Julie Anne San Jose denies being restrained by GMA-7 to be close to Alden Richards

Ipinagmamalaki ni Julie Anne San Jose ang mga awards na natamo ng kanyang first album. Aniya, “Alam ninyo, sa part po ng artista, okay na po yung magka-album ka and yung mag-hit lang, e. Kaya, I think, this is more than enough for me.”


February this year nang tumanggap si Julie Anne San Jose ng Double Platinum award para sa kanyang self-titled debut album.

Kahapon, Sunday, June 23, sa Sunday All Stars (SAS), dalawang awards pa ang muling ibinigay sa kanya—Triple Platinum at Quadruple Platinum.

“Sobrang hindi ko po alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, pero sobrang natutuwa po talaga ako!” masiglang bungad ni Julie Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng SAS.

“And, ayun, feeling ko po talaga, sobrang blessed ako.

“Kasi hindi ko po ini-expect na aabot po ng Quadruple Platinum yung album ko.

“Alam ninyo, sa part po ng artista, okay na po yung magka-album ka and yung mag-hit lang, e.

“Kaya, I think, this is more than enough for me na… alam mo yun?

“Mas mahihigitan mo pa yung ini-expect mo talaga.

“At saka sobrang thankful po talaga ako.

"Ano… hindi po ang lahat ng ito mangyayari kung wala po yung mga taong sumusuporta sa akin—like yung family ko at saka yung fans ko.”



SECOND ALBUM. Excited naman ngayon si Julie Anne dahil tinatrabaho na niya ang kanyang second album.

“Yes! Actually, nasa listening sessions na po kami ngayon.

“And I actually did a composition. And hopefully, magkaroon po ako ng ibang mga compositions pa.

“And then, meron din po kaming mga revivals. And yun… a lot of original songs.

“So far, isa pa lang po ang nako-compose ko, e.”

Anong kanta ito?

“A… basta secret muna po! Secret muna po!” sabay tawa ni Julie Anne.

Tungkol saan ba ang kantang isinulat niya at ano ang mensahe ng lyrics nito?

“Basta po... it’s a love song,” matipid na pahayag niya.

May naging inspirasyon ba siya habang isinusulat ang composition niyang iyon?

“My family,” maikli niyang tugon.

Walang special someone na nag-inspire sa kanya?

“Wala po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GMA-7 POLICY? Dati nang nali-link si Julie Anne kay Alden Richards sa dahil sa nakikitang closeness nila. Kumusta na ba sila ngayon?

“A, wala po. Okay naman po kami. Friends naman po kami,” sagot ni Julie Anne.

Pero lately, hindi na sila nagkakausap?

“Siguro po, naging busy lang ako, naging busy rin po siya.

“So I think, uhm… yun.”

Marami ang nagtataka na mula sa pagiging very close, parang biglang nawala ang communication sa pagitan nila, pati ang pagti-text nila sa isa’t isa.

Kinausap ba sila ng GMA-7 management na iwasan muna nilang maging malapit sa isa’t isa para sa kapakanan ng kani-kanilang career?

Si Alden kasi ay ka-loveteam ni Louise delos Reyes sa primetime series na Mundo Mo’y Akin. Si Julie Anne naman ay identified sa tambalan nila ni Elmo Magalona

“Ay, wala po, wala pong ganoon,” pagsisiguro ni Julie Anne.

Pero bakit sa isang iglap ay biglang wala na lang yung nabuong closeness nila dati?

“Okay naman po kami, basta okay po kami,” nakangiting sabi ni Julie Anne.



UNDECIDED. Matagal nang walang project together sina Julie Anne at Elmo. Maging sa Sunday All Stars (SAS) ay hindi na rin sila magkasama.

Tuloy pa rin ba ang loveteam nila?

Sagot ng young singer, “A, yung loveteam po namin, it depends sa management po kung itutuloy pa rin po nila.”

Hindi na ba niya nararamdaman na sila pa rin ni Elmo as loveteam, lalo’t balitang karelasyon nito ngayon si Lauren Young?

“Uhm… hindi naman po sa hindi ko napi-feel.

“Kasi po, ano lang po… since wala nga si Elmo sa Sunday All Stars and sobrang bihira na po kaming magkita at saka magkasama sa work.

“So, ano po… depende naman iyon sa management, e, kung itutuloy pa nga po nila yung loveteam namin.

“And ako naman po, open naman po ako doon, if possible na magkaroon pa ulit kami ng project together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, yun! Wala naman pong kaso sa akin yun.”



NEW SOAP. Nami-miss na raw ni Julie Anne na sumabak ulit sa larangan ng pag-arte. Pero may binubuo na raw ngayon ang GMA-7 na bagong soap para sa kanya.

“Yeah, pinag-uusapan na po ngayon ang tungkol dito,” balita niya.

Sino ang makakasama niya rito? Si Elmo kaya?

“I don’t know yet, e. Pero sa management pa rin po yung desisyon,” sabi ni Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN