Jericho Rosales wins Gawad Urian best actor award for his first indie film Alagwa

Ani Jericho Rosales sa pagkakapanalo niya ng Gawad Urian best actor award para sa indie film niyang Alagwa: “Isa itong simbolo ng pagtanggap ng mga kababayan natin sa Pilipinas sa mga proyektong, binubuhos natin ang buong lakas, sipag, at pagmamahal natin.”


“It’s amazing, first time, hindi ko makakalimutan ‘to,” ang nakangiting pahayag ni Jericho Rosales nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng NBC Tent, kagabi, June 18, kunsaan, ginanap ang ika-36th Gawad Urian.

Nanalo ng karangalang Best Actor ang Kapamilya actor para sa kanyang independent film na Alagwa.

Bago ang Gawad Urian, nanalo na si Jericho ng Outstanding Achievement in Film Acting award sa Newport Beach Film Festival para rin sa naturang pelikula. Nauna na ring nabigyan siya—at ang iba pang mga kasama niya sa paggawa ng pelikula—ng mga rekognisyon at parangal sa iba pang film festivals abroad, tulad ng Busan International Film Festival at Asean International Film Festival.

Pero ayon kay Jericho, iba raw talaga ang manalo sa sariling bansa, tulad nga ng pagkapanalo niya sa Gawad Urian.

Ayon kay Echo, “Isa itong simbolo ng pagtanggap ng mga kababayan natin sa Pilipinas sa mga proyektong, binubuhos natin ang buong lakas, sipag, at pagmamahal natin.

“So, very meaningful para sa akin ‘to.

“It’s my first indie film.

“I’ve been very choosy. Pinipili ko talaga kung ano ang gagawin kong pelikula. And finally, a great story came to us, with advocacy pa.”

Tungkol sa human trafficking ang pelikula.

“I really worked hard para sa pelikula. Hindi lang ito para sa akin. It means a lot.”

BONUS NOT VINDICATION. Napangiti naman si Jericho nang tanungin ng PEP kung pakiramdam ba niya’y “vindicated” siya dahil sa award na nakuha ngayon.

Nung mga nakaraang gabi ng parangal kasi ng iba pang award-giving bodies, palagi lang nano-nominate si Echo, pero hindi sa kanya napupunta ang tropeyo.

Ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino pa ang nagkaloob sa kanya.

“No. Kanina, tinanong din ako niyan, vindication.

“Well, some people…okay, would say, na-vindicate sila. But for me, it’s a bonus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every time na magkakaroon ka ng award. Kesyo masama ang loob mo, kesyo malungkot ka pagkauwi mo, the whole point of it, at the end of the day, do you feel good about your film? Do you think, nagkaroon ba ito ng silbi sa mga tao?

“Somehow, did you glorify God pagdating sa pelikula mo? Did you serve the people? Parang, meron ka bang natulungan?

“Ito, bonus ‘to,” nakangiti niyang pahayag.

Sa mga gabi ng parangal ngayon, may mga nagsasabing kapag dumalo ang artistang nominado, malamang daw na ang artistang iyon ang mag-uuwi ng tropeyo.

Kaya ang tanong ng PEP kay Jericho, nung dumating ba siya sa gabi ng parangal ng Gawad Urian ay naramdaman na niyang siya ang mananalo sa kategoryang Best Actor?

“No. Honestly, pagpunta ko rito, gusto ko lang panoorin ang Urian Awards. Kasi, I heard, it’s one of the most prestigious pagdating dito sa Pilipinas. I wanna see. I wanna see the people, the directors, the actors and the movies, di ba?

“Then, biglang, noong malapit na [sa venue], nominated nga pala ‘ko, ‘no?,” natatawang kuwento niya.

“Kinakabahan na ‘ko. Then, ang daming nominees. Talagang nakakakaba. May veterans, may baguhan… Wow, masaya na ‘kong napabilang.”

Ngayong taon sa Gawad Urian, isa ang Best Actor sa kategoryang marami ang nominado. Labing-tatlo silang naglaban-laban.

Ilan sa mga aktor na nakalaban ni Jericho ay sina JM de Guzman, Nico Antonio, Kristoffer King, Dominic Roco, Eddie Garcia, Bembol Roco, at Coco Martin.

PARTY TO WORK. Ang pelikulang Alagwa ang kauna-unahang independent film na ginawa ni Jericho. Bukod sa pagiging aktor, nag-co-produce din si Echo rito.

Pero, sa interview sa kanya kagabi, sinabi nitong may pinaplano na siya na panibagong indie film.

Aniya, “Kami ni Direk Ian, Ian Lorenos, we’re working on one. And then, may ibang project na ino-offer sa akin. Here and sa labas ng Pilipinas. I’m really trying to make the best decision.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman nagbigay pa ng dagdag na detalye si Jericho tungkol sa in-offer sa kanyang project sa abroad.

“Ayoko munang magsabi. Meron, may mga proyekto na, pero ayoko munang magbitaw. Gusto ko, siguradung-sigurado.”

Ano naman ang masasabi niya na may mga ganoong “blessing” na dumarating sa kanya ngayon?

“Ano yun, bunga ng hard work. When we travel abroad, we make connections. This is really hard work, ha. You don’t attend parties ‘coz you wanna party. You attend a party because you communicate. Get to know people and show them your work.

“Namimigay kami ng mga DVD, sa website, ‘eto ang trabaho ko. Until, finally, may mag-i-interview sa ‘yo, May magsasabi sa ‘yo na, gusto ka naming maka-trabaho. Okay great. When you get a phone call, okay, maraming salamat.

“It’s really hard work and you have to be there.”

FROM TV ADS TO INDIE. Sa naging speech ni Jericho nang tanggapin niya ang kanyang tropeo, nabanggit niya ang katagang, “mura pa ‘ko ngayon.”

Ano ang ibig niyang sabihin do’n?

“Wala, nagpapatawa lang ako. Para huwag nilang isipin…

“Kasi, marami ang nagsasabi sa akin, ‘Bakit from commercials, napunta ka sa indie?’

“Para sa akin, ang sasabihin ko lang, isa lang yan: What matters most is, nasaan ba ang puso mo?

“Saan ka ba sasaya at the end of the day? Parang ganoon. Doon yun.

“Hindi kung alin ang ganito, alin ang ganyan. Kung nasaan ang project. Iyon yun, e.”

KIM JONES. Nabanggit din ng actor sa kanyang speech ang girlfriend, ang model-TV host na si Kim Jones.

Sa ilang film festivals abroad kunsaan naimbitahan ang Alagwa, kasama niya rin daw ang girlfriend at napapagastos din.

Masasabi niya bang isa sa “lucky charm” niya ngayon ang kanyang girlfriend?

“Well, she’s already. Blessing na siya sa akin. I can’t ask for more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know God has a plan and she’s part of my life.”

MISSED PHOTO OP WITH GUY. Wala pa rin pagsidlan ng kaligayahan si Jericho sa award na napanalunan. Malaking fulfillment daw sa kanya ang hawak-hawak na Best Actor trophy.

“Oo, sobra ‘to. Ito, ano ‘to, langis ‘to. Parang fuel. Tuluy-tuloy lang.”

Ang nanalo namang best actress nung gabing iyon sa Gawad Urian ay si Nora Aunor.

May panghihinayang si Jericho na hindi siya nakapagpalitrato kasama ito.

“It’s an honor, siyempre. Gusto ko nga ng picture, hindi ako nakapagpa-picture,” sabi pa ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN