Bamboo Mañalac says he is not yet an "institution"

Gusto raw ni Bamboo na maging natural ang kanyang kilos kaya ayaw niyang pinapanood ang sarili sa telebisyon.


Nagsama sa isang stage kamakailan ang kinikilalang premiere band vocalist ng bansa na si Ely Buendia (ng Eraserheads at Pupil) at dating band vocalist at ngayon ay solo artist na si Bamboo Mañalac (ng Rivermaya at Bamboo).

Pero pagbabahagi ni Bamboo, hindi naman ito ang ang unang beses na nagkasama sila ni Ely sa iisang stage.

Ilang buwan na ang nakalilipas ay nagsama na ang dalawa sa isang show sa Dubai.

Nag-react naman si Bamboo nang magkomento ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakatutuwang makita ang dalawang “institusyon” ng OPM sa iisang stage.

Sabi niya, “Man, I really don’t think about that stuff… I cannot.

“I don’t see that I’m [an institution].

"Just like I always say, I’m just in the moment. I’m just moving forward. I’m just playing my music.

“It’s always about what’s new for me, so what[ever] I have done, that’s my past, that’s been my life.

"But pushing, moving forward, that sort is my thing.

“That’s what defines what I do as an artist, as a singer, as a songwriter. That’s what I enjoy the most.

“It’s always what’s next, it’s about what’s next.”



WANTS TO BE NATURAL ON TV. Nakakailang episodes na ang The Voice of the Philippines na nagsimulang umere sa ABS-CBN noong June 15.

Pero ayon kay Bamboo, na isa sa mga judge/coach, hindi siya kumportable na pinapanood ang sarili sa telebisyon, kaya nang ipalabas ang The Voice of the Philippines Primer noong June 9 ay hindi siya nanood.

“I did not watch it because I don’t watch myself.

“I just get feedback from my friends, people that I trust. I asked them what happened and they told me how it went."

Paliwanag pa ni Bamboo kung bakit ayaw niyang pinapanood ang sarili, “I just don’t want to watch myself because I don’t wanna second-guess myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wanna be as natural as possible when I’m on camera.”

Ibig bang sabihin nito ay hindi manonood ng kanyang sariling show si Bamboo hanggang sa matapos ito?

“I’m sure I will, but I just have a hard time watching myself even on whatever TV show,” sabi niya.

Aniya, hindi siya ninenerbisyos na pinapanood ang sarili sa telebisyon.

“If I see something I don’t like, I might try to change, I might sort of change that.

“I don’t wanna be rehearsed. I wanna be as raw as possible. I wanna be in the moment as possible, so that’s my thing.

“And if I see myself, ‘Oh, man, you should have smiled here or whatever,’ or ‘You should have looked at this angle.’

“I’m like a filmmaker also. I majored in film so if I see something that I don’t like, things might run in my head, ayoko ‘yon.”

Depensa pa ni Bamboo ang reality-based singing competition naman ay hindi tungkol sa kanya, kundi tungkol sa mga contestant.

Samantala, masaya naman si Bamboo sa pagkakataong maging judge, kasama sina Sarah Geronimo, Apl de Ap, at Lea Salonga sa The Voice of the Philippines.

“I’m excited, I am very excited. Can’t wait for this to get going.

“It’s my chance to play coach, be a mentor, to be a coach.

“I’ve been here for so long, so it’s time to pay it forward.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN