Alessandra de Rossi assures more quality performance after winning awards again: “Dapat kailangan kung hindi man panalo e pang-nominate ang peg dito.”

“Kailangang panindigan ko ‘to. Kasi pangit naman na awarded ka ‘tapos makikita ka sa next movie na parang wala na, di ba?” banggit ng Gawad Urian best supporting actress na si Alessandra de Rossi tungkol sa hangarin niyang makapagbigay pa ng mahuhusay na pagganap sa mga susunod niyang proyekto.


Sobrang saya ni Alessandra de Rossi nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Katatanggap niya lang kasi ng kanyang Best Supporting Actress award sa Gabi ng Parangal ng 36th Gawad Urian Awards kagabi, June 18, sa NBC Tent, Bonifacio Global City, Taguig City.

Ang tropeyong ito ay para sa kanyang pagganap sa pelikulang Sta. Niña.

Maituturing din na “record-breaking” para kay Alessandra at sa Gawad Urian ang taong ito ng parangal dahil nakakuha si Alex (palayaw ni Alessandra) ng tatlong nominasyon mula sa tatlong kategorya—best supporting actress para sa Sta. Niña at Mater Dolorosa, at best actress para sa pelikulang Baybayin.

(Read: Alessandra de Rossi leads list of nominees for 36th Gawad Urian Awards with record-breaking triple nominations in two categories)

Buong-pagmamalaki na bulalas ng aktres, “Naku, after twelve years ‘ata... Nakakatuwa. Na-overwhelm ako. Actually, kaya hindi ko alam ang sasabihin ko, e.

“Sa dami ng nagsasabi na, ‘Oy, for sure, panalo ka.’ Pero, ayaw ko namang mag-expect talaga.

“Sana nakapaghanda ako ng magandang speech ko. Yung may matututunan sa akin yung mga nakinig.

“Masarap. Sobrang saya talaga.

“Ang dami kong tinanggihang pelikula last year. Tatlo lang ang ginawa ko. As in, yung tatlong yun ay na-nominate ako dito sa Urian.

“Na parang, nakakaano lang, kasi ang dami mong kalaban sa mga desisyon mo na maraming nagtatanong na, ‘Ba’t di mo ginawa ‘to.’ Tapos sasabihin ko, ‘Hindi ako magsa-shine diyan.’

“As in, sa tatlo ay naging masaya ako. Totoo namang naging masaya ako.”

“Alam mo na buong-puso mong magagawa.

“Pag alam ko na maku-compromise yung talent ko dahil may mga ayaw akong gawin o dahil hindi ako naniniwala sa proyekto, hindi ko na siya gagawin,” pagtatapat pa ni Alex.

“Kasi para sa akin, sa ’yo naman magri-reflect yun, di ba? Minus point ka na kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang akong konsiderasyon sa talent fee. Alam naman ng mga tinanggihan ko, e. “

Kantiyaw namin sa kanya, aktres na aktres na talaga siya.

Medyo nahihiyang sagot niya, “Hindi naman. Wala namang nagbago.

“Ang tagal nang hindi ko naramdaman ito, to the point na wala na sa akin. Na parang blangko na at auto-pilot na ako sa awards.

“’Pag talo, uwi. Parang… Alam mo yun?

“’Tapos ngayon, ‘Oh, thank you so much.’ Na-shock ako!”

Marami ang nagsasabing well-deserved niya ang nasabing award.

Matatandaan na nitong nakaraang Marso ay tinanggap din niya ang kauna-unahang international best actress recognition niya sa ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA).

(READ: Alessandra de Rossi, Bugoy Cariño, Anita Linda big winners in AIFFA 2013; Sta. Niña wins Best Picture)

Kaswal na sagot ni Alex, “Sana nga. Sana nga.

“Kailangang panindigan ko ‘to. Kasi pangit naman na awarded ka ‘tapos makikita ka sa next movie na parang wala na, di ba?

“Dapat kailangan kung hindi man panalo e pang-nominate ang peg dito.

“Parang, ‘Direk, ano, kailangan bang ma-nominate, sige, gagalingan ko.’

“Kasi, minsan, nagkakabiruan na, ‘Sino ba kalaban ko dito, Direk.’ ‘Wala, sige, itawid mo na lang ‘yan.’”

NOT AFFECTED BY CRITICS. Paano naman yung maintriga siya sa pagkapanalo niya rito? Ano ang magiging pakiramdam niya?

Mabilis niyang tugon, “Imposible naman yun. Hindi naman ako laging nananalo.

“’Sa’n ang taste nyo, paano kayo pinalaki?’ Charot! Charot lang. Ha-ha-ha!

“’Wag naman.

“Sa mga naniniwala, maraming salamat.

“Ako naman, i-criticize man ako o hindi, laitin man ako o hindi, yun pa rin ang gagawin ko. Same. Hindi siya nagbabago.

“Kasi, nagba-vary naman ‘yan sa emotions mo no’ng nakaraang araw. Kung paano mo gagamitin ang situwasyon na yun.

“Walang kahit anong workshop o training ang magbabago nung ginagawa ko,” deklara ni Alex.

Ang sinseridad daw sa pagganap sa papel na naibibigay sa kanya ang naging sandata ni Alex para mapansin siya ng mga hurado ng Urian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, mapapansin mo naman ang isang artista kung conscious sila sa camera. Kasi, umaanggulo sila sa harap ng camera.

“Number one yun. Conscious sila sa hitsura nila—baka kumukunot na ang noo o baka tumutulo na ang sipon.

“Sa akin kasi, hindi talaga siya isyu, e. Basta, natural lang.

“Basta kung ano yung saktong gagawin mo sa tunay na buhay, yun talaga ang ginagawa ko.”

Sabi pa niya, “I’m not saying na tama ako lagi. Kasi, may mga times na…

“Alam mo, kung ano yung nagawa ko a few years [ago] sa isang movie, bigla kong madadaanan in real life.

“’Ay, dapat pala, ganito ang reaksyon.’ Siyempre, hindi ko naman alam, kasi wala naman pa akong masyadong wisdom. Gut-feel lahat, e. So, may mga ganun pa rin.

“Ang acting, process talaga yan, e. Marami kang dapat pagdaanan para ma-feel mo exactly kung ano ang gagawin mo.”

INTENSE PERSON. Ang ibig bang sabihin nito ay marami na siyang pinagdaanan para maintindihan niya ang kanyang mga ginawa sa mga pelikula niya ngayon?

Pag-amin ng award-winning actress, “Yes. Sobrang intense kong tao. Sobrang emotional kong tao, na kapag may pinagdaanan ang iba, ang feeling ko ay pinagdadaanan ko rin.

“Humarap ka sa akin, magsabi ka problema, problema ko na rin siya.

“Kahit hindi siya nangyari sa akin, kapag nag-open up sa akin ang isang tao, ganun din ang pakiramdam ko. Eksakto.”

Nakakatulong ba ito sa kanya?

“Bilang artista, oo. Pero, bilang tao, hindi,” sagot ni Alessandra.

“Kasi, marami kang baggage, e. Magulo.

“It’s not as if may nakita akong isang situwasyon ‘tapos sasabihin ko na, ‘Tatandaan ko ‘to, para pagkatapos nito ay heto ang acting na gagawin ko.’ Hindi naman ganun.

“Masakit siya para sa akin, pero it’s such a blessing and a curse.

“Ganun naman talaga palagi, e. Lahat naman ng bagay ay may maganda at pangit, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Ano ako, e… magnet ako ng problema. Hindi man sa sarili ko, kundi sa ibang tao.

“Kung sino man ang… Kaya ang dami kong friends na problemado na lumalapit sa akin, e.

“Kasi, open ako. Hindi ako judgmental kapag may nagkukuwento sa akin. Hayun, naa-absorb ko.

“But God is good naman. Hindi naman siguro darating sa point na sa sobrang baggage ay hindi ko na siya madala,” pagtatapos ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN