Rocco Nacino reunites with Lovi Poe in new Kapuso primetime series

Bagamat matagal nang nali-link si Rocco Nacino kay Lovi Poe, hindi pa rin daw nililigawan ng aktor ang aktres. Paliwanag ni Rocco, “It’s easy to go to that path. Pero siyempre, nakikinig ako sa lambing sa akin ng parents ko na magtrabaho nang magtrabaho muna dahil showbiz is not forever. Para sa akin, love will always be there. It will just come knocking on your door. So, focus muna sa trabaho.”


Naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco Nacino kung ano ang pakiramdam niya sa patuloy na pagli-link sa kanila ni Lovi Poe.

Ito ay sa kabila ng matagal nang natapos ang pinagsamahan nilang afternoon soap sa GMA-7, ang Yesterday’s Bride.

Sabi ng Kapuso actor, “Well, here we go again, balik-tambalan kami.

"So, we’ll never know what’s gonna happen.

"Na-miss ko rin si Lovi, e, kasi matagal na rin kaming hindi nagkita.”

Pagkatapos nilang magsama sa Yesterday’s Bride, muli ngang magtatambal sina Rocco at Lovi sa upcoming Kapuso primetime drama na Hanggang Ngayon.

Ano ba ang masasabi niyang best kay Lovi?

“That’s her, how she is as a friend, kung gaano siya kalambing sa mga kaibigan niya,” sagot ni Rocco.

Ano ang reaksiyon niya na muntik nang lumipat ng ibang istasyon si Lovi?

“Well, siyempre hindi ako nangialam sa kung anuman ang magiging desisyon niya. Nakinig lang ako sa kanya kung ano yung mga concerns niya noon.

"Pero hindi ako nagbigay ng opinyon ko. I was there to listen to her.

"Well, siyempre I was hoping for the best na sana mag-stay siya and she did, so I’m happy.”

Nakausap ng PEP si Rocco sa post-Father’s Day celebration nila ng kanyang ama na si Ralph Nacino sa Elorde Gym sa Julia Vargas Avenue, Ortigas noong Hunyo 19. Part-owner si Rocco ng naturang boxing gym.

Na-meet at nakasama na raw ng daddy ni Rocco si Lovi ng maraming beses na. Ano naman ang masasabi ni Daddy Ralph sa aktres?

Sagot nito, “Mabait si Lovi, magalang, at saka masayang kasama.

"Pag nakikita ko silang dalawang magkasama, okay naman sila.”

Boto ba siya kay Lovi kung sakaling magkagustuhan ito at ang anak niya?

“As parents kasi, kung sino yung gusto ng anak namin, gusto na rin namin. Kasi sila naman ang magsasama, hindi naman kami, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sundot na tanong tuloy ng PEP kay Rocco kung gusto na ba niya si Lovi?

“Naku, masyadong advance yung tanong n’yo,” nakangiti niyang sagot.

Hindi ba niya sinubukang ligawan si Lovi?

“It’s easy to go to that path.

"Pero siyempre, nakikinig ako sa lambing sa akin ng parents ko na magtrabaho nang magtrabaho muna dahil showbiz is not forever.

"Para sa akin, love will always be there. It will just come knocking on your door.

"So, focus muna sa trabaho.”

Ano naman ang komento ni Rocco na bukod sa kanya ay may ibang mga lalaki pang nali-link din kay Lovi ngayon?

“Well, that goes to show na she’s that pretty, she’s that sweet, kaya any guy will like her talaga.

"So, I wouldn’t be surprised kung maraming manligaw talaga sa kanya,” tugon niya.



SHEENA HALILI. Kinumusta rin ng PEP kay Rocco ang ex-girlfriend niyang si Sheena Halili.

Nang huli kasi naming ma-interview ang aktor ay sinabi niyang sinusubukan niyang mag-reconnect sa dating kasintahan para maging magkaibigan pa rin sila. Ano na ang balita?

Sagot ni Rocco, “Well, I think she’s busy with a lot of projects ngayon. I haven’t been able to get hold of her.

"Pero in time, mag-uusap kami, in time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN