The PEP List 2013: Ina Kapatid Anak leads Primetime Teleserye of the Year in PEPsters’ Choice partial, unofficial results

Sina Anne Curtis, James Yap, at Kim Chiu ang mga nangunguna sa PEPsters’ Choice partial, unofficial results as of June 19, 2013.


Sa patuloy na pag-init ng botohan para sa PEPsters’ Choice 1st quarter ng The PEP List 2013, tuluyan nang lumaki ang lamang ni James Yap kay Gerald Anderson para sa kategoryang Newsmaker of the Year, habang patuloy ang pamamayagpag ni Kim Chiu sa Newsmaker of the Year female category.

Samantala, nangunguna naman ang katatapos lang na teleseryeng Ina Kapatid Anak bilang nangungunang Primetime Teleserye of the Year, at patuloy naman ang pangunguna ni Anne Curtis sa FAB Award female category.

Ang nasabing resulta ay partial at unofficial tally of votes as of June 19, Miyerkules.


NEWSMAKER OF THE YEAR. Nangunguna si James Yap with 50,027 votes (54.99%) at sumunod naman si Gerald Anderson with 33,069 votes (36.35%).

Matatandaang noong mga nakaraang linggo ay si Gerald ang nasa unang puwesto subalit ngayon ay muling nasungkit ito ng basketbolista.

Sa ikatlong puwesto pa rin si Sen. Chiz. Escudero with 4,934 votes (5.42%) na sinundan ni Derek Ramsay with 2,052 votes o 2.26%, at sa ikalimang puwesto ay si Willie Revillame with 874 votes (0.96%).

Sa female category naman ng Newsmaker of the Year ay hindi matinag sa unang puwesto si Kim Chiu with 82,311 votes (88.59%) na sinundan naman ni Kris Aquino with 5,356 votes (5.76%).

Sa ikatlong puwesto ay si Heart Evangelista with 3,641 votes (3.92%), sumunod si Sarah Lahbati with 1,094 votes (1.18%), at sa huli si Maricel Soriano with 478 votes (0.51%).

FAB Award: Higit sa 13,000 votes naman ang lamang ni Anne Curtis kay Angel Locsin para sa FAB Award.

Nakakuha si Anne ng 117,903 votes (49.35%), samantalang si Angel naman ay 104,749 (43.84%).

Si Bea Alonzo pa rin ang nasa 3rd place with 7,325 votes (3.07%), na sinundan ni Judy Ann Santos with 5,342 votes (2.24%), at sa huling puwesto ay si Solenn Heussaff with 3,582 votes (1.50%).

Para naman sa mga lalaki, leading pa rin si Xian Lim with 114,598 votes (62.29%), kasunod si Enrique Gil with 53,684 votes (29.18%), habang nasa ikatlong puwesto si Coco Martin with 8,977 votes na sinusundan naman nina Piolo Pascual (3,858 votes o 2.10%) at Enchong Dee with 2,774 votes (1.51%).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Primetme Teleserye of the Year. Kahit natapos na ang Ina Kapatid Anak ay patuloy naman ang pamamayagpag nito sa ongoing PEPsters Choice voting with 126,262 votes (50.70%) at sinusundan ng isa pang Kapamilya show, ang Princess And I with 83,048 votes (33.35 %).

Narito ang iba pang nominadong shows sa Primetime Teleserye of the Year at ang kanilang nakuhang boto: Temptation of Wife, 13,809 votes (5.55%); Kahit Konting Pagtingin, 6,794 votes (2.73%); Kailangan Ko’y Ikaw, 5,337 votes (2.14%); Juan Dela Cruz, 4,750 votes (1.91%); Apoy Sa Dagat, 2,464 votes (0.99%); A Beautiful Affair, 1,668 votes (0.67%); Mundo Mo’y Akin, 991 votes (0.40%); %); Indio, 890 votes (0.36%); Never Say Goodbye, 725 votes (0.29%); Paroa: Kwento ni Mariposa, 657 votes (0.27%); Aryana, 625 votes (0.25%); Pahiram Ng Sandali, 273 votes (0.11%); Kahit Puso’y Masugatan, 189 votes (0.08%); Aso ni San Roque, 189 votes (0.08%); Enchanted Garden, 165 votes (0.07); at Kidlat, 164 votes (0.07%).

Ang PEPsters’ Choice 1st quarter ay magpapatuloy hanggang June 30, 2013. Isa lamang itong component ng The PEP List, kung saan susunod nitong ilalabas ang PEP Squad’s choice.

Samantala, noong nakaraang Linggo, ipinaabot ng mga fans ni Sarah Geronimo, nominee para sa TV Star of the Year, ang nararanasan nilang technical glitch sa pagboto.

Upang bigyang-linaw ang nasabing isyu, isang official statement ng inilabas ng PEP.ph upang tiyakin sa mga PEPsters na tsinek na ang nasabing “glitch."

Narito ang kabuuan ng statement:

"Dear PEPsters,

"Noong nakaraang Biyernes (June 14), may inayos po ang PEP team sa design ng “The PEP List” website na nagdulot ng hindi inaasahang problema sa PEPsters’ Choice voting. Kami po ay humihingi ng paumanhin para sa technical glitch na ito at para sa anumang abalang idinulot nito.

"Naayos na po namin ang error at tuluyan namin itong susubaybayan upang maiwasang ang maulit ito. Nagpapasalamat po kami sa inyong pagpapasensiya at pang-unawa.

"Nais din naming samantalahin ang pagkakataong ito upang matugunan ang mga pagkabahala hinggil sa accuracy ng mga botong natatanggap sa PEPsters’ Choice.

"Kung inyong titingnang mabuti, ang resulta ng bawat voting transaction, ang ibinabalik nitong resulta ay ang porsiyento ng kabuuang bilang ng mga boto at hindi ang aktuwal na bilang ng mga botong natanggap mula sa PEPsters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halimbawa: Kung ang kategoryang “Female Child Star of the Year” ay nakatanggap ng 100,000 na kabuuang boto at si Nominee A (Ryzza Mae Dizon) ay nakatanggap ng 60% ng boto; at si Nominee B (Xyriel Manabat) ay nakatanggap naman ng 40% ng boto, nangangahulugan ito na si Ryzza ay nakatanggap ng 60,000 na aktuwal na boto at si Xyriel naman ay nakatanggap ng 40,000 na aktuwal na boto.

"Kaya kung lumiliit ang porsiyento ng boto ng inyong paboritong aktor o aktres, hindi nangangahulugan na hindi nabibilang ng aming sistema ang mga naisumite ninyong mga boto.

"Maaaring dumadami lamang ang aktuwal na botong natatanggap ng mga iba pang mga nominado.

"Tinitiyak namin sa inyo na ang mga boto na naisumite ninyo ay wastong naitatala ng aming sistema.

"Sinuri ng Punongbayan & Araullo ang poll system ng PEP bago pa nagsimula ang botohan; at muli nilang susuriin at ive-verify ang mga resulta ng poll sa dulo ng bawat voting period upang matiyak ang tamang bilang ng mga boto.

"Pinahahalagahan namin ang inyong opinyon. Para sa mga komento at mga suhestiyon, huwag po kayong mag-atubiling mag-email sa amin sa: info@pep.ph."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN