Joem Bascon gives his all in passionate love scenes with Jake Cuenca in Lihis

Joem Bascon on love scenes with Jake Cuenca: “Talagang ang kissing scene na ginawa namin ay halik talaga, as in halik na hindi na pupuwedeng maghiwalay ‘tong dalawang taong ito kapag makita mo. Yung ganung halikan, ha, yung yakapan, yung ganung hawak-kamay lang, yung unting nuance na makikipagganun, na mahal kita, ayun, talagang pinaghandaan naming lahat.”


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joem Bascon habang nagbi-break ang 36th Gawad Urian sa NBC Tent last Tuesday, June 18.

Kinumusta namin sa Kapamilya actor kung ano na ang balita sa pelikulang Lihis na pinagsasamahan nila nina Jake Cuenca at Lovi Poe.

Saad niya, “Ako kasi, a total of six days yung shooting days ko. Kakatapos lang namin last two weeks ago.

“Masaya naman, masaya naman yung pelikula.

“Of course, Direk Joel Lamangan, happy ako kasi for a very long time, after nung The Bride and The Lover, nakasama ko ulit siya.

“Siyempre, ang dami niyang naituro.

“Very ano siya, e, maselan ngayon, kasi siyempre ipanglalaban niya, e."

Ang ibig tukuyin ni Joem ay entry ang Lihis sa Sineng Pambansa All-Masters National Film Festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Patuloy niya, “Natutuwa ako kasi… ewan ko, di ko alam, e, basta natutuwa ako kay Direk Joel.

“Kahit na alam mo naman na sinasabi nila na nakakatakot siya, pero hindi siya nakakatakot, nakakatuwa siya—in a way na may matututunan ka talaga, e, at the end of the day.”



MOST DARING PROJECT SO FAR. Sa buong career at paggawa ng TV shows at pelikula, aminado si Joem na ang Lihis na ang pinaka-daring na nagawa niya.

Aniya, “Sobra… sobra… sobrang-sobrang daring nitong ginawa namin ni Jake.

“Actually, ito yung… nag-usap kami ni Jake after this film, siguro a week na hindi kami masyadong nagkikita, hindi kami masyadong nag-uusap.

“Kasi nga, very intimate sa aming dalawa yung pelikula, e.

"I think more than Lovi talaga, sa aming tatlo, kami talaga ni Jake ang sobrang intimate yung relationship sa movie and sobrang daring nga.”

Ano ba ang takbo ng istorya at paano nabuo ang love story nila ni Jake dito?

Kuwento ni Joem, “Ako yung may asawa sa story, mga NPA [New People’s Army] recruits kami. Ako, bago siya, yung matagal na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, at first, it was a lustful encounter lang, e—me and Jake.

“Pero with… siyempre pag kayo lang magkasama sa isang lugar, siyempre you build a relationship between the two of you, lalo na kayo lang ang magkakasama doon, kayo lang ang nagkukuwentuhan.

“So yun, dun tumatakbo yung story sa aming dalawa.”

Dagdag niya, “Actually, more than the love scenes, more than anything, it’s a story of two people sa friendship nilang dalawa na na-build up na into a loving relationship, to the fact na nagkahiwalay and then nagbalikan pa rin—yung mga ganun, mga typical ano…

“Sana magampanan namin nang tama for you guys na mapanood ninyo, more than the love scenes, di ba?

“Ang hirap kasi mag-portray ng napipilitan yung dalawang actor na parang hindi nila gusto yung ginagawa nila, so I think nag-pull off naman.

“With Direk Joel’s comments naman, I think natuwa naman din siya.”

May pagkahawig daw ang istorya nito sa Hollywood film na Brokeback Mountain (2005) kung saan dalawang lalaki ang nagkaroon ng ugnayan sa malayong farm.

Sina Joem at Jake naman, sa bundok ng Magdalena, Laguna nabuo ang relasyon sa pelikula.



PASSIONATE KISS, INTIMATE LOVE SCENES. Ano ba ang mga pinakamaselang eksenang nagawa nila rito? Paano nila ito pinaghandaan?

Tugon ni Joem, “Lahat ng eksena pinaghandaaan namin.

“At pinaka-daring na ginawa namin... kasi gusto nga ni Direk na for people to really believe that you two are in love, you really have to do it passionately.

“Hindi siya yung half-baked na love scenes, e, hindi siya half-baked na kiss.

“Talagang ang kissing scene na ginawa namin ay halik talaga, as in halik na hindi na pupuwedeng maghiwalay ‘tong dalawang taong ito kapag makita mo.

“Yung ganung halikan, ha, yung yakapan, yung ganung hawak-kamay lang, yung unting nuance na makikipagganun, na mahal kita, ayun, talagang pinaghandaan naming lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa naman si Joem nang tanungin namin kung may instance ba na “nagkakitaan” sila ni Jake ng maselang bahagi ng kanilang katawan.

Sabi nito, “Hindi, hindi. Wala.”

May pagkakataon din kayang “nadala” siya sa mga maseselan nilang eksena ni Jake?

Sagot ni Joem, “Di ko na iniisip, e.

“Actually, hindi ko na iniisip, pero kailangang madala lahat ng actor sa eksena, e—lahat kailangang madala.”

Sabi pa niya, “Gusto kong imbitahan yung mga tao for them to watch, siyempre the third sex is here.

“Even before pa, na nandiyan na siya, na kinukutya ng society, ng gobyerno.

“So I think it’s time na i-acknowledge na nila, ng mga tao, na merong third sex talaga.

“Na hindi mo talaga puwedeng pigilan ang dalawang taong nagmamahalan, na hindi mo kailangang i-consider ang sex nila.

“Kailangan pag nagmamahalan kayo, totoo.

“Kesyo babae, kesyo lalaki kayo, kailangan ninyong tanggapin basta nagmamahalan silang totoo.”



DONE IN GOOD TASTE. Pinagbutihan daw ng buong produksiyon ng Lihis ang bawat eksena at ginawang makatotohanan ang buong istorya.

Saad pa ni Joem, “No, it’s not for the sake of having sex [lang], it’s for the sake of a relationship between two people in love despite their sexual preferences.

“And it’s about the history, yung the third sex, na binubura ng mga tao.

“May mga part kasi na pag kasi when it’s about the third sex, binubura na kasi nila, e.

“So, dapat aware tayo sa mga nangyayari.

“So this is parang waking up na may mga bagay tungkol sa third sex na binubura ng panahon, so ito yung ipinapakita namin.”

Sinabi ni Joem na sobra-sobra ang ipinakita niya rito. Ibig kayang sabihin, may frontal nudity siya sa Lihis?

Natatawang sagot niya, “Lahat naipakita ko dito… wala namang frontal, butt siguro... basta panoorin ninyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN