The Voice coach Lea Salonga on bashers who tag her on Twitter: "It’s like taking a dump then asking me to look at it. Rude."

Hindi pinalampas ni Lea Salonga ang pambabatikos sa kanya ng ilang bashers at haters sa social networking sites kaugnay ng pagiging coach niya sa The Voice. Bagamat tanggap niya na mayroon talagang hindi magkakagusto sa kanya, ang hindi niya matanggap ay ang pagta-tag pa sa kanya ng mga hindi magagandang komento.


Simula pa lang ng reality talent search ng ABS-CBN na The Voice of the Philippines ay nagkaroon na ito agad ng ingay dahil sa “haters” at “bashers” sa social media ng isa sa apat na coaches ng show na si Lea Salonga.

Ang iba pang kasamang coach ni Lea ay sina Sarah Geronimo, Bamboo Mañalac, at Apl.de.ap.

Ngunit hindi naman pinalagpas ng Tony Award-winning singer-actress na sagutin ang ibang haters at bashers niya.

Nagsimula ang lahat nang may nagsabing “overacting” siya bilang isang coach sa local franchise ng The Voice.

Nag-tweet si Lea sa magkasunod na araw bilang sagot sa kanyang mga haters at bashers.

Hindi raw nagustuhan ni Lea ang pagta-tag sa kanya ng mga basher na ito.

Sabi niya noong June 16: “Why tag me if you have nothing nice to say? Stop it. You’re just being rude.”

Noong June 17 naman ay ito ang mensahe ni Lea: “Haters gonna hate, and that’s fine and good. But don’t tag me. It’s like taking a dump then asking me to look at it. Rude.”

THE REVIEW. May isang veteran journalist naman ang nag-review ng dalawang unang episodes ng The Voice of the Philippines at na-single out niya si Lea sa kanyang obserbasyon sa show.

Ang nagsulat ng review ay si Inday Espina-Varona, dating city editor ng The Manila Times at dating field reporter ng Visayan Times. Naging stringer din siya for Agence France Presse, isang French news agency. Ngayon ay meron siyang sariling blogsite (indayvarona.wordpress.com).

Ito ang isinulat niya tungkol Lea sa The Voice of the Philippines last June 16:

“Lea’s TV projection helps explains her frustration at not being able to win over Filipino showbiz patrons.

“She’s wrong in saying Pinoys don’t appreciate her voice. But what can stun a theater audience comes out a tad too loud and OA on the boob tube. Something’s just lost in the transmission.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Speaking of Lea, I finally get why she seemed so awkward in the opening show’s grand performance or even when she’s trying to show us she’s a gal who can jive. She ain’t got rhythm. It’s as simple as that.

“She can’t dance to save her life. She’s a musical genius, a singer with a voice of exceptional purity and a theater artist idolized in West End and Broadway.

“But Lea sways and grinds to a count only she can hear.”

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may nais ipahayag si Lea kaugnay ng rebyung ito ni Varona.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN