguro nadaanan yung… ‘Kailan kaya yung panahong magbibida ako? Kailan ba yung magkakaroon ako ng soap na sarili ko?’

“Pero ayokong pilitin. Ang hirap kasing ipilit ang mga bagay-bagay.

“Instead of being depressed, enjoy ka na lang kung anong meron.”

Ano bang ginagawa niya pag nadi-depress siya?

“Friends-friends lang. Hindi ako mahilig sa shopping, e.

“Nagpi-pig out sa iba’t-ibang restaurants, kape-kape sa Starbucks, good friends,” dugtong pa niya.

Dumating na ba siya sa point na gusto niyang tigilan ang pag-aartista?

“Yeah, a lot of times… ‘Sige, tumigil na lang, balik na lang ako sa Cebu, mag-aral na lang ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag binabalikan ko yung mga panahong ang hirap pumasok sa auditions sa Starstruck, as in ang haba ng pila!

“Tapos, nasa contest ako, kulong kami sa hotel, wala kaming magawa, ang layo-layo ko sa pamilya ko, ang dami ko nang tiniis.

“Tapos, aayawan ko na lang bigla nang walang rason?

“Ano na lang, I’m just really making the most out of it.

“Binabalikan ko na lang yung thoughts na hindi man ako malaking artista ngayon, pero ang hirap ng pinagdaanan ko bago ako makapasok dito.

“So, sayang lang naman kung bibitiwan ko ito, sayang yung ginawa ko, sayang yung effort ko.”

Halos pareho sila ng takbo ng career ng boyfriend niyang si Steven Silva, na siyang naging ultimate male survivor sa Starstruck batch 5.

May panahon bang nadi-depress din si Steven?

Saad niya, “Well, we comfort each other. Saka ano, e, positive siya na tao, e. Mas ako yung nadi-depress.

“Positive siyang tao, kaya ano, sa kanya na lang ako nagpapa-comfort.

“Ano siya, e, words of wisdom yun, e.”

Ano naman sinasabi ni Steven kapag depressed si Diva?

“Sa kanya ko nakuha yung, ‘Ano man yung naabot mo nang mabilisan, madali ring makukuha sa iyo. Pero pag naghintay ka at naabot mo yun, make the most out of it kasi, matagal ring mananatili sa iyo.’”


BB. PILIPINAS. Puwede mag-modelo on the side si Diva kung walang project o pagsabayin ang pag-aartista at pagmomodelo.

“Actually, puwede naman,” pagsang-ayon niya.

“Pero kasi, I really love acting. Kasi modeling, that’s my work when I was in Cebu. Na-experience ko yung modeling life.

“Beauty queen? I joined some beauty pageants in Cebu, na-experience ko na rin ‘yan.”

Hindi ba niya gustong sumali muli sa mga beauty pageants?

Balitang gusto ni Diva maging candidate sa mga susunod na season ng Bb. Pilipinas.

“Yes, I want to. Pero natataon kasi, pag gusto kong sumali ng Binibini, meron laging hindrance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like, noong first time na gusto ko talaga, meron akong show kaya hindi ako puwedeng sumali.

“Kailangan hindi ka visible sa TV.

“I chose the show kasi I love acting. But I’m so open pa rin naman sa ganyang chance.”

Baka matulad siya kay Rich Asuncion na sumali sa Bb. Pilipinas pero hindi nakuha ang major title.

“Exactly, that’s a risk. Pero gusto ko pa rin. Hindi lahat nabiyayaan ng ganitong balat, Pinay beauty, ng kara… yung ganoon.

“Parang gusto ko i-try, kaya lang hindi pa perfect time, e… hindi pa talaga.

“Darating yung time na yun, gusto ko talaga, e. Maghihintay ako ng perfect timing o time para diyan.”

Ganito rin si Sarah Lahbati noong hindi pa siya ipinapareha kay Richard Gutierrez.

Pero noong magkasunud-sunod na ang TV projects niya, isinantabi na niya ang pangarap na maging beauty queen.

Magiging ganito rin ba si Diva kapag nabigyan siya ng sarili niyang show?

“Hindi natin alam, e, kasi for now, as I speak now, gusto ko pa rin. Pero siguro hindi pa natin alam.

“Sa GMA Artist Center [management team], okay lang naman sa kanila.

"Pero yun nga, parang instinct ko na if ever na magdyu-join ako ng beauty pageant, maiiwan ko muna yung pag-arte kasi hindi naman puwedeng sabay yun.

“’Pag sumali ka sa Binibining Pilipinas, on hold ka in everything you do, lahat ng gagawin mo.

“Like before the pageant, lahat ng activities mo, imo-monitor kasama ang ibang candidates.

“Of course, I cannot do tapings in between.”

Kaya ba niyang hindi magtrabaho ng ilang buwan para lang sa sumali sa beauty pageant?

“That, I’m not sure,” mabilis niyang sagot.


SARAH LAHBATI. Batchmate sa Starstruck at kaibigan ni Diva si Sarah Lahbati kaya kinumusta namin ito sa kanya. May communication pa rin ba sila nito?

“Ngayon, wala kaming communication. Nakikita ko lang yung picture niya sa Instagram, yung mga reach niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila talagang friends kaya hindi na sila nagkakausap ni Sarah?

“Friends kami, pero pag gusto noong tao na maging private yung life niya, wala tayong magagawa.

“I mean, kung gusto kong maging private yung life ko at hindi ko muna kausapin yung mga friends ko, choice ko pa rin yun.

“Hindi ako magdadamdam, kasi karapatan yun noong isang tao.”

Hindi ba niya kinakamusta si Sarah sa mga social networking sites kung saan mayroon itong account?

“Hindi pa, lately, hindi pa. The last time I asked how she is was like a month ago.

“Alam kong masaya naman siya talaga. Nakikita ko at nararamdaman ko na masaya siya.

“So, ibigay na natin yun sa kanya— masaya, e. Pag masaya ang isang tao, maging masaya na lang tayo para sa taong yun.

“Huwag na nating i-push na mag-nega, kasi masaya siya, e.”

Anong nararamdaman niya na hindi puwedeng umuwi ng Pilipinas si Sarah dahil may warrant of arrest para sa kanya?

“Well it’s… narinig ko nga yung balita. Medyo nakakalungkot, kasi hindi ko ma-imagine kung ano yung feeling.

“Hindi ko alam, e. Hindi ako makapagbigay ng buong opinyon ko kasi it’s a sensitive topic, like filing a case against somebody.”

Aminado naman si Diva na napakabilis ng mga pangyayari: matapos mag-post ng statement sa Twitter si Sarah laban sa big boss ng GMA-7 na si Anette Gozon-Abrogar, lumipad ito papuntang abroad.

“Oo, kasi baka merong mali sa pag-decision making or… hindi ko alam, e, kung ano ang nangyari.

“As a friend of Sarah, ano na lang, kung gusto niyang mapalayo muna, kasi nandoon rin yung family niya, e.”

Ano ang reaksiyon ni Diva sa bali-balitang nanganak na si Sarah at ang nababalitang ama ay ang boyfriend niyang si Richard Gutierrez?

“Ay, talaga!” gulat na reaksyon ni Diva.

“Well, I don’t know. I don’t have any comment,” iwas niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya gustong alamin ang totoo bilang friend ni Sarah?

“Kasi pag siya ang nagsabi sa akin na, ‘Uy, may baby na ako,’ I would really be happy for her. Kasi… hello, di ba?

“Pero I don’t wanna judge her, I don’t have plans to judge her. I know her na parang… si Sarah, kahit bata pa siya, she made big decisions in her life. I could really say that.

“Kasi mature na siya, e, mature siya na babae. Pero hindi ko alam.”

Hindi ba inisip ni Diva na sana siya na lang ang nanalo sa batch nila sa Starstruck at hindi si Sarah na iniwan lang ang kanyang showbiz career?

“Ano ba yun?! Ano ba ’yan! Hindi ah! Well, perhaps, everything happened for a reason,” nasabi na lang ni Diva.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN