Jennylyn Mercado says third FHM cover is her last: “Tama na ‘yan, dulo na ‘yan. Susunod diyan, balot na ulit!”

Patuloy ang advocacy ni Jennylyn Mercado para pangalagaan ang kalikasan. Saad niya, “Hindi lang yung dagat, pati yung kabundukan, yung rainforest natin, so hangga’t mas maaga, hangga’t meron pa at kaya pang i-save, e, isi-save natin yun.”


Nag-autograph signing si Jennylyn Mercado para sa FHM Philippines kung saan siya ang latest cover ng nangungunang men’s magazine.

Nakihalubilo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa event na ginanap sa Robinsons Galleria last Saturday, June 15.

Kahit na pangatlong beses na niyang mag-cover pictorial para sa FHM, inamin ni Jennylyn na ang latest pictorial niya sa men’s magazine ay sexiest niya ever.

“Yes, ito na. Sobra na ‘yan, ha? Tama na ‘yan, dulo na ‘yan. Susunod diyan, balot na ulit!”



SEXY MOM. Pahiwatig ba niya na sexy pa rin siya kahit may anak na siya?

“Parang ganoon, e. Kasi ano, e, para lang mai-share natin sa mga tao!” natatawang sagot niya.

Dagdag ng Kapuso star, “Sa mga nagmamahal din sa ating mga fans na minsan-minsan lang tayo magpo-pose ng ganyan, habang kaya pa, e, go!”

Paano ba siya napapayag ng FHM na mag-cover ulit?

Saad niya, “Unang una, maganda yung concept.

“Pangalawa, yung grupo namin—mula sa photographer, sa hairstylist, sa make-up artist, sa stylist—talagang yun yung favorite group ko kaya umoo agad ako.”

Bago pa siya mag-pictorial ay sinabi ni Jennylyn sa nobyong si Luis Manzano na magpo-pose siya sa FHM at umoo din daw ito.

Aniya, “Oo, very supportive siya.”

Nakita na rin daw ng kanyang anak na si Alex Jazz ang magazine.

“Oo nakita na niya, pero hanggang labas lang.

“Kasi, baka pag mahawakan niya, bubuklatin niya at kung anu-ano ang makikita nung bata.”

Binanggit na rin ni Jen na hindi pa nila pinag-uusapan ni Luis ang pagpapakasal.

Sa ngayon ay ini-enjoy lang daw muna nila ang kanilang samahan.

“Hindi pa naman, kasi masyado pang maaga.”

Palaging nasa FHM Top 100 Sexiest Women si Jen, pero hindi na siya makakarampa para sa party nito.

Sabi niya, “Ano lang, pasalamat lang ako sa mga sumusuporta sa akin, kasi sila yung nagkakandaugaga sa pagbu-vote talaga sa akin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman, mapasama o hindi, okay lang kasi alam ko naman na…

“Tanggap ko na rin sa sarili ko na ako’y isang ina, at talagang marami pang deserving diyan, di ba?”



ADVOCACY. Isa sa mga pinagkakabalahan nina Jennylyn at Luis ay ang advocacy nila para sa kalikasan.

Kuwento ng actress-TV host, “Para sa DENR [Department of Environment and Natural Resources], kaming dalawa doon.

“Ito yung Champion of the Coral Reefs.

“Nangunguha kami ng crown of thorns. Sila yung nangangain ng mga corals, so nangunguha kami ng mga ganoon—basura, ganoon.”

Bakit napili nila ang ganitong klaseng advocacy?

Sagot ni Jennylyn, “Bakit hindi? Kasi, di ba, kumbaga ngayon, nasisira na yung environment natin?

“Hindi lang yung dagat, pati yung kabundukan, yung rainforest natin, so hangga’t mas maaga, hangga’t meron pa at kaya pang i-save, e, isi-save natin yun.”



STAYING POWER. Si Jennylyn ang kauna-unahang female winner ng artista search ng GMA-7 na StarStruck.

Ano ang sikreto niya at bakit hanggang ngayon ay in-demand pa rin siya?

Sagot niya, “Ako ngayon, kahit papano, nag-aaral pa rin ako ng craft ko—nagwo-workshop.

“Talagang pinag-aaralan ko pa rin yung mga gusto kong gawin sa industriya.

“At siguro, sa suporta na rin ng mga fans, dahil hindi talaga sila nawawala.

“In fairness sa kanila, talagang simula, umpisa, hanggang ngayon, talagang hindi sila bumibitaw.”


Sunday All Stars na lang ang existing show ni Jen sa kanyang home network.

Pero masaya niyang ibinalita na malapit na daw ulit siyang mag-host ng isang show.

Aniya, “Ano siya e, reality show siya, daily siya Monday to Friday.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN