Kristoffer Martin on open relationship with Joyce Ching: “Masarap ang pakiramdam na free kayo, na puwede naming sabihin yung mga nararamdaman namin in public.”

Kristoffer Martin on relationship with Joyce Ching: “Sa two years na relasyon namin, so far wala pa naman kaming nararamdaman na nagiging sagabal yung relationship sa career. Nagsisilbi pa nga itong inspirasyon namin na mas pagbutihin pa ang aming trabaho.”


Malaking bagay para kay Kristoffer Martin na isa siya sa mga nominee for “Best Performer” sa nakaraang Young Critics Circle Awards, kung saan si Nora Aunor ang nanalo para sa Thy Womb.

Nakuha ni Kristoffer ang nominasyon para sa kanyang pagganap sa indie film na Oros.

Sa Oros din nanalo si Kristoffer sa kategoryang Best Supporting Actor sa Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) ngayong taon.

“Malaking bagay ang naitulong sa akin ng Oros, e,” sabi ng young actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, June 16, pagkatapos ng pilot episode ng Sunday All Stars (SAS).

Dugtong niya, “So nagpapasalamat ako sa director ko doon [Paul Sta. Ana]. First indie film ko iyon.

“Si Kristoffer King ang bida at kapatid niya ako doon sa pelikula.

“Ang story nito is about doon sa saklaan sa mga lamayan sa patay.

“Siya [Kristoffer King] ang kuya ko at iyon ang ginagawa namin for a living—nagrerenta kami ng patay para lang magawa yung saklaan.”



INDIE CHALLENGE. Kapag indie film, parang mas may tsansa ang isang artista na mag-experiment sa mga role at mailabas nang lubos ang kanilang kakayahan sa pag-arte.

Ganito rin ba ang paniniwala ni Kristoffer?

Tugon ng Kapuso star, “Oo, mas maganda, e, mas nahahasa ka.

“Kasi, kapag gumagawa ka ng indie, ako, ang feeling ko, mas free, e.”

So anytime, okay siya na gumawa ng indie film?

“Depende rin siguro sa role. Babasahin ko pa rin muna ang script.”

Kadalasan, kapag indie film ay may maseselang eksena gaya ng hubaran. Kakayanin din ba ito ni Kristoffer kung sakali?

Nakangiting tugon ng 18-year-old actor, “A… hindi ko pa alam. Kasi hindi pa naman ako in sa ganoon.

“E, maganda naman yung pinapatunguhan ko sa TV, so hindi ko muna siguro kailangan pa ng mga ganoon.

“Siguro in time, for acting purposes, na kung gusto ko na i-expand yung craft ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, doon siguro, mapag-iisipan naman.”



DOING WELL. Kuntento at natutuwa raw si Kristoffer sa takbo ng kanyang career dahil hindi siya nababakante, kahit one at a time lang ang dating ng projects niya.

Maganda rin ang feedback sa pagiging leading man niya kay Kim Rodriguez sa afternoon series ng GMA-7 na Kakambal Ni Eliana.

Ginagampanan niya rito ang role ni Gabo na kaagaw ni Enzo Pineda sa puso ni Eliana.

Pagmamalaki ni Kristoffer, “Number one siya sa afternoon prime ng GMA, and masayang katrabaho si Kim.

“Nakikita ko sa kanya yung willingness niya, e, yung determination niya sa trabaho niya.

“Kahit bago siya, hindi niya iniisip na baguhan siya, na kailangan sumabay siya.

“Ang iniisip niya, hindi basta-basta yung role, hindi basta-basta yung soap, hindi basta-basta yung title role na ibinigay sa kanya.

“Naging close na kami. Actually lahat naman kami sa set, naging close na sa isa’t isa, e.”



OPEN RELATIONSHIP. Closeness bilang magkatrabaho at magkaibigan—hanggang doon lang ang nai-imagine ni Kristoffer na magiging samahan nila ni Kim.

“I’m happy na with my relationship,” sabi niya tungkol sa relasyon nila ng girlfriend niyang si Joyce Ching.

“Ayun, happy ako. Parehas kaming nagsusuportahan sa isa’t isa.

“Kahit pa iba yung trabaho niya, iba yung trabaho ko, naiintindihan namin parehas.

“So, bihira yun, e.

“And, isang factor iyon kaya inspired akong magtrabaho ngayon.

“And then, yung mga magulang ko rin na laging nandiyan to support me.

“At saka yung award,” pagtukoy niya sa Best Supporting Actor trophy na nakuha niya mula sa Golden Screen Awards.

For a while, inilihim muna nila ni Joyce sa publiko ang kanilang relasyon.

Pero sa loob ng showbiz, lalo na ng mga close sa kanila, alam na nila sa simula pa lang ang tungkol dito.

Saad niya, “Noong na-feel namin na it’s about time na ipaalam na namin sa public…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, napapansin na rin naman at baka sabihin pa sinungaling kami, inamin na namin—wala namang masama.

“Inilihim namin noong una kasi, siyempre, sa career din. Na bago kaming parehas.

"Nakakatakot kung ano ang magiging reaksiyon ng mga tao, ano ang sasabihin nila.

“Baka mamaya, may negative comments.”



COMMITMENT. Paano kung may i-groom talaga na ka-loveteam si Kristoffer at hilingin ng management na i-out muna niya sa kanyang buhay si Joyce. Ano ang gagawin niya?

Tugon niya, “Kung mangyayari yun… kasi parang pinakialaman na ang personal kong buhay, e.

“Siguro kapag ganoon, hindi ako papayag.

“Kasi ngayon naman, napapagsabay namin yung relationship namin, yung personal namin, sa trabaho namin.

“At saka alam naman namin yung aming stand sa relationship na ito, e.

“Parehas lang yung commitment namin sa isa’t isa sa commitment namin sa trabaho.

“At saka ang GMA naman, tanggap iyon, e. Supportive din naman sila.

“Pero yun lang, sabi nila, ‘Trabaho, trabaho.’”



ANOTHER PARTNER. Natutuwa rin si Kristoffer na finally ay nabigyan na ng tsansa si Joyce na maging isa sa mga bida ng remake ng Anna KareNina.

“Nakaka-proud!” bulalas niya.

“It’s about time, proud ako.

"Kasi pinaghirapan niya kung anuman ang estado niya sa kanyang career ngayon. And she deserves it.”

Si Hiro Magalona ang kapareha ni Joyce sa Anna KareNina at okay lang daw iyon kay Kristoffer.

“Iisa kami ng manager ni Hiro, so matagal ko na rin siyang kilala.

“At saka work yun, e.

“Sinasabi ko nga sa kina Hiro at Joyce, ‘Galingan ninyo, kailangang mapansin ang loveteam ninyo.’

“Si Hiro, kinakausap ko rin. Sinasabi ko na huwag siyang matakot sa akin, trabaho yun at wala yun sa akin.

“Kasi may naikuwento sa akin si Joyce na sa pictorial nila, si Hiro daw, parang natatakot na dumikit sa kanya, parang naiilang.

“Siguro daw, dahil alam niya na kami ni Joyce."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya hinahangad na maging magkapareha rin sila ni Joyce?

Sagot ni Kristoffer, “Nagwi-wish din, gusto ko rin siyang makatrabaho, e.

“Kasi, iba yung alam na ng tao na kami na, baka iba na yung pagtanggap.

“Iba na rin yung alam namin kung ano yung paghuhugutan namin ng acting namin.

“At kung paano namin bibigyan ng justice yung role na ibinigay sa amin kung sakaling pagsasamahin kami.”

Iba raw ang feeling nila ngayong lantad na ang relasyon nila ni Joyce.

“Masarap ang pakiramdam na free kayo, na puwede naming sabihin yung mga nararamdaman namin in public.

“Okay lang, basta hindi naaapektuhan yung trabaho.

“Alam naman namin pareho na hindi darating sa ganoong punto na maaapektuhan ang trabaho.

“Kasi nga, naiintindihan namin ang isa’t isa.

“Sa two years na relasyon namin, so far wala pa naman kaming nararamdaman na nagiging sagabal yung relationship sa career.

“Nagsisilbi pa nga itong inspirasyon namin na mas pagbutihin pa ang aming trabaho,” pahayag ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN