The PEP List 2013: Xyriel Manabat has narrow lead over Ryzza Mae Dizon in PEPsters’ Choice partial, unofficial tally

As of June 24, 2013, mayroon nang 660 votes na lamang si Xyriel Manabat (kanan) sa mahigpit nitong kalaban na si Ryzza Mae Dizon (kaliwa) para sa PEPsters’ Choice partial, unofficial results. Upang makaboto, mag-log on lang sa www.pep.ph/pep-list


Neck-to-neck ang labanan ng mga nominado pagdating sa Child Star of the Year sa male and female categories, habang hawak pa rin ni Gloc 9 ang kategoryang OPM Artist of the Year sa PEPsters’ Choice partial, unofficial tally as of June 24, 2013.

Hindi pa rin matinag si Ronaldo Valdez para sa Showbiz Treasure of the Year, habang patuloy ang pamamayagpag nina Kim Chiu at Xian Lim sa Celebrity Pair of the Year, at si Daniel Padilla naman ang patuloy na nangunguna para sa Breakthrough Artist of the Year.

Nalalapit na ang pagtatapos ng botohan para sa unang quarter ng PEPsters’ Choice, na isang component ng isinasagawang The PEP List 2013 ng PEP.ph.

Hanggang June 30, 2013 na lang ang botohon para sa PEPsters’ Choice first quarter, pero puwede pa ring iboto ang paborito ninyong artista at programa sa pamamagitan ng pag-log on sa www.pep.ph/pep-list.


CHILD STAR OF THE YEAR. Gitgitan ang labanan nina Xyriel Manabat at Ryzza Mae Dizon para sa Child Star of the Year category.

Hawak pa rin ni Xyriel ang unang puwesto with 59,918 votes (49.87%) at sumunod naman sa kanya si Ryzza with 59,258 votes (49.32%).

Nasa 3rd place si Mona Louise Rey with 950 votes o 0.79%.

Sa boys’ category naman, nasa unang puwesto si Bugoy Cariño with 14, 955 (50.82%) habang nasa 2ndplace si Zaijian Jaranilla with 13,602 votes (46.82%), at nasa huling puwesto si JB Agustin with 821 votes (2.79%).

OPM ARTIST OF THE YEAR. Isa siya sa maituturing na pinakabago sa mga nominado sa OPM Artist of the Year category pero patuloy ang pangunguna ni Gloc 9 sa partial at unofficial votes as of June 24.

Nakakuha si Gloc 9 ng 15,554 (40.76%), at pinataob niya sina Piolo Pascual na nasa 2nd place with 13,364 votes (35.02%), Gary Valenciano sa 3rd place with 5,409 votes (14.17%), Ogie Alcasid na nasa 4th place with 3,674 votes (9.63 votes), at Aimee Torres na nasa huling puwesto with 150 votes (0.39%).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SHOWBIZ TREASURE OF THE YEAR. Marahil, sanhi pa rin ng matagumpay na pag-ere ng Ina Kapatid Anak, hindi matinag sa unang puwesto si Ronaldo Valdez para sa Showbiz Treasure of the Year with 11,522 votes (43.26%).

Umakyat na sa pangalawang puwesto si Eddie Garcia with 7,310 (27.45%) at nasa pangatlo na lang si Joey de Leon with 6,914 votes (25.96%), habang nasa huling puwesto si Eddie Gutierrez with 883 votes (3.32%).

Sa female category naman ng Showbiz Treasure of the Year, hawak pa rin ni Gina Pareño ang unang puwesto with 11,511 votes (59.57%), at sinundan siya ni Gloria Romero with 5,860 votes (30.33%), Anita Linda with 914 votes (4.73%), habang nasa 4th place si Nova Villa with 798 votes (4.13%), at panghuli si Luz Valdez with 184 votes (0.95%).


BREAKOUT STAR OF THE YEAR. Para naman sa Breakout Star of the Year, hawak pa rin ni Daniel Padilla ang unang puwesto with 95,957 votes (78.73%).

Sinundan siya ng singer na si Angeline Quinto with 14,753 votes (12.11%), habang nasa ikatlong puwesto si Isabelle Daza with 10,018 votes (8.22%).

Nasa 4th place si BB Gandanghari with 614 votes (0.50%) at sa huling puwesto ay si Vin Abrenica with 525 votes (0.43%).

CELEBRITY PAIR OF THE YEAR. Patuloy naman ang pag-arangkada ng team-up nina Kim Chiu at Xian Lim para sa Celebrity Pair of the Year with 126,937 (84.91%).

Nasa second place ang team-up ng real-life sweethearts na sina Nikki Gil at Billy Crawford with 13,261 votes (8.86%) habang nasa 3rd place sina Toni Gonzaga at Paul Soriano with 4,482 votes (3.00%).

Nasa huling puwesto naman sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban with 1,382 votes (0.92%).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN