Kris Aquino moving to new Alabang home on July 16

Excited na si Kris Aquino para sa nalalapit na paglipat niya sa kanyang bagong bahay sa Alabang, sa July 16. Sabi pa ni Kris, “Actually, it’s ready for us to move in, it’s just lalamanan na lang, so excited ako."


Excited na ang Queen of All Media na si Kris Aquino na lumipat sa kanyang bagong bahay sa Alabang, Muntinlupa, sa July 16, kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

Kuwento ni Kris sa abs-cbnnews.com ngayong araw, June 20, “Siyempre pina-feng shui ko, July 16 at six in the morning.

“Tapos may dayap-dayap [lime] pa, may incense, may fruits… wala namang masama, gawin na lang.

“May compass pa kung saan mo ilalagay ang dayap, but the color daw… basta, go!

“Basta doon ako nae-excite at may home na kami, I mean totoong home."

Darating ba ang kanyang kapatid na si President Noynoy Aquino sa house blessing?

Sagot ni Kris, “Ayaw ko mag-blessing na public. I will just ask a priest to come on the 16th.

“Hindi ba, bago maggawa-gawa ng ritual, e, pa-bless ko muna?

“Mayroon naman akong super close na priest na kahit puyatin ko siya ay gagawin niya, kaya okay na ’yon.”

Payag naman daw si Kris na makunan ng mga kamera, hindi ang buong bahay, kundi ang kanyang kusina at dining area lamang para sa mga cooking segment sa kanyang morning show na Kris TV.

Pahayag niya, “Regalo ko na rin sa amin na yung house namin ay para sa amin lang.

“Ang ipapakita ko lang sa inyo ay yung dining at kitchen, kasi doon ko balak na mag-cooking portion.

“Kasi yung kitchen, at least na-specify sa kung sa ano ang gusto ko.

“Actually, pagtingin sa house, doon sa kitchen area ay mayroon na kaming ready na ilaw. Excited na ako.”

Dagdag pa ni Kris, “I’m so excited kasi bubusisiin ko talaga yung kitchen.

“Actually, it’s ready for us to move in, it’s just lalamanan na lang, so excited ako.

“At bago ako umoo, ang rule ni Boy [Abunda, Kris’s business manager], bawal umutang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So inaral namin ang lahat ng receivables at collectibles ko so kaya.

“So sabi ni Boy, ’Go, kaya.’”



KRIS TV IS STAYING. Nakatakdang mag-leave si Kris sa July, pero marami naman daw silang taped episodes ng Kris TV kaya hindi raw siya mami-miss ng kanyang regular viewers.

Saad niya, “I’m taking July off because I’m moving to a new home, so yun ang aasikasuhin ko.

“Kakabalik ko lang, we went all the way… nag-Baguio kami, La Union, Pangasinan.

“Kasi I told them na mas hindi mapapansin na dated kung nasa labas kami at ipagpatuloy namin ang ‘RealiTV.’

“Kasi kung walang ‘Hot Topics,’ ang hirap, hindi ba?

"So pagbalik ko na lang talaga, kasi regalo ko na lang ito habang bakasyon si Bimb at pinayagan ko si Josh na mag-three weeks off din habang bakasyon ang kapatid niya.

“So super bonding kami at ma-organize namin nang maayos ang bago naming bahay.”

Tuloy pa ba yung nauna niyang plano na bitawan ang Kris TV at iba pang shows para tutukan ang pagiging ina niya kina Josh at Bimby?

Sagot ni Kris, “Nag-usap na kami ng mga boss ko. So, pinayagan naman nila ako na to have my leave of absence, and tamang-tama with a new home.”

Dagdag pa nito, gusto niyang “forever” nang manatili sa ere ang Kris TV.

"Sana forever, para may trabaho silang lahat [staff].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN