Mother Lily puts blame on Marian Rivera for not having MMFF entry this year; Marian Rivera clarifies, "Hindi naman ako lang ang nagdi-decide..."

Tinanggihan ba ni Marian Rivera (left) ang isang pelikula with Judy Ann Santos na magiging entry sana ng Regals Films sa MMFF this year?


Pagkatapos i-announce ang walong entries sa 2013 Metro Manila Film Festival, marami ang nagtaka dahil walang pelikula ang Regal Films. Nakipag-co-produce lamang ito sa pelikulang Pagpag ng ABS-CBN Productions.

Tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Regal matriarch na si Lily Monteverde para mahingan ng pahayag kung bakit wala itong naisali.

Sinabi naming nakasanayan na ng manonood na mayroon talagang pelikulang kalahok ang Regal Films taun-taon. Last year, entry nila ang Shake Rattle & Roll 14.

Ayon kay Mother Lily, meron daw sana siyang isasali na pelikulang pagsasamahan nina Judy Ann Santos at Marian Rivera pero tumanggi umano ang huli.

“Ayaw niya gawin kasi gusto raw niya, solo siya,” bulalas ni Mother Lily.

Sabi pa nito, “You know, malungkot din ako kasi wala ako entry. Pero ayaw gawin ni Marian, e.”

Ipinarating namin kay Marian ang pinaghihimutok ni Mother Lily.

Ayaw nang masyadong magsalita ng Kapuso actress dahil mas mabuting sina Rams David ng Triple A na lang daw ang tanungin tungkol diyan.

“Hindi ko alam, e. Si Tatay [Mr. Tony Tuviera], si Ateng [Rams David] na lang ang tanungin mo. Hindi naman ako lang ang nagdi-decide,” bahagi ng pahayag ng Kapuso Primetime Queen.

“Narinig ko nga ‘yan na parang tinanggihan ko raw si Judy Ann. Wala akong alam diyan. Ako na naman ang masisisi diyan."

Nag-react si Mother Lily sa sagot ni Marian, dahil hindi raw siya gumagawa ng kuwento.

“I don’t lie,” bulalas ng Regal matriarch.

Kuwento pa niya, “Sa Starbucks kami, nandiyan si Roselle [Monteverde-Teo], kaharap namin.

"Siya ang nagsabi na ayaw niya na may kasama. Gusto niya, solo.

“How many years na ako sa showbiz, I’m not lying. I’m a cancer patient, and I don’t want to lie.

"Siya talaga ang tumatanggi."

Nabanggit din ni Marian na sinunod pa nga raw nila ang request ni Mother Lily na huwag isali sa MMFF ang Kung Fu Divas na pinagsamahan nila ni Ai-Ai delas Alas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Mother Lily, “Siyempre! She has a contract with me. May kontrata siya sa Regal. That’s breach of contract.

“Twice na nga siya nag-breach of contract. The other one yung My Lady Boss. Pero nakisama na lang ako diyan."

Tinawagan ng PEP si Rams David ng Triple A, pero nasa Singapore pala ito kaya sa text message na lang kami nagkaroon ng komunikasyon.

Sinabi na lang sa amin na sasagutin nila ito ni Marian sa presscon ng My Lady Boss bukas, June 19, na gagawin sa Imperial Palace Suites—na pag-aari ni Mother Lily.

Posibleng magkita sina Mother Lily at Marian, at sinabi ng producer na sasabihin daw niya lahat kung ano talaga ang pinag-usapan nila ng aktres.

Nalulungkot lang daw siya dahil wala silang nai-submit para sa MMFF, at napunta ang sisi kay Marian dahil sa pagtanggi umano nito sa naturang project.

Tinatawagan uli ng PEP si Marian para mahingan ng sagot tungkol sa mga huling pahayag ni Mother Lily, pero hindi na ito sumasagot sa aming tawag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN