Karel Marquez on being asked if she has found a new love: “Basta happy ako!”

Karel on her "happy" state of mind: “I don’t need to make an announcement. Tama na itong nakikita ninyo akong masaya at hindi miserable sa buhay. I’m only 26-years old and I deserve din naman to ba happy, di ba? But of course, yung happiness, hindi lang para sa akin iyon. Kasama ang mga anak ko diyan. If someone is making me happy, kailangan ay happy rin ang mga anak ko. Hindi puwedeng ako lang because my kids are the reason why I am working so


Masuwerte si Karel Marquez dahil nakakalabas siya sa dalawang TV networks.

Sa kasalukuyan ay may primetime shows siya sa GMA-7 at TV5.

Sa Kapuso network ay kasama siya sa cast ng My Husband’s Lover kunsaan gumaganap siya bilang si Evelyn, ang nakatatandang kapatid ni Lally (played by Carla Abellana) na nagrebelde sa kanilang inang si Sandy (played by Glydel Mercado).

Sa Kapatid network naman ay kabilang siya sa cast ng Cassandra: Warrior Angel. Dito naman, siya si Louella, ang gagamitin ng mga maligno para mabigyan ng kakaibang kapangyarihan para malabanan si Cassandra (played by Eula Caballero).

“I’m thankful to both GMA-7 and TV5 for giving me work. Ilan lang yata kaming nabibigyan ng ganyang opportunity.

“Before I started naman with My Husband’s Lover, I was already in the cast of Cassandra. Wala naman naging problema dahil magkaiba naman ang role ko in both shows.

“’Tsaka mas earlier ang oras ng Cassandra. May audience na kasi kami na mga bata at gusto nila yung fantasy theme ng show.

“Yung My Husband’s Lover kasi medyo late na siya because of the sensitive theme on homosexuality.

“And magkaiba naman ang taping days ko sa dalawang shows kaya walang conflict.

“I made sure na walang masasagasaan sa anumang shows na ginagawa ko,” panimulang pahayag ni Karel nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng My Husband’s Lover kamakailan.

Mas mabigat nga raw ang role ni Karel sa My Husband’s Lover bilang rebeldeng anak. Sa pilot episode pa lang daw ay pinaiyak na raw siya nang husto ng kanilang director na si Dominic Zapata.

“Big scene kaagad ang pinagawa sa amin ni Direk Dom. Pinaiyak ako nang husto kasi nga lumayas ako rito at sumama sa lalaki na nakabuntis sa akin [played by Mike Magat].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami pa akong mga dramatic scenes sa series and I really enjoyed doing those scenes.

“Maybe because ma-drama talaga ang buhay ko kaya mas gusto ko yung mga iyakan na eksena.

“In fact, lahat naman ng gawin kong TV series, lahat pinaiiyak ako.

“The last one I did for GMA-7 was Yesterday’s Bride. Sa TV5, sunud-sunod ang mga nagawa ko from Babaeng Hampaslupa, Sa Ngalan Ng Ina and Isang Dakot Na Luha.

“I am more challenged kapag very complex ang role na binibigay sa akin,” pag-amin niya.

BALANCING ACT. Hindi nga raw madali para kay Karel na balansehin ang oras niya between her job as an actress at ang kanyang pagiging single parent sa kanyang dalawang anak.

Pero ginagawa naman daw ang lahat ni Karel para mabigyan niya ng quality time ang kanyang mga anak kahit na naglalagare siya sa dalawang TV shows.

“Hindi madali ang katayuan ko kasi. My kids are still very young. Naiiwan ko sila sa mga yaya nila or minsan kay Mommy [Pinky Marquez] kung hindi naman siya busy.

“As much as I want to be with my kids palagi, hindi possible because I need to really work for us.

“I am just lucky to have two shows at the same time— malaking tulong ’yan for me and my babies.

“But when I have free time, hindi puwedeng hindi ko kasama ang mga anak ko.

“I try to make up for the times na wala ako sa tabi nila.

“Naglalaro kami or pinapasyal ko sila sa mall. Basta happy lang kaming mag-iina.

“Kasi when I come home from taping, tulog na sila. Nakakausap ko lang sila when I call them sa bahay. Tapos the next day, kapag may maagang call time, hindi ko na sila naaasikaso.

“Mahirap mag-goodbye sa mga anak mo, e. But you have to get used to it dahil marami kang kailangang bayaran, mga pangangailangan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s why I always pray na laging bantayan ng guardian angels nila ang mga anak ko; na kahit wala ako sa tabi nila, they are protected.

“I know that one day, they will understand why I’m always not by their side; na lahat nang ginagawa ko ay para sa future nila,” dagdag pa ni Karel.

HAPPY AND INSPIRED? Ayaw magbigay ni Karel ng hint kung naka-move on na siya totally mula sa kanyang failed relationship sa ama ng kanyang dalawang anak.

Base sa mga ngiti ni Karel, mukhang inspired siya ngayon.

“Basta happy ako!” tawa pa niya.

“I don’t need to make an announcement. Tama na itong nakikita ninyo akong masaya at hindi miserable sa buhay.

“I’m only 26-years old and I deserve din naman to ba happy, di ba?

“But of course, yung happiness, hindi lang para sa akin iyon. Kasama ang mga anak ko diyan.

“If someone is making me happy, kailangan ay happy rin ang mga anak ko.

“Hindi puwedeng ako lang because my kids are the reason why I am working so hard.

“Kaya they also deserve to be happy like their mommy,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN