Jake Vargas denies he is leaving GMA-7 and manager German Moreno: “Wala po akong sinasabi na ayaw ko na kay Kuya Germs.”

Itinanggi ni Jake Vargas na lilipat na siya ng TV station at kakalas na sa manager niyang si German Moreno. Malabo raw na iwanan niya si Kuya Germs, dahil, “Talagang nag-e-effort si Kuya Germs para sa akin, kaya hindi ko maiisip na ayoko na kay Kuya Germs.”


Iba-iba ang isyung kumakalat tungkol kay Jake Vargas.

Isa na rito ay ang napipintong pag-alis niya sa GMA-7 at paglipat sa alinman sa dalawang kalabang istasyon ng Kapuso Network—ang ABS-CBN at TV5.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake nung Linggo, June 16, sa backstage ng Sunday All Stars tungkol dito.

“Hindi po totoo yun, wala pong ganun. ‘Tsaka magagalit sa akin si Tatay,” sagot ni Jake.

Ang “Tatay” na tinutukoy niya ay ang manager niyang si German “Kuya Germs” Moreno.

“Mas okey ako dito,’ tsaka gusto ko talaga sa GMA.

“Hindi po ako aalis.”

Limang taon na si Jake bilang Kapuso artist at sa kasalukuyan, apat ang shows niya—ang Home Sweet Home, Pepito Manaloto, Walang Tulugan at ang pinakabago nga ay ang Sunday All Stars.

SPENDING TIME ALONE. Ngunit habang kausap naming siya ay halata ang lungkot sa mga mata ni Jake. Kaya tinanong namin siya kung may pinagdadaanan ba siya.

“Lahat naman po ng tao may pinagdadaanan.

“Sa ngayon po siguro, sa nakikita ninyo sa akin na malungkot ako, siguro po marami akong iniisip.

“Siyempre yung problema, parang gusto kong mapag-isa, parang ganun po.”

Bakit naman gusto niyang mapag-isa?

“Gusto ko lang pong solohin yung sarili ko, yung ganun.”

At sa mga araw na nag-iisa siya, ano naman ang pumapasok sa isip niya?

“Wala po, puro sa bahay lang, kain-tulog, manood ng TV. Pero mahirap pa rin po ‘pag walang ginagawa.

“Kasi mas okey yung may ginagawa ka. ‘Pag kasi sa bahay lang, ang ginagawa ko lang po dun, laro lang po ako.”

Sa tingin ba niya ay nakukulangan pa ba siya sa mga proyektong dumarating sa kanya?

“Hindi po. Hindi po ako nakukulangan kasi puro blessing po ang dumadating sa akin. Siyempre, itong projects ko, ayan may bago na naman, hindi naman po ako pinapabayaan ni Lord.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre yung GMA, ‘tsaka si Kuya Germs.

“Yung pamilya ko yung inspiration ko po. Para sa akin hindi po ako nakukulangan.

“Sobra-sobra.”

NOT LEAVING KUYA GERMS. May isyu na gusto raw niyang umalis sa pangangalaga ni Kuya Germs?

“Hindi rin totoo yun,” ang natatawang sagot ni Jake.

May nakarinig diumano na sinabi iyon ni Jake.

“Sabi nga sa akin ni Kuya Germs, ‘Sinabi mo ba yun?’ Sabi ko, ‘Tay, hindi naman totoo yun.’

“Tsaka si Kuya Germs kung di dahil sa kanya, hindi ako makikilalang Jake Vargas.

“Todo-support yung si Tatay, sobrang binigay niya lahat ng gusto niyang gawin sa akin, na parang binigyan niya ako ng projects.

“Pumupunta siya sa itaas [GMA management] para kausapin yung boss para lang magkaroon ako ng project.

“Talagang nag-e-effort si Kuya Germs para sa akin, kaya hindi ko maiisip na ayoko na kay Kuya Germs.

“Wala po akong sinasabi na ayaw ko na kay Kuya Germs,” tanggi pa ng binata.

Tatlong taon pa ang kontrata ni Jake sa ilalim ng pangangalaga ni Kuya Germs bilang talent.

Sa palagay ni Jake, saan kaya nagsimula ang isyung gusto raw niyang umalis na kay Kuya Germs?

“Sa tingin ko po, yung sinasabing paglayas ko ng tatlong araw,” at muling natawa si Jake pagkasabi nito.

B.I. FRIENDS. Natsismis kamakailan na tatlong araw siyang nawala. Pero paglilinaw ni Jake, isang araw lang yung sinasabing “nawala” nga raw siya. At sa isang araw na iyon, naglaro lang siya ng online-game na DOTA kasama ang kanyang mga kaibigan.

(READ: Jake Vargas attributes unexplained "disappearance" to petty grudge against loveteam partner Bea Binene; explains, “Slight na tampo lang naman.”)

Nagkaroon lang daw sila ng “slight” na tampuhan ng ka-loveteam niyang si Bea Binene. Tampuhang nagsimula sa pagtatalo nila kung ano ang panonoorin sa sine.

Inamin din ni Jake na may hindi nagugustuhan si Bea sa buhay ni Jake ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi niya na dapat tinitingnan ko yung mga tao sa paligid ko, na siyempre, kikilanin ko muna bago ko sila kausapin.”

Ang mga kaibigan ba niya ang tinutukoy ni Bea?

“Iyan nga po yung sinasabi ni Bea, na huwag daw akong lalapit sa mga friends ko na bad influence.”

Bad influence na papaano?

“Siguro, pag-inom, ganyan.”

Hindi naman daw siya nakikinig sa mga nagyayaya sa kanyang uminom, hindi raw siya umiinom o naglalasing.

“Hindi ko po tina-try,” sabi ni Jake.


Ano pa ang itinuturo sa kanya ng mga kaibigan niyang bad influence o B.I.?

“Iyon lang po, hanggang inom lang, at saka lalabas ng gabi.”

Hindi rin daw siya naglalalabas kapag gabi.

“Hindi ko naman po sila pinapakinggan.

“Siguro, kay Bea, nung lumabas ako na hindi ako nagpaalam, baka iyon ang kinakatampo niya rin.”

Sumasama pa rin daw siya sa mga naturang mga kaibigan niya pero hanggang sa paglalaro lang ng computer games.

Iiwasan na ba niya ang mga kaibigan niyang iyon?

“Hangga’t nakikita ko naman sa kanila na wala silang ginagawang masama, hindi naman po ako iiwas.

“Siyempre ‘pag nandiyan na yung lumalapit na sa akin yung may mali, siyempre ako na yung iiwas.”

JUST FRIENDS. Nilinaw rin ni Jake na wala silang relasyon ni Bea kundi bilang magka-loveteam lang at bilang magkaibigan.

“Super close friends,” sabi pa ni Jake.

Wala bang ligawan na nangyayari?

“Iniisip ko yun, na gusto ko siyang ligawan, pero sa ngayon parang trabaho siguro muna talaga. Kasi career muna ang iniintindi namin.

“Kasi yung love, nandiyan lang e, nasa tabi lang yan, e, di ba?

“Puwede mo namang gawin agad.”

Kung gayon, bakit ayaw pa niyang manligaw kay Bea na ka-loveteam na niya sa loob ng tatlong taon?

“Umaabot po sa ganun, sa text-text lang, ganun lang, usap-usap, ganyan. Pero wala po talagang… Friends lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Darating po yun,” tila paniniguro ni Jake sa PEP.

Totoo bang hindi raw boto si Kuya Germs kay Bea kaya hindi maligawan ni Jake?

“Hindi. Si Kuya Germs nga po ang nag-aano e, ‘O ganito, ganyan. O alagaan ninyo loveteam ninyo,’ ganyan.”

Baka naman si Jake mismo ang may ayaw kay Bea?

“Hindi po. Si Bea, maalagain ‘yan kasi ang tagal ko na rin pong nakakasama si Bea. Kaya nakikita ko sa kanya na yung magiging boyfriend niya, suwerte.”

Si Jake kaya ang masuwerteng lalaking iyon?

“Tingnan natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN