Senator Bong Revilla on Revilla-Marcos tandem in 2016 elections: “Anything is possible.”

Hindi isinasara ni Senator Bong Revilla ang pinto para sa posibilidad na pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections, at ang posibilidad na maka-tandem ang kapwa niya senador na si Bongbong Marcos.


Masyado pa raw maagang sabihin kung magiging ka-tandem ni Senator Bong Revilla, Jr. si Senator Bongbong Marcos sa presidential and vice-presidential elections sa 2016.

“Anything is possible,” sabi ni Bong sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News na lumabas ngayong araw, June 24.

Matatandaang ikinukunsidera ng Lakas Party si Bong na maging standard-bearer nito sa 2016 national elections.

Ayon sa actor-politician, una siyang natanong tungkol sa posibilidad na Bong-Bongbong tandem sa 2016 nang bumisita siya sa Ilocos Norte, ang balwarte ng mga Marcos.

“I said, ’Why not?’ Maaga pa naman. Wala pa kaming napag-uusapan ni Senator Bongbong.”

Hindi pa naman lubusang kinumpirma ni Bong kung tatakbo nga ba siyang Presidente sa 2016 o hindi, pero inamin naman nitong pinaghahandaan niya ang posibilidad sa pagpalaot sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno ng bansa.

Sa tanong kung paano niya ito pinaghahandaan, mas pinili ni Bong na huwag itong sagutin nang diretsahan.

Pero sinabi nitong may karampatang karanasan na siya sa public service para maging puhunan niya sakaling tumakbo nga siya.

Sabi niya, “I don’t want to be specific. Alam ko kung ano ang mga dapat kong paghandaan at kung ano ang aking mga kakulangan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN