Kathryn Bernardo does not want to be compared to Julia Barretto

Kathryn Bernardo on Daniel Padilla’s "seloso" quality: “Sakto lang naman si DJ, di naman super-over na seloso, yung tama lang—hindi siya nakakasakal, nakakatawa siya. Tahimik ‘yan pag nagseselos, oo, alam ko. Pag may kasalanan ako or may misunderstanding, tahimik lang kami. Kung siya ang may kasalanan o ako, magso-sorry ka na lang."


Kapansin-pansin na ang ipinu-push ngayon ng ABS-CBN to be their next most important stars ay sina Kathryn Bernardo at Julia Barretto.

Kitang-kita ang hiwalay na pagbi-buildup na ginagawa sa dalawang young actresses.

Halimbawa, kung si Kathryn ay ipinapareha kay Daniel Padilla, parang inihahanda naman bilang solo actress ang career path ni Julia.

Punto ni Kathryn nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa ASAP 2013 last Sunday, June 16, na may kanya-kanya naman silang identity bilang artista.

Saad niya, “Ewan ko. Ako kasi, ayoko ng kinu-compare talaga and I’m sure naman kahit sinong tao ayaw ng naku-compare.

“So ayun, may iba naman akong personality, may iba naman akong goal kung ano ang gusto ko.

“I’m sure si Julia, ayaw din naman niya ng nakukumpara.

“Basta ako, ginagawa ko lang naman ang mga dapat kong gawin.

“Alam ko na may mga napapasaya, so ayun, sila na ang bahala.”



MUTUAL ADMIRATION. Hindi naman itinago ni Kathryn na nagagandahan siya kay Julia, pero inamin niyang hindi sila close.

“Yeah, pretty naman siya talaga. Para siyang Tita Gretchen na Claudine, parang ganoon.

“Titingnan natin, magkaiba talaga ‘ika mo, so sana huwag na lang kaming gawan ng istorya or pagkumparahin.”

Dagdag ni Kathryn, “No, we’re not close kasi di pa kami nagkakasama sa mall shows, pag sa ASAP, sa prod [production].

“Usually kasi, yung batch nila [Star Magic] ang magkakasama.

“Wala pang chance, pero kung magkaka-chance, I’m sure naman magiging close din kami.”



CHANGE PARTNER. May experiment minsan sa ABS-CBN kung saan kahit may ka-loveteam na tanggap na ng tao ang isang pareha, ay itinatambal pa rin ito sa iba.

Paano kaya kung ipareha naman si Julia kay Daniel sa mga susunod na proyekto ng Kapamilya network? Paano kaya ito tatangapin ng “KathNiel” fans na sobra ang suporta sa tambalan ng dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Kathryn, “Siyempre, di naman maiiwasan na i-pair si DJ [Daniel] sa iba.

“Depende yun sa management kung ano talaga ang plans nila for DJ.

“Kasi, darating din naman ang time na ipe-pair ako sa iba.

“Possessive kasi talaga ang KathNiels and tingnan lang natin.”



JEALOUS “BOYFRIEND.” Sa recent interview kina Kathryn at Daniel ay natanong ang young actress tungkol sa isang larawan na lumabas sa Facebook.

Makikita sa picture na binubulungan si Kathryn ng isa sa Glee cast member na si Dean Geyer.

Sa interview kina Kathryn at Daniel, marami ang nakapansin ng pamumula ng young actor at ang pabirong pagwu-walkout nito.

Marami ang nagsasabi na ganoon pala kaseloso si Daniel pagdating kay Kathryn, bagay na agad namang klinaro ng batang aktres.

Paglilinaw ni Kathryn, “Nagdyo-joke lang siya.

“Kasi nga, yung mga fans niya, napiktyuran habang eksaktong nakaganoon, pero wala.

“Super ginagawan lang ng issue, pero wala, kasi wala—wala naman sa akin. Di ko naman kailangang isipin.

“Alam niya na mayroon kaming mall show with the Glee cast.

“Sakto lang naman si DJ, di naman super-over na seloso, yung tama lang—hindi siya nakakasakal, nakakatawa siya.

“Tahimik ‘yan pag nagseselos, oo, alam ko.

“Pag may kasalanan ako or may misunderstanding, tahimik lang kami.

“Kung siya ang may kasalanan o ako, magso-sorry ka na lang.

“Okay naman kami ni DJ, ganoon pa rin. Di mawawala yung closeness namin."



MMFF ENTRY. Kasama sa Metro Manila Film Festival this year ang Pagpag, isang horror film ng Star Cinema kung saan sina Kathryn at Daniel ang tampok na mga artista.

Sabi ni Kathryn tungkol dito, “Masaya dahil bago na naman ito, di naman siya love story, more of horror story.

“May love story pero siyempre mas magpo-focus ang story sa horror side.

“Medyo creepy yung story, so exciting, kasi first horror movie ko ito with Daniel.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinalita naman ni Kathryn na magsisimula na sila ng taping ng upcoming series nilang Got To Believe.

“Di pa kami nag-i-start ng taping namin, pero excited kasi baka next week start na kami ng taping.

“Of course, di naman siya peg ng Princess And I but it’s a different story, yung love story niya maganda.

“Pang-Koreanovela ang istorya niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN