Annabelle Rama denies son Richard Gutierrez wants to study in Switzerland so he can be with girlfriend Sarah Lahbati

Hindi raw pipigilan ni Annabelle Rama ang alagang si JC de Vera kung gusto na nitong umalis sa kanyang poder. Sabi ni Annabelle, “Tapos na ang kontrata niya sa akin. Kung ayaw niya mag-renew, okay. Kung gusto niya, okay din.”


Muling abala ang talent manager na si Annabelle Rama sa kanyang mga alagang artista matapos hindi palarin sa kanyang congressional bid sa first district ng Cebu.

Sa ulat ng InterAksyon, sinabi ng talent manager na alam niya ang balitang may planong iwan na siya ng isa niyang alagang si JC de Vera.

(Read: JC de Vera asks for "time out" from talent manager Annabelle Rama)

Ayon kay Annabelle, na kay JC na raw ang desisyon.

Aniya, “Tapos na ang kontrata niya sa akin. Kung ayaw niya mag-renew, okay. Kung gusto niya, okay din.”

RUFFA & RICHARD. Samantala, masaya naman si Annabelle na ang kanyang mga anak na sina Ruffa at Richard Gutierrez ay nagbabalak na mag-aral sa labas ng bansa.

(Read: Ruffa Gutierrez to study International Political Economy in King’s London College for one summer)

Naniniwala rin si Annabelle na gustong mag-aral ni Ruffa sa London dahil balak nitong pumasok sa pulitika balang-araw. Pero ito raw ay kutob lamang niya dahil hindi pa sila nagkausap ng panganay na anak.

Aniya, “Natutuwa ako dahil maganda ang course niya. Duda ko tatakbo ’yan, pero di naman niya inamin sa ’kin, e.”

Itinanggi naman ni Annabelle ang bali-balitang kaya raw sa Europe mag-aaral si Richard dahil gusto nitong mapalapit at makasama ang girlfriend na si Sarah Lahbati.

Pinabulaanan din nito ang mga balitang nabuntis at nanganak na si Sarah.

Sabi ni Annabelle, “Wala, wala. Magpapahinga lang dahil grabe ang trabaho niya [Richard] for so many years. Hindi totoo ‘yan.”

AT ODDS WITH CEBU PARTYMATES? Itinanggi rin ni Annabelle ang balitang may tampuhan sila ng kanyang mga naging kapartido sa Cebu.

Matatandaang sa ulat ng Balitanghali ng GMA News TV noong June 13, masama raw ang loob ni Annabelle sa mga kapartido at gusto raw nitong bawiin ang halos P3 milyong pisong donasyon niya sa partido.



Ang tatlong milyong piso daw na donation niya para sa Team Rama ay para diumano sa mga poll watcher na itatalaga sa eleksiyon at bilangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero reklamo raw ng talent manager ay hindi nabantayan ang kanyang mga boto at ang sa pinsan lang niya na si Mayor Mike Rama at iba pang partymates ang nagkaroon ng poll watchers.

Ayon pa sa ulat, hindi na raw nagulat ang kapartido ni Annabelle na si Vice Mayor Edgardo Labella sa mga binitawang salita ng talent manager dahil hindi raw batid ng neophyte politician ang usapin sa campaign funds.

Posible naman daw paimbestigahan si Annabelle ng Comelec dahil daw P500,000 lamang ang idineklara nito sa kanyang statement of election contribution and expenditures. Ayon kay Atty. Dominic Ian Maregomen, election officer ng North district ng Cebu City, ito ay dahil sa isiniwalat tatlong milyong pisong donasyon ni Annabelle.

Hindi na rin daw nagsalita si Mayor Rama sa issue.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Mayor Rama tungkol sa naturang usapin. Wala pa raw reaksiyon si Annabelle tungkol sa sinabi ni Atty. Maregomen.

Sa panayam ng InterAksyon, mabilis na itinanggi ni Annabele na may samaan sila ng loob sa kanyang mga kasamahan sa partido sa Cebu noong nakaraang eleksyon, lalo na sa kanyang pinsan na si Mike Rama na muling nahalal na alkalde ng siyudad.

Aniya, “Wala kaming problema ni Mayor Rama. Nanalo nga siya dahil sa ‘kin. Wala kaming problema at okay kami dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN