Urian best actor Jericho Rosales on acting: "Parang girlfriend ko na naiisip ko maya’t maya."

Isa sa mga babaeng nasa likod ng tagumpay ni Jericho Rosales ay ang girlfriend na si Kim Jones, na siyang "number one critic" daw niya, pero si Echo ang "number one fan" ng dalaga.


Sa katatapos pa lang na 36th Gawad Urian Awards ay inuwi ni Jericho Rosales ang Best Actor trophy para sa pelikulang Alagwa. Ginanap ito sa NBC Tent, Global City noong June 18.

Kahit marami ang nagsasabi sa kanya na may chance siyang manalo ay hindi pa rin inasahan ng actor na siya ang tatanghaling pinakamagaling na aktor sa taong ito sa nasabing award-giving body ng bansa.

Simula ni Jericho na halatang proud na proud sa hawak niyang tropeo, “Hindi, hindi ko talaga inaasahan ito.

“Kabado talaga ako. Imagine, sa nominees palang (thirteen all in all), ang dami ng magagaling— Eddie Garcia, Bembol Rocco, ang dami at mga baguhan pa, di ba?

“Parang umapaw, parang bumilis ang ikot ng dugo ko nang tinawag nila ang pangalan ko, hindi ako makapaniwala.

“Finally, first Urian award.”

CO-PRODUCING ALAGWA. Ang isa pa sa ipinagmamalaki niya ay ang pagiging co-producer niya sa pelikulang ito na maitututuring na kanyang baby project.

Aniya, “Baby ko talaga ito. Ang dami na naming napuntahan na festivals. Hindi lamang para sa awards or whatever, siyempe, gusto kong makita ang halaga ng pelikula sa lipunan at sa buong mundo.

“Finally sa pag-uwi mo sa Pilipinas ay, heto, na-nominate kami ng Best Actor, Best Director, Best Editor, Best Film. O, di ba?

“So, sobrang proud ako sa team namin and I wanna share this award with them— kina Direk Ian Lorenos, Bugoy Carino— lahat ng actors na gumanap sa pelikula and the entire production team. Para sa atin ang lahat ng ito.”

Hindi naman daw dito nagtatapos ang kanyang pagnanasang makagawa pa ng ibang makabuluhang pelikula.

Saad ni Echo (palayaw ni Jericho), “A, oo, hind naman ito lang ang rason kung bakit ako gumawa ng pelikula, e.

“Before I received this, sinabi ko na talaga na… in fact, kami ni Ian may pinaplano na kami. I’m so proud of that guy, his second film, pero nominated na as Best Director, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hayun, meron na kasing isa pang ginagawa at ako meron na rin akong niluluto. Enjoy ako sa production , e.

“The usual, TV... pero, yung indie [films], na-fall in love ako.”

INSPIRATION. Sa kabuuan ng itinatakbo ng Alagwa, hindi nawawala sa tabi ng guwapong aktor ang babaeng nagbibigay sa kanya ng sobrang inspirasyon, ang longtime girlfriend niyang si Kim Jones.

Pagmamalaki niya, “Sobra talaga. Kanina nga sa tabi ko, sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Sabi ko nga, ‘Hey, Babe, ano ‘yan?’ Natatawa talaga ako.

“I’m very proud of her kasi ang dami na naming napuntahan. Sa lahat ng lakad ko ay kasama siya. Talagang ganun ang kanyang suporta.

“And I’m sure, proud siya sa akin.”

Dagdag pa niya, “Isa sa mga greatest critic ko, ‘yan si Kim.

“Para sabihin niya, ‘job well done’ ako dito, si Kim ay hindi niya ako bobolahin. Sasabihin niya kung pangit o hindi sa acting o kung saan man.

“Hanggang sa kasuotan, number one critic ko ’yan, e. Ako, number one fan niya.”

Mas matamis nga raw ang kanyang pagkakapanalo dahil sa presence ni Kim.

“Yeah,” nakangiting pahayag ni Echo."

"Kasi, best of both worlds, e. You know, acting is like, I think about it every time I wake up in the morning, I think about it when I sleep.

"Kapag naglalakad ako, parang girlfriend ko na naiisip ko maya’t maya.

“Ibig sabihin, it’s the best feeling. The best of both worlds, parang ganun, e.

“If someone supports you, your career, not the fake support but someone who pushes you na kailangang galingan mo at huwag kang gumawa ng sablay or whatever, yun yun, the best.”

THINGS TO LOOK FORWARD TO. Pinangarap daw niya ang pagkamit ng naturang karangalan.

Sabi ng award-winning actor, “A, oo. Dumaan din yung pangarap kong yun. Then, nawala na sa pangarap ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, finally ay nandito na ako na, ‘Uy, totoo nga.’

"Ang Urian ay talagang prestihiyoso at lalo akong kinabahan no’ng nando’n ako.

“I just keep on doing what I do best.

“Maghahanap, maghihintay ng magandang script, magagaling na actor at director na makakasama.

"Kung may oportunidad, why not, di ba?

“Pero, tuluy-tuloy, ’yan. Marami pa.”

Maging ang pelikulang Alagwa ay mahaba pa rin ang tatakbuhin.

Pagsang-ayon niya, “That’s true kasi, marami pa kaming plans for this movie.

“Ipapalabas pa siya sa Pilipinas at marami pang festivals ang iikutan.

“Meron kaming distributor na kausap, hindi ko muna sasabihin kung sino, at siya ang magpapalabas nito dito sa Pilipinas.

“Ang dami kong natutunan tungkol sa film industry sa ibang bansa and I wanna bring it here."

Sumagi ba sa isip niyang isang vindication ang pagkakanalo niya? Na hindi man siya napansin na ibang local award-giving bodies, nanalo naman siya ng Urian.

Positibo niyang tugon, “Rght now I don’t think na this is some sort of a vindication. I’m just honored na na-recognize ako ng Urian

“One thing good is nawala sa akin yung negativities ko about the industry. Alam mo yun?

"So, I’m just enjoying kung anuman ito, and be more positive."

SUPPOSED ROLE IN KUNG MAWAWALA KA. Samantala, nabanggit namin kay Jericho ang teleseryeng Kung Mawawala Ka na umeere na ngayon sa primetime bida ng ABS CBN.

Ang role daw ni John Estrada ay dapat sa kanya. Ano’ng masasabi niya tungkol dito?

Paliwanag ng Mr. Pogi alumnus, “May mga roles na maaaring hindi para sa ’yo o may darating sa’yo.

"At the end of the day, it’s the project. It’s not about you, it’s about the project.

“Hindi lang umangkop sa panahon ko at sa sitwasyon ng dumating yun, so… I ‘m sure, si John Estrada ay isang magaling na aktor, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t want to look at it as something negative. I’m sure magaling yung team na yun and I’m proud of it. May mae-enjoy na naman ang mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN