Robin Padilla’s U.S. visa application denied again; Mariel Rodriguez questioned by U.S. Immigration

Muli na namang na-deny ang U.S. visa application ng aktor na si Robin Padilla dahil sa pagkakakulong niya noon. Gusto sanang samahan ni Robin ang asawang si Mariel Rodriguez sa Amerika dahil sasailalim sa heart surgery ang ama nito.


Matagal nang nag-a-apply si Robin Padilla ng kanyang U.S. visa pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang dini-deny.

Ayon sa ulat ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5, kagabi, June 20, nakiusap si Robin na pagbigyan na ang kanyang matagal nang kahilingang makakuha ng visa.

Sabi ng aktor, “Kay Uncle Sam, ako naman ay may dugo ring Amerikano, intindihin mo naman ako, wala naman akong binabalak na masama sa America, I love America, God Bless America.”

Ang pagnanais ni Robin na mabigyan ng U.S. visa ay alinsunod sa biglaang paglipad ng asawang si Mariel Rodriguez sa Amerika kahapon para personal na masamahan ang ama dahil sasailalim ito sa operasyon sa puso.

Bukod sa masamahan ang asawa sa biyahe, isa rin daw sa pinakaimportanteng sadya sana ni Robin sa Amerika ay ang makita ang ama ng asawa na hindi pa niya nakikilala nang personal.

Sabi ni Robin, “Ang magkita kami ng tatay niya, yun lang naman ang hangad ng asawa ko—ang magkita kami ng tatay niya at pormal kong mahingi ang mga kamay nung dalaga niya.”

Matatandaang simula nang nakalabas si Robin sa kulungan noong 1998, dahil sa illegal possession of firearms, makailang beses na siyang nag-apply ng visa ngunit lagi itong nade-deny.

Last year, na-deny rin ang kanyang U.S. visa application kaya hindi rin niya nasamahan si Mariel sa TV5 launch sa Amerika.

Na-deny rin noon ang visa application ni Robin sa Saudi Arabia kaya hindi siya nakasama sa show nila ni Pops Fernandez.

Sa kanyang Instagram account na robinhoodpadilla, sinabi ng aktor na, “Denied po ako ng US visa kaya hindi ako nakasama kay mariel sa pagdalaw sa kanyang mahal na Ama.”

MARIEL QUESTIONED BY HOMELAND SECURITY. Pakiramdam daw ni Robin ay nadamay ang kanyang asawa sa isyu sa kanya ng embahada dahil tatlong oras daw na na-question si Mariel sa Immigration office pagdating nito sa airport sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma ito mismo ni Mariel sa News5.

Sa mensahe nito sa reporter na si MJ Marforie, pabirong sinabi ng TV host na "feeling VIP" siya pagdating sa airport dahil inabangan siya ng Immigration officers sa labas mismo ng eroplano.

Ani Mariel, “Hello MJ!!! Yes I was questioned hehehe they were waiting for me outside the plane, akala ko vip ako. Hahaha.”

Dagdag pa ng Wowowillie co-host, “Funny part is I’m a US citizen hehehe ϑ of course okay pa rin…delayed 3 hrs na homeland security pa only means I will have a great trip ϑ”

Sa kabila ng abala, pinagtatawanan na lang daw ito ni Mariel.

Samantala, sa huling post ni Mariel sa kanyang Instagram account na marieltpadilla, ipinakita nito ang isang larawang kasama ang kanyang kapatid at ama na nakahiga sa isang hospital bed.

Sabi ni Mariel, “The main purpose why we went to the states. Pls pray for my dad. He is undergoing heart surgery now. Thanks!!!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN