Mikael Daez on having a kissing scene with another man: “Game ako sa ganyan.”

“So, kung makakabuti yun sa proyekto e di dapat iyon ang gagawin mo, kasi iyon yung papel at iyon yung agreement mo dun sa production at sa GMA… Pero siyempre, kailangang dumaan rin sa tamang proseso at yung tamang proseso, dadaan rin sa GMA, sa mga departments, sa mga nagbi-build-up,” pahayag ni Mikael Daez nang tanungin kung okey lang ba sa kanya ang gumawa ng kissing scene sa kapwa lalaki.


Pinag-uusapan ngayon ang My Husband’s Lover dahil sa gay-theme at gay characters nito.

Kung ganitong proyekto rin at gay role ang ibigay kay Mikael Daez, papayag ba siya?

“Alam ninyo, ako okey lang naman talaga. Actually, very interesting siya, kasi I guess… Magtu-two years na ako dito sa showbiz, mas nagiging bukas na talaga…

“Every day, mas nagiging bukas ako sa iba’t ibang opportunity. And I think magandang opportunity yung roles dun.”

Gay lovers ang roles na ginagampanan nina Dennis Trillo bilang Eric at Tom Rodriguez bilang Vincent.

“Yung ginagawa ni Dennis and Tom, challenging yun!” bulalas ni Mikael.

“And kita naman na pinaghihirapan talaga nila and pinag-prepare-an talaga nila. Kaya maganda ang feedback sa kanila, e.”

Pero kung sa kanya nga in-offer ang kahit sa alinmang role na ginagampanan ngayon nina Dennis at Tom, tatanggapin ba niya?

“Well, sa totoo lang, sa akin, okey lang naman. Why not?

“I think it’s a very good and challenging role talaga. I think as an actor talagang mapu-push ka.

“Pero ito nga lang, siyempre, kagaya ng sinabi ko dati—natanong yata ‘yan sa akin dati—hindi lang sa akin yun. GMA siyempre, ang network na nagbi-build-up sa akin. Kailangan ma-approve rin nila.

“So, alam ko for sure, may masasabi rin sila. Lahat ng departments nila, from the top, to the program analysis, to mga program support, may masasabi silang lahat. So, kailangan mag-approve lahat.”

Kung halimbawang approved nga lahat at binigyan nga siya ng gay role, at may dagdag pang kissing scene kay Dennis, payag ba siya?

“Well, kung kasama naman yun sa role, di siyempre, wala namang…

“Kung papayag o hindi, di ba? If it’s in the script, tinanggap mo yung project, kailangan mong gawin yung trabaho mo.

“So, kung makakabuti yun sa proyekto e di dapat iyon ang gagawin mo, kasi iyon yung papel at iyon yung agreement mo dun sa production at sa GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ako, game ako sa ganyan. Pero siyempre, kailangang dumaan rin sa tamang proseso at yung tamang proseso, dadaan rin sa GMA, sa mga departments, sa mga nagbi-build-up.”

Ang pamilya niya, papayagan kaya siya sa ganoong kasensitibong proyekto?

“Naiintindihan na nila yun.”

Tungkol na rin lang sa kabadingan ang usapan, natanong namin si Mikael kung siya ba ay naligawan na ng bading?

“No, no, I’ve never experienced it,” sagot ni Mikael.

Kahit noong modelo pa lamang siya ay hindi rin niya ito naranasan?

“Alam mo bakit? Nung nasa modeling ako, tinatanong talaga ako ng mga tao kung may experiences nga ako na ganyan. But the thing is, yung dad ko was a very respected model before.

“So, kilala talaga siya. Maraming nakakakila sa kanya na taga-modeling world.

“So, nung pumasok ako, they were very, ‘Ah, si Mikael ito, anak ni Leo, anak ni Leo.’

“So, ako, very nice and pleasant yung experience ko nung pumasok ako sa modeling.”

Kung gayon ay masasabi ba niyang dahil sa pangalan ng tatay niya kaya tila naging off-limits sa kanya ang gay proposals?

“Yes, in a way parang hindi na. Wala nang sumubok,” at tumawa si Mikael.

LOVETEAM WITH ANDREA. Naging maganda ang pagtanggap ng publiko sa loveteam nila ni Andrea Torres sa Sana Ay Ikaw Na Nga. Ngayon ay magkasama silang muli sa ipapalabas pa lang na morningserye na With A Smile.

Handa ba siyang isakripisyo ang personal niyang buhay o lovelife para pangalagaan ang loveteam nila ni Andrea?

“Well, right now, I’m very happy with my personal life and I’m very happy with my work with Andrea. So, sa tingin ko naman nangyayari yun. Actually, nangyayari siya ngayon, e.

“Kasi napakaganda ng nangyayari sa amin ngayon ni Andrea, I’m so happy working with her again.”

Naikuwento ni Mikael na ang mga fans nila ni Andrea ay magkakaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun kami sinusuwerte, ang fans namin ni Andrea, friends sila.

“Parang ‘pag nag-get-together ako, ang mga fans ni Andrea pupunta sila. ‘Pag may get-together si Andrea, yung mga fans ko pumupunta rin.”

CHEMISTRY. Naikuwento rin ni Mikael ang pagtatapat niya noon kay Andrea tungkol sa hindi niya pagkakaunawa sa kuneksyon ng salitang “chemistry” sa loveteam nila.

“Alam mo, mas lumalim yung work relationship namin.

“Nung first taping day namin kinausap ko siya, sinabi ko sa kanya, ‘Andrea, sinasabi lang dati sa atin ng mga tao, SAINN [Sana Ay Ikaw Na Nga] pa lang, may chemistry tayo.

“’Tapos siyempre bilang ako, first-timer, parang hindi ko pa masyadong nage-gets.

“Ano ba’ng ibig nilang sabihin sa ‘chemistry’?

“Siyempre through experience, mas naiintindihan mo yun, e.

“So, now, parang may naramdaman ako, may na-experience ako, at may na-realize ako—oo nga ano. There’s really something here.

“Like, ‘When we act, parang very honest tayo sa isa’t isa.

“’Very naging honest yung characters na pino-portray natin, and I think part yun sa chemistry na nakita ng tao.’

“So, ayan, excited ako kasi nakita ko na iyon yung growth na sinasabi ko na mas may nakikita ako. Mas may nararamdaman.

“So, ibig sabihin lang nun, there’s more to explore and more to improve on. Kaya excited talaga ako.”

MIDNIGHT SNACK. Samantala, isang bagong development sa career ni Mikael ay ang bagong segment sa Saksi na kung saan siya ang host.

Ito ay ang “Midnight Snack.”

“We will feature different kinds of food na kakaiba o paborito ng Pilipino. At magbibigay rin kami ng fun facts tungkol dito.

“Fast-paced at light lang. Parang midnight snack,” ang nakangiting sinabi pa ni Mikael.

Ang naturang segment ay huling bahagi ng Saksi at mapapanood mula Lunes hanggang Huwebes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN