Victor Basa still "looking for stability" before proposing marriage to girlfriend Divine Lee

Natutuwa si Victor Basa na mapabilang sa cast ng My Husband’s Lover na may temang tumatalakay tungkol sa relasyon ng mga bakla. Sabi niya: “I think everybody is ready for a show like this. I think nakakatulong to make more people understand kung ano nga ang kuwento ng lalaki at bakla.”


Dumalo sa presscon at presentation ng McJim Classic Leather 2013 Elan Awards ang mga judges na sina Sam YG at Victor Basa.

May ilang nagtanong kung karapat-dapat ba silang pumili at humusga sa top 12 finalists ng "Search for the Modern Filipino Gentleman.”

Ang mga finalists na napili ay sina senator-elect Sonny Angara, Christian Bautista, Dingdong Dantes, Erwann Heusaff, Xian Lim, Coco Martin, Piolo Pascual, Richard Poon, Derek Ramsay, Jericho Rosales, Chris Tiu at Phil Younghusband.

Dahil sa listahang lumabas, inaasahang kukuwestiyonin din kung bakit hindi nakasali sina John Lloyd Cruz, Gerald Anderson, Sam Milby, at iba pa.

Idagdag pa rito ang bashing na maaaring matanggap nila sa mga avid fans ng mga hindi nakasamang artista.

Paliwanag ni Victor, “Yung mga magba-bash, I just hope they will be able to experience or able to interact with the person na bina-bash nila.

“So at least, maybe they will have the chance to change their minds.

“Kasi it’s easy to conclude if you don’t have that personal experience or you don’t have any interaction with the person."

At ang pagiging judge is "a lot of work."

Dugtong ni Victor, "Eventually, we choose the modern Filipino gentleman under the criteria.

“We had a very long list, and then after the list, we were able to come up with the final list.


CRITERIA. Sa press release ng wallet brand, layunin daw ng award na magsilbing inspirasyon para sa “successful, stylish and elegant living in their dress, grooming, accomplishments, and etiquette.”

“And now, it’s up to the public to vote kung sino ang pinaka-worthy na ‘Elan.’

“Well, I guess it can be as simple as the demographic na choice namin, it’s really our opinion.

“Actually, di lang kami ang nag-judge, there’s a closed door session with a larger group, not just us— Cris Cahilig [publicist] knows the full details.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa iba ay maaari pa ring hindi imaging credible ang resulta dahil siguradong by popularity or paramihan o palakihan ng fan base ang mananalo.

Para naman kay Victor ay dapat na pagkatiwalaan ang publiko sa pipiliin nila.

Wika niya, “I guess it’s credible in a sense na you place the power nga sa publiko and you’re entrusting that.

“You have to trust the public to make the right choice, and I think we were able to make a list that it’s credible to begin with.

“No matter kung anuman ang outcome, it will be a good choice.”


PERSONAL ENCOUNTERS. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News ang aktor kung ano ang basehan ng mga napiling finalists.

Sa pahayag ng mga judges, mayroon daw silang personal experiences sa mga napiling finalists.

Paano ang ginawang pakikitungo ng mga judges sa mga finalists para makilala at malaman ang tunay na pagkatao at pag-uugali?

“Achievements, etiquette, and elegance of style,” lahad ni Victor.

“Well, etiquette, it depends on the judges din, like yung mga iba who are more sensitive sa intriga.

“Yung iba naman, sa mga personal experience sa tao, like for example, si Cris Tiu. I don’t want to single out him, but I just met him, and he’s very, very polite, and yung etiquette niya, of course, very, very high sa akin.

“Yes, some nakasama na namin, which make also the voting easier and some harder, also because you have to keep your choices objective.

“Siyempre naririnig namin yun. Divine, my girlfriend, she’s a member of the press also, so may experience din ‘yan.

“That’s why I know from friends, from people from the press, tinatanong ko rin sila, ‘O, kumusta na ito? Polite ba siya?’

“It’s not an easy process and it’s not a standard process, that’s why it’s really your opinion and the public’s choice.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


GAY-THEMED SOAP. Isa sa mainit na pinapanood sa ngayon ay ang seryeng My Husband’s Lover ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo.

Ang serye ay tumatalakay sa gay relationship kung saan gumaganap bilang isang closet queen si Victor.

May mga sektor pa rin na hindi tanggap ang ganitong tema ng istorya. Kabilang dito ang mga manonood na nakaabang sakaling lumagpas sila sa limitasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

“Ah, talaga?” gulat na tanong ni Victor.

“Well, of course, we respect and we follow the rules of MTRCB and also the gender sensitivity of Filipino audience.

“I think everybody is ready for a show like this. I think nakakatulong to make more people understand kung ano nga ang kuwento ng lalaki at bakla.”


GENDER ISSUE. Speaking of gays, minsan ding kinuwestiyon ang kanyang kasarian, paano kung buhayin ang intriga dahil sa role niya.

Napangiti ang aktor at saka sinabing, “Well, I welcome it, I welcome the intriga na, ‘Ay, it’s so natural for him— napakadali, masyadong madali, kasi ganoon siya!’

“It’s okay coz it means I’m doing an effective job.

“Yung mga kontrabida nga, binabato sa mall, I don’t know kung ganoon pa rin.

“But the other day, I saw kids on the street, sabi nila, ‘O, Kuya, artista ka, di ba?’ Tuwang-tuwa naman ako na kilala ako.

“Maya-maya, sabi nila, “O, bakla ka, di ba?” Sabi ko, ‘Oo, sa show.’

“I’m sure, medyo maa-associate ako sa role.

“But I’m just happy that more people are able to watch it and nabubuksan ang sensiblidad nila sa iba-ibang istorya ng buhay.

First time na gumanap si Victor bilang isang closet queen.

“Originally, of course, may apprehension ako kasi ayaw mong ma-stereotype kasi, it also limits your role as an actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I think, it was a risk that I decided to take and so far it’s working— I’m able to shed understanding of people.

“I don’t mind, although... coz it’s a very good role.

“It’s an opportunity to shed light on the trials of a relation of the gay men and it’s a story about love.

“I think everyone can relate [to] unrequited love, yung ginawa ka lang panakip butas.

“I’m very lucky na at least nakibahagi ako sa kuwento.”


GIRLFRIEND DIVINE LEE. Very open ang karelasyong si Divine Lee na nagli-live in silang dalawa ni Victor.

Pahayag niVictor, “Well on the living-in part, of course, I also stay in our house.

“I actually maintain a household but most of the time, we live together.

“The advantage is you got to know the person before you get married, but of course, di maiiwasan na you argue, that’s really included.

“Ayoko namang magpakasal tapos maghihiwalay din pala kayo.

“We’ve been together for two and a half years— tatlong Pasko na —my longest relationship."

May plano na ba silang magpakasal?

“Wala pa, wala pa talaga. ‘Pag minsan, nagkakalokohan, but we know we are looking for stability.

“I feel I still want to achieve more on my career.

“Importante yun sa relationship and napakasuwerte ni Richard Poon and Maricar [Reyes] that they were able to find that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN