Aiza Seguerra on Charice: "Basta maging matatag lang siya and face everything..."

Inamin ni Aiza Seguerra na nahirapan din siya noong mag-out siya.Kuwento niya, “At first, mahirap talaga tanggapin, kasi may perception tayo na, ‘Hindi maganda ‘yan.’ Pero, ano ang gagawin ko? Ako ito.”


Habang naghihintay ng kanyang musical number sa 36th Gawad Urian sa backstage ng NBC Tent, Bonifacio Global City last Tuesday, June 18, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiza Seguerra.

Kuwento niya, “Heto, still busy with Be Careful With My Heart.

“And, I’ll be doing a musical again. Basically, that’s it.

“Alam mo, yung Be Careful… overwhelmed ako and at the same time ay grateful and thankful sa mga nangyayari.

“Siguro happy na rin, kasi the whole cast are all friends, e.

“Nakikita naman na yung efforts and hard work namin ay nagpe-pay off.

“Yung appreciation ng tao, like the show inspires them, and they are very vocal about it.

“Grabe, nakakataba ng puso!”

Si Aiza ay gumaganap bilang si Kute sa daily morning soap ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Dagdag niya, “Oo, grabe! It’s like in real life. Na sa totoong buhay naman ay hindi laging may sampalang nagaganap, e.

“Pero the small problems, yun ang napag-uusapan—how we solve it and familyn comes first. Alam mo, yun?”



COMING OUT. Napag-usapan din namin ang tungkol kay Charice, na katulad niya ay naging out na rin sa pagiging isang lesbian.

Reaksiyon ni Aiza, “Ako, I’m happy for her.

"Alam naman natin kung gaano kahirap how to hide our true selves, di ba?

“I’m just happy, I’m happy for her, I support her.

“Definitely, na puwedeng maraming gustong sabihin ang tao, pero ganoon talaga.

“Basta maging matatag lang siya and face everything, kasi small world, e.”

Naitanong din ng PEP kay Aiza kung naging madali ba sa kanya noong mag-come out siya.

“Hindi rin, hindi rin,” umiiling niyang sagot.

“Tapos na lang talaga. You know, it was already too long ago and people can’t remember na kung ano rin ang pinagdaanan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro ang difference lang ay meron tayo ngayong social media. You know what I mean?

"So, before kasi, that time, puro press lang, e.

“Pero hindi madali, hindi madali.”



FAMILY ISSUE. Ang isa pang kaibahan noong time na inilabas ni Aiza ang katotohanan tungkol sa kanyang sekswalidad ay walang gaanong iskandalo sa kanilang pamilya. Hindi gaya ni Charice na ang mga kamag-anak ay naging parte na rin ng kuwento.

Sabi ni Aiza, “If I may say something tungkol diyan...

“Kasi, kami sa family namin, yung nangyaring pag-out ko, we kept it sa family.

“And I think the most important thing is, para kasi sa akin, isyu naman ‘yan ng pamilya, e.

“Ako, para sa akin, nag-come out ako sa magulang ko—and that’s it.

“I couldn’t care less what other people may say, kasi para sa akin, tanggap ako ng magulang ko, I’m good.

“And I wish also na sana, yung media would stop na rin bugging the family na rin [of Charice], kasi it’s a family thing.

“If they are going through something, don’t make a circus out of it, di ba?”

Dugtong pa niya, “Ang hirap yung mag-out, pero kapag natanggap ka ng magulang mo, wala ka nang pakialam sa sasabihin ng iba.

“I’m just happy na natanggap ako.

"Ako kasi, hirap sa akin ang magtago.

“At first, mahirap talaga tanggapin, kasi may perception tayo na, ‘Hindi maganda ‘yan.’

“Pero, ano ang gagawin ko? Ako ito.”



LOST INCOME. Sa parte ni Charice ay sinabi ng kanyang ninong na si Robert Ybera na ilang milyon daw ang mawawala sa kanyang inaanak dahil sa pagbubunyag nitong isa siyang tomboy.

Inalam namin kay Aiza kung marami rin siyang nawalang projects mula nang nag-out siya.

“Ah, yes, definitely," mabilis niyang tugon.

“Ako, alam ko na kung kaya halos wala kong endorsements because of that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, ganito lang yun, ano ba ang pipiliin ko: Magkaroon ako ng maraming projects and endorsements, pero tago ako?

“O, malaya akong nabubuhay na nahahawakan ko ang kamay ng taong mahal ko?

“Lahat ng mga tao ay mayayakap ko at mahahalikan ko na wala akong iniisip na imahe.

“Ako, ha, I would rather have that than having millions of endorsements pero at the end of the day, I can’t even hold the person’s hands, di ba?”

Dagdag pa niyang pahayag, “Para sa akin, unfair talaga ‘yan.

"Unfair for Charice and she’s working hard naman to provide for her family.

“Ano kasi, e. Hindi porke’t lesbiyana ay kailangang mawala ang… definitely, dapat more blessings to come, kasi totoo ka sa sarili mo, e.

“Hindi mo nga lang ini-expect na yung malalaking proyekto kasi... we know how companies are.

“May mas malalaki pang tao ang dapat magbigay ng respeto, kasi totoo ka.

“At the end of the day, dapat bang laging nagma-matter ang pera?

“Hindi ba dapat, nagma-matter din yung, ‘Malaya ba ako? Masaya ba ako? Totoo ba ako sa sarili ko?’

“We really have to evaluate our priorities.”



FORGIVING. Iba nga raw ang kultura sa ating bansa pagdating bagay na ito.

Sabi ni Aiza, “Alam mo naman kahit dito sa Philippines, mas forgivable kung gay-guy ka.

“Pero kapag gay-woman ka, iba ang dating sa kanila.

“We have Vice Ganda, we have Boy Abunda who get endorsements left and right, pero gay-woman, meron ka bang nakikita?

“Wala, wala, di ba?

“Meron pa ring ano sa society and it all boils down to, ‘Ano ba ang pipiliin ko, malaya ako o sikat ako at may pera?’

“It’s really a matter of your own choice—desisyon mo na ‘yan.”



WORTH LOVING. Pagdating naman sa pakikipagrelasyon sa babae ay dapat lang daw ipaglaban ito, lalo na kung deserving naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng 29-year-old singer, “Kapag nakikita naman na mahal na mahal ka ng partner mo...

“Hindi minahal ka dahil hindi sa ibang bagay, kundi dahil sa totoo naman sa iyo, sino ang hindi makaka-appreciate noon, di ba?

“Na basta nagmamahalan kayo at hindi lang naggagamitan... mahal ninyo ang isa’t isa at gusto ninyong pasayahin ang isa’t isa, sino pa ba ang kukuwestiyon noon?

“We just have to open our minds that love is love.

"We cannot choose who we love, you cannot choose who you are.

“Kasi, di ba, if being a homosexual or being gay is a choice, why would we choose this hard route, di ba?”

Nang pilit naming alamin ang estado ng kanyang lovelife ngayon, maiksi lang ang naging sagot ni Aiza: “Masaya ako. Basta masaya ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN