Dion Ignacio recounts highlights of Singapore trip; narrates: “Nag-isip-bata ako doon. Tapos, picture ako nang picture.”

Dion reveals what else he did in Singapore in-between tapings: “Ang ganda rin ng Marina Bay Sands. Tapos sa Lucky Plaza, nag-shopping kami dun. Bumili ako ng gadgets, at ang daming Pilipino. Parang Greenhills yata ng Singapore iyon e, ang daming Pinoy. Konti lang pinamili ko dun, sapatos tapos gadgets lang, yung PS Vita, tapos mga CD nun, mga bala. Tapos mga chocolates sa Duty Free. Ganun lang, simple lang din. Dapat dun marami kang pera pag pumunta, e. Konti lang dala ko kasi


Nagkuwento si Dion Ignacio tungkol sa pinakauna niyang biyahe sa Singapore kamakailan kung saan nag-taping ang GMA-7 afternoon series na Maghihintay Pa Rin.

Kasama si Dion sa nasabing serye na pinagbibidahan din nina Bianca King at Rafael Rosell.

Ang una raw niyang naramdaman habang nasa eroplano siya patungo sa naturang bansa…

“Siyempre excited ako, tapos wala akong idea kung ano ang mangyayari pagdating ko doon, kung ano’ng mga gagawin ko.

“Ang alam ko lang pagdating namin doon, taping na agad... so iyon, nangyari naman kaagad, pagdating namin sa airport, taping naman talaga kaagad,” at natawa si Dion.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dion nitong nakaraang Huwebes, June 20, sa taping ng Maghihintay Pa Rin sa De Ocampo Hospital sa Nagtahan, Manila.

LIKE A KID AGAIN. Iba raw ang naging pakiramdam ni Dion pagbaba pa lang niya sa airport sa Singapore.

“Parang iba sa paningin ko, ang ganda ng lugar, sobrang linis, ang gaganda ng structures ng building.

“Mainit, pero presko, walang usok, na-miss ko ang mga langaw... doon walang langaw e,” at muling natawa ang young male star.

Nakapamasyal din daw siya.

“Nagpunta kami sa Universal [Studios], nakasakay ako mga tatlong rides lang pero okay na sulit na, ang ganda kasi, e.

“Ang ganda kasi nung Transformers e, ’tsaka nung The Mummy,” bulalas pa ni Dion.

“Nag-isip-bata ako doon. Tapos, picture ako nang picture.

“Ang ganda rin ng Marina Bay Sands. Tapos sa Lucky Plaza, nag-shopping kami dun.

“Bumili ako ng gadgets, at ang daming Pilipino. Parang Greenhills yata ng Singapore iyon e, ang daming Pinoy.

“Konti lang pinamili ko dun, sapatos tapos gadgets lang, yung PS Vita, tapos mga CD nun, mga bala.

Tapos mga chocolates sa Duty Free. Ganun lang, simple lang din. Dapat dun marami kang pera pag pumunta, e. Konti lang dala ko kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka hindi rin makapamili kasi puro taping, isang araw lang yung libre,” patuloy niyang kuwento.

May mga Pilipino raw na nakilala si Dion at nilapitan siya at nagpakuha ng litrato kasama siya.

“Tapos naglalakad kami sa Orchard [Road], wala, hindi ako pinapansin,” sabay tawa muli ni Dion.

Inamin ni Dion na nanibago siya sa Singapore.

“Kasi siyempre Singapore e, parang ang laya mo. Nanibago ako, parang kahit tumambling ako, walang papansin. nakakatuwa.”

WORK AND TRAVEL. Ikinatuwa rin daw ni Dion na ang una niyang pangingibang-bansa ay pinaghalong trabaho at pamamasyal.

Bilang si Orlando na magiging kaagaw ni Kiko (Rafael) sa pag-ibig ni Geneva (Bianca), magtatrabaho sa Singapore sina Orlando at Kiko.

“Ang totoo niyan, isinama ko siya dahil yung nanay ni Rafael [Tanya Gomez] dito, may sakit so kailangan ng pang-opera, siguro ang kailangan niya isang milyon. Kaya sinama ko siya para makatulong

“Ako, sa kuwento, pabalik-balik na ako sa Singapore. Si Kiko, first time. Mas may experience ako sa Singapore kaysa sa kanya.

“Pero sa totoong buhay, first time ko lang pupunta so uma-acting ako na akala mo sanay na ako pero hindi,” at tumawa muli si Dion.

At sa tunay na buhay rin, si Rafael ang kung ilang beses nang nagpapabalik-balik sa Singapore.

Sa kuwento pa rin ng Maghihintay Pa Rin, bilang isang overseas Filipino worker ay magtatrabaho muna si Kiko o Dion sa barko at pagkatapos ay malilipat bilang kitchen staff sa isang hotel sa Singapore.

Nag-enjoy daw si Dion sa taping nila sa naturang bansa; wala naman daw eksena na nahirapan siya.

“Normal lang. Wala namang masyadong mabigat, selos-selos lang, ganun.”

Gusto raw ni Dion na bumalik sa Singapore.

“Kasi may tropa ako dun e, mag-asawa... dun nagtatrabaho.

“Puwede raw ako mag-stay sa tinitirahan nila, kaya baka makabalik ako doon, e. Bakasyon naman. Tapos dadalhin daw nila ako sa Malaysia at sa Indonesia. Bus lang daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya babalik ako doon, pero mag-iipon muna ako, parang libre ko rin sa sarili ko pagkatapos ng pagod,” pangako niya sa sarili.

WORKING WITH BIANCA AND RAFAEL. May pressure ba sa kanya na sina Rafael at Bianca ang ka-love triangle niya?

“Natsa-challenge siguro, kasi first time ko sila nakatrabaho pareho.

“So, pag kaeksena ko naman sila, may pressure pero pag nag-eeksena na, ramdam mo yung hindi mo nakikita si Bianca, nakikita mo yung character niya.

“Si Rafael nakikita mo yung Kiko talaga. So sasabayan mo sila, iyon lang. Maging in-character ka lang sa lahat ng scenes para maganda yung trabaho, iyon yung napansin ko,” saad niya.

SUNDAY ALL STARS. Ang ilang mga artista na produkto ng artista search na StarStruck ay kasama bilang regular performers/hosts ng Sunday All Stars, pero sa kasamaang-palad, hindi sinuwerte si Dion na mapabilang sa bagong weekend noontime variety show.

Hindi naman daw ikinalungkot iyon ni Dion.

“Ige-guest naman nila ako doon e,” at tumawa si Dion.

“’Tsaka hindi na rin kaya kasi halos araw-araw ang taping namin dito sa Maghihintay Pa Rin. Kaya siguro guesting, ganyan, ilalagay pa rin.”

NEXT STOP? Ngayong nakapunta na siya sa Singapore, ang bansa o lugar na gustong puntahan ni Dion sa susunod ay…

“Siguro Hong Kong. Kasi mura daw doon e, yung mga bilihin, gusto kong mag-shopping,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN