Dennis Trillo and Tom Rodriguez overwhelmed by success of their "loveteam" on My Husband’s Lover

My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg"> My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg"> My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg">

My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg"> My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg"> My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg"> My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg">

Hindi maipagkakaila na lumikha ng kakaibang ingay ang "tambalan" nina Dennis Trillo (kaliwa) at Tom Rodriguez dahil sa pagganap bilang dalawang lalaking nagmamahalan sa GMA-7 primetime series na My Husband’s Lover.


Isa sa pinakamainit na “tambalan” ngayon sa telebisyon ay ang kina Dennis Trillo at Tom Rodriguez na mga bida sa primetime series ng GMA-7 na My Husband’s Lover.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng loveteam sa Pilipinas na parehong lalaki—ang TomDen. Sa teleserye ay gumaganap sila bilang dalawang lalaki—isang closet gay at isang openly gay—na nagmamahalan.

Nag-guest kamakailan sina Dennis at Tom sa radio program ni German “Kuya Germs” Moreno sa dzBB, kasama ang Badingdings, at game na game sumagot ang dalawang aktor.

Narito ang kabuuan ng kanilang panayam:

Kuya Germs: Ano’ng pakiramdam sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa show ninyo?

Dennis: “Sa totoo lang, Kuya Germs, nakakapagtaka na nakakagulat dahil hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.

“Kasi, alam mo yun, na dalawang lalaki na umaarteng bading tapos ganun yung reaksiyon ng mga tao.”

Tom: “Nagulat nga kami ni Dennis nang kumanta kami sa Sunday All Stars, kasi akala namin kakantahin lang namin yung theme song.

“Tapos nung kinakanta na namin yung theme song, nagulat kami kasi yung mga tao, pagpasok pa lang namin, nagsisigawan yung mga tao na ‘Kiss, kiss!’

“Natatawa kami sa sinasabi nila, kasi pareho kaming lalaki. It`s very flattering.”

Kuya Germs: Pinag-isipan niyo bang mabuti or pinag-usapan niyo ba yung mga ikinikilos niyo sa bawat eksena para mas maging makatotohanan?

Dennis: “Binabasa lang namin yung script at inilalagay lang namin yung sarili namin doon sa role, para maganda yung kakalabasan nung mga eksena na magkasama kami.

“Wala namang pag-uusap na nangyayari. Kung ano yung kinakailangan sa role, yun yung ginawa namin.”

Kuya Germs: Ano sa tingin niyo ang gustong iparating ng My Husband’s Lover sa mga tagasubaybay ng hit show niyo na ito?

Tom: “Siguro, Kuya Germs, ipinararating ng show naming ito na pag umiibig ka, hindi namimili ng gender—lalaki man o babae ka, tomboy o bakla.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dennis: “Tsaka ang layunin ng show namin ay yung ipakita yung nararamdaman ng isang tao—mapa-lalaki man o babae, maging bading o tomboy.

“Gusto lang naming ipakita sa mga viewers ng My Husband’s Lover yung purest form of love.”

Tom: “Katulad nga ng sinabi ni Dennis na gusto naming ipakita yung tunay na pagmamahal, na kahit sino yung makaramdam, posibleng maging dalisay at makatotohanan pa rin siya.

“Pag umiibig ka, walang pinipiling kasarian, basta andun ang love sa bawat isa.

“Yung struggle ni Vincent [Tom’s character], dun ko natutunan na mahirap pala talaga kapag nagsisinungaling ka sa sarili mo, yung may itinatago ka.

“Mararamdaman at mararamdaman mo yung pressure.

“Nung time na nasa set ako bilang si Vincent, naramdaman ko talaga yung pinagdadaanan niya.

“Yung maa-advice ko lang, huwag kayong magsisinungaling sa sarili niyo.

“Kung ano yung nararamdaman niyo, ilabas niyo, be true to yourself.

“Mas magiging masaya at magaang ang buhay mo kapag totoo ka sa sarili mo.”

Badingdings: Ano ang masasabi niyo doon sa mga lalaking pagkatapos mahalin ng bading at ibigay ang lahat ay biglang lolokohin lang?

Dennis: “Katulad ng role ko [bilang Eric]… yung role ko kasi sa My Husband’s Lover, martir talaga siya, e. Hindi siya maka-move on kasi nagmahal siya nang totoo.

“Ang importante dito, hindi ka magiging masaya kapag hindi ka malaya, yun ang importante dun.”

Tom: “Nung nag-research ako, marami akong ganung kuwentong naririnig.

“Ang ikinaganda lang ng kuwento ng show namin e nakaka-inspire ito sa mga manonood.

“Kasi dito mo talaga makikita na dalawang tao na nagmamahalan.

“Puwede kang humanap ng totoong pag-ibig na hindi panandalian lang at mamahalin ka nang buong-puso at walang halong panloloko.

“Siguro kailangang humanap ng isang taong magmamahal talaga sa ‘yo at tatanggapin ka kung sino ka man.

“Ang mahalaga, humanap ka na lang ng taong tuwid yung mamahalin ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap kasi na makahanap na… gagamitin ka lang at dahil may kailangan lang sa ‘yo. Wala naman silang maidudulot na maganda.

“Kasi ang isang relasyon, dapat hindi lang isa ang nagbibigay, dapat dalawang tao.

“Dapat two-way, dapat nagbibigayan.

“Kailangan patas lang. Kapag may nagbibigay, may tumataggap, at vice versa.

Badingdings: If ever ba na may isang beki [bading] na magkakagusto sa ‘yo [Tom] in real life at mamahalin ka nang totoo, may chance bang maging kayo?

Tom: “Sa akin kasi, hindi ko masasabi nang patapos kasi hindi ko naman alam ang mangyayari.

“Kung para sa akin lang, hindi ko kasi ma-imagine yung sarili sa ganung klaseng relasyon at hindi pa naman nangyayari ito sa akin.

“Mas pangit kasi pipilitin mo ang sarili mo na mahalin siya kahit hindi mo naman siya mahal.

“Mas magandang ibigay mo na lang siya sa ibang tao na totoong magmamahal sa kanya, nandun na puwede naman siyang mahalin nang totoo at wagas.

“Ba’t ikaw pa ang sasalo na hindi mo naman siya mahal? Ba’t magsisinungaling ka na alam mo naman kung ano ang totoo?

“Makakasakit ka lang ng tao sa gagawin mo.”

Kuya Germs: Dennis, kung saka-sakaling magkaroon ka ng kapatid na bading, paano mo tatanggapin bilang kapatid?

Dennis: “Hindi ko siya tatratuhin na iba, kasi kapatid ko naman siya. Kailangan ko siyang tanggapin dahil hindi naman niya kasalanan yun. Wala rin naman masama kung naging bading siya.”

Kuya Germs: Pero may ibibigay ka bang advice sa kanya? Ano ang advice na ibibigay mo sa kanya?

Dennis: “Siguro ia-advice ko lang sa kanya na mag-ingat siya sa mga magiging karelasyon mo.

“Dapat hanapin mo yung talagang totoong tao na mamahalin ka, hindi lang sa guwapo siya kaya mo nagustuhan.

“Ang importante mahal ka niya, hindi yung dahil mahal ka niya sa pera mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan yung unconditional love ang ibigay niya sa ‘yo.”

Kuya Germs: How about you, Tom?

Tom: “Sa akin, sasabihin ko sa kanya na hindi kapansanan ang pagiging bakla, basta mabuti kang tao.

“Mas masama kung straight ka nga, pero luko-luko ka naman at sakit ng lipunan.

“Ignorante ako sa ganitong klaseng kuwento, pero dahil sa My Husband’s Lover, nalaman ko na may maganda palang kuwento ang kakaibang pag-iibigan ng dalawang taong may parehong kasarian.

“Yun nga, love is love kahit ano ka mang gender.”

Dennis: “Nakakatuwa, Kuya Germs, na pinagsasaluhan ng magkakaibigan, pamilya o magkakamag-anak yung panonood ng My Husband’s Lover.

“Wala ding pinipiling kasarian yung nanonood ng show namin, kaya naman nakakatuwa at nagugustuhan nila yung itinatakbo ng istorya ng show naming ito.

“Dahil sa kanila ito kung bakit kami naririto at kung bakit maganda yung resulta ng show namin—dahil na rin sa panonood nito at walang sawang pagtutok gabi-gabi.”


Kuya Germs: Sa set, habang kinukunan kayo, hindi ba kayo nakakaramdam ng kakaibang reaksiyon sa mga staff na nanonood sa inyo?


Tom: “Dati, parang normal lang; pero ngayon, meron.

“Kaya nga dyinu-joke namin sila na, ‘Teka, teka, bakit kinikilig kayo?’ Tapos magtatawanan na lang sila.

“Iniisip ko na lang na tama yung ginagawa namin ni Dennis kasi pati yung mga tao sa paligid namin, naaapektuhan sa ginagawa namin.”

Dennis: “Yung mga cameraman, kapag may ginagawa na kami ni Tom, nakikita namin natatawa na may halong kilig.

“Kaya feeling ko, effective naman yung ginagawa namin, kasi pati sila apektado din.

“Tapos merong pagkakataong pag may nakakakilig na eksena kaming dalawa, kitang-kita namin yung reaksiyon ng mga taong naroroon na kinikilig din. At after ng eksena, nagpapalakpakan sila.

“Lalo na’t napapaligiran din kami ng mga bading sa set. Hahaha!

“Yung mga makeup artist, sinasabi na kapag may mga eksena kaming hindi nila kayang tingnan, ibig sabihin daw effective yung ginagawa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila mismo, sa taping pa lang, mararamdaman mo na yung tensiyon nila, yung excitement na nararamdaman nila.”

Kuya Germs: Kapag lumalabas kayo, do you feel any difference kapag magkasama kayong dalawa?

Tom: “Sa akin po, sobrang naninibago ako.

“Besides, yung sinalihan kong reality show dati [Pinoy Big Brother], hindi ko naramdaman yung ganitong klaseng pagtanggap ng mga tao, yung ganitong klaseng reaksiyon na every time na makikita ka nila, magtitilian sila.

“Masarap yung feeling, nakaka-overwhelm… hindi ko ma-explain.”

Kuya Germs: Anong mensahe niyo sa mga viewers na nanonood ng My Husband’s Lover?

Dennis: “Maraming salamat po sa lahat ng sumusubaybay ng My Husband’s Lover, sana po tutukan niyo pa lagi gabi-gabi.

“Basta marami pa kayong aabangan na matitinding eksena, kaya maraming salamat po, thank you very much.”

Tom: “Ako po, nagpapasalamat ako ng marami sa mga sumusuporta ng My Husband’s Lover na talaga, lahat po ng ginagawa namin, kumbaga pagtatrabaho at paghihirap na mapaganda yung show namin, para sa inyo pong lahat ‘yan.

“Nagpapasalamat kami dahil kung wala kayo ay hindi magiging maganda ang resulta ng show namin.

“Kayo po ang nagpapaandar ng show namin sa mga Twitter, sa radio…

“Kayo po ang may gawa nun kaya maraming-maraming salamat. Sana patuloy niyo kaming suportahan.”

My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg"> My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg"> My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg">


My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg"> My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg"> My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg"> My Husband’s Lover" data-url="https://www.pep.ph/news/39193/dennis-trillo-and-tom-rodriguez-overwhelmed-by-success-of-their-loveteam-on-my-husband39s-lover" data-desc="Tom Rodriguez: "Love is love kahit ano ka mang gender.”" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e705066f0.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN