German Moreno not affected by intrigues putting malice to his manager-talent relationship with Jake Vargas: "Sanay na ako noong araw pa, e, sa That’s..."

That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg"> That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg"> That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg">

That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg"> That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg"> That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg"> That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg">

Ikinatuwa ni Kuya Germs na halos katulad ng Saturday Edition ng That’s Entertainment ang concept ng bagong Sunday variety show ng GMA-7 na Sunday All Stars. Aniya: “Ngayon, ano ang nangyayari? Bumabalik kung ano yung idea ni Kuya Germs, di ba?”


Labis na nag-alala ang Master Showman host na si German “Kuya Germs” Moreno nang nawala for one day ang anak-anakan at mina-manage niyang si Jake Vargas.

Talagang nataranta raw si Kuya Germs at ang pamilya ng young Kapuso actor sa paghahanap.

Kuwento ni Kuya Germs, “Siyempre, hindi namin alam kung nasaan siya. Wala siyang kasama, mag-isa lamang.”

Ito ang pahayag niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pantry area ng new building ng GMA Network noong June 16.

Kinumpirma rin ni Kuya Germs na tampuhan nina Jake at Bea Binene ang dahilan ng isang araw na pagkawala ng young actor.

Inihambing pa niya ang dalawa sa loveteam noon nina Nora Aunor at Tirso Cruz III.

“Alam mo naman yung dalawang ‘yan, parang Guy and Pip. Galit-bati sila lagi. At yun nga, nagkaroon sila ulit ng tampuhan.

“So yun ang nangyari. Parang nagpalipas siya ng sama ng loob na isang araw na nandoon siya sa ilang kaibigan niya.”


REPRIMAND. Hindi naman niya pinagalitan si Jake sa ganoong ginawa na biglang na lang hindi umuwi.

Pero, “Pinagsasabihan ko naman na he cannot blame his Daddy and his family, pati ako, na mag-alala.

“Dahil siyempre may mga bagay na sa panahon na ito, lalo na hatinggabi na, wala ka pa.

“E, siyempre mag-aalala ang lahat.”

Napapabalita na nagiging rebelde at pasaway na si Jake lately at hindi na raw sumusunod sa kanya.

“E, alam mo naman ang ano… na kapag may problema sa pag-ibig, ganyan ang nangyayari, e. Pero hindi naman yung nagiging rebelde na at pasaway.”


LOVER’S QUARREL? Ano ba talaga sa tingin ni Kuya Germs ang real score sa pagitan nina Jake at Bea? Nagkakamabutihan na nga ba ang mga ito kaya may mga lovers’ quarrel nang nangyayari?

“E, sabihin na nating merong mga selosan. Na katulad ng mga nakikita diyan sa Facebook. Na may mga pictures na nakaakbay si Jake sa mga babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi mo naman maaalis yun. Dahil si Jake, e, lapitin ng fans— lapitin ng mga babaeng nagpapakuha ng litrato, mga ganyan...

“So may akbayan at yakapan, may nakasandal sa kanya na ganoon.

“Kaya minsan, nagiging dahilan iyon ng selosan.”

Kung ganoon na minsan ay parang may selosan factor pala, may mutual understanding na talaga sina Jake at Bea?

“Pinagbati sila on the spot sa SAS [Sunday All Stars], di ba?

“Kaya sabi ko, tingnan ko ngayon kung ano ang magiging ano niyan,” bahagyang natawang sabi pa ni Kuya Germs.


BREADWINNER. Sabi ni Jake dati, isa sa nakakapigil sa kanya para mag-girlfriend ay ang obligasyon niya bilang breadwinner ng pamilya.

“It’s but natural dahil siya ang more ang grasyang dumarating sa kanya, e,” kumpirma ni Kuya Germs.

“At ako naman, nahihirapan din akong mag-divide-divide siyempre.

“Dahil alam mo naman, siyam silang magkakapatid, plus the father.

“Natapos na nga yung sa mother dahil sumakabilang buhay na.”

Si Jake lang ba talaga ang naghahanap-buhay sa kanilang pamilya?

Noon pa ay may isyu nang wala na raw gustong magtrabaho sa mga kaanak ni Jake dahil lahat ay umaasa na lang sa young actor.

“Merong sideline naman yung kapatid niya,” paliwanag ni Kuya Germs.

Nag-aabono ba si Kuya Germs kapag kinakapos ng pangsuporta si Jake sa pamilya nito?

“Naku, what a question!” sabay tawa ni Kuya Germs.

“Noong una, talagang… lalo na noong may karamdaman ang Nanay niya noon, e, bagu-bago pa lang sa showbiz si Jake.

“Siyempre, nandoon yung kailangan mo talagang tulungan.

“Dahil hindi biro yung naging sakit ng Nanay niya during that time.

“So may mga abono ako, hindi mawawala iyon.

“Kapareho lang naman noong panahon ng That’s Entertainment na halos lahat, e, tinutulungan mo.

“Kapag may problema lalapit sa iyo.

“Kahit sa Walang Tulugan, ganoon din. May mga bata na lalapit na ganito, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, ikaw naman, sige lang nang sige.”


GUARDIAN. Marami pa rin ang nagtatanong kung ano ang nagtulak kay Kuya Germs para tumayong pangalawang ama ni Jake.

Sa dami ng talents na tinulungan niya, parang sa young actor lang daw siya na-involve nang husto sa puspusang pagtulong at pagbibigay ng suporta.

“Noong idinating siya sa akin ni Tom Adrales [discoverer ni Jake], ang unang bungad niya sa akin talaga is yung tungkol sa mother.

“Komo naman noong araw buhay pa yung doctor na connected sa aming pamilya, pinatingnan ko.

“At sa resulta, the mother was given only six months to live.

“Pero nakasalba ng four years!”

Hindi biro ang pagtulong na nagawa ni Kuya Germs kay Jake at sa pamilya nito.

“And then si Jake naman, may talent naman talaga na kailangang i-improve lamang.

“May personalidad naman siya, may boses naman siya. So, alam mong may dating yung bata.

“Kaya noong nasa Walang Tulugan na siya, I tried also na sana, mabigyan ng tsansa sa mga telenovela— at nabigyan naman siya ng opportunity.

“Noong una nga, medyo parang napapabayaan pa siya noong mga panahong iyon.

“Nagkaroon pa nga ng press conference noong unang ano niya na ang napapansin lang ay si Barbie [Forteza] at si Joshua [Dionisio].

“Siya, nandoon din naman sa billboard, pero hindi siya nababanggit.”


SHOWBIZ MANAGER. Bakit siya na rin ang tumayong manager ni Jake?

“E, alam mo naman, kung si Jake mapupunta sa iba, yung komisyon, malaking bawas yun sa bata.

“Ako naman, hindi naman ako nangungumisyon.”

Hindi siya nasasaktan o sumasama ang loob na ang pagtulong at pagmamalasakit niya kay Jake ay nilalagyan ng iba ng malisya? Na nagkakaroon ng intrigang baka may something sa pagitan nila?

“Well, kung ganoon lagi ang kanilang iisipin, sanay na ako noong araw pa, e, sa That’s, e, marami nang mga ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kay Isko Moreno noon, kung kani-kanino.

“E, ewan ko, ewan ko talaga.”

KUYA GERMS’S IDEAS. May mga nagsasabing ang pilot episode ng Sunday All Stars na ipinalit sa Party Pilipinas ay wala naman daw bago sa format nito.

Para lang daw itong Saturday Edition noon ng That’s Entertainment na labanan ng mga production numbers ang laman.

Anong reaksiyon niya?

Umpisa niyang paliwanag, “Ito, in general na ito, ano?

“I think not only sa isang show, I think sa lahat ng shows ng iba’t ibang network, e, nakitaan ng ganyang concept na labanan.

“Noong sinimulan ko, way back… isipin mo ang That’s Entertainment, 1986 to 1999, na labanan ng mga production number.

“Even MTV, gumagawa ako ng music in motion noong araw. Sina Alma Moreno, Rudy Fernandez, sina Lani Mercado, at saka si Bong Revilla at iba pang mga artista.

“Lahat yun, ginawan ko ng... ang tawag ko that time, e, ’Music in Motion.’

“Then later on, dumating nga… MTV na ang tawag.

“Advance ang thinking ko noong araw na ano ang dapat mong i-create?”

He is now on his 50th year in showbiz, but retirement is still the farthest thing from his mind.

Ano pa ang mga pinaplanong gawin ni Kuya Germs?

“Well, to continue what I’ve been doing.

“And I keep on praying sa ating Panginoon na meron pa akong magagawa rito. Mag-stay na muna ako rito.

“At sana’y patuloy niya akong bigyan ng lakas ng katawan, lakas ng loob, at tibay ng dibdib.

“E, siguro naman, hindi kaila sa inyo, hanggang ngayon, may mga nananapak sa akin.

“Para bang, ewan ko kung ano ang tingin nila sa akin, na ang dami mong puwedeng i-contribute pa.

“Pero para bang winawalang-bahala ka lamang— ganoon ang feeling mo.

“E, sa akin naman, ano bang dapat na ikatakot pa sa akin? Yung iba, iisipin, e, luma nang idea ‘yan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, ano ang nangyayari? Bumabalik kung ano yung idea ni Kuya Germs, di ba?”


FATHER’S DAY. Nangiti si Kuya Germs nang batiin namin ng Happy Fathers’ Day.

Bilang isang mabuting ama, alam ng marami na wala na rin siyang dapat patunayan pa.

“Magkikita kami mamaya ng aming pamilya, siyempre, yung apat kong apo, yung anak ko [si Federico Moreno], yung manugang [Shiela Magdayao na kapatid nina Vina Morales at Shaina Magdayao] ko.

“Itong araw na ito is really a special day,” ang nakangiting pagtatapos ni Kuya Germs.

That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg"> That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg"> That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg">


That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg"> That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg"> That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg"> That’s..."" data-url="https://www.pep.ph/news/39139/german-moreno-not-affected-by-intrigues-putting-malice-to-his-manager-talent-relationship-with-jake-" data-desc="German Moreno neither denies nor confirms MU (mutual understanding) status of Jake Vargas, his talent, and Bea Binene." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/0397546b0.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN