Alden Richards: “Talagang zero time po ako kung panliligaw o lovelife ang pag-uusapan."

Excited na si Alden Richards na mag-shooting para sa MMFF 2013 entry na 10000 Hours. Mula sa direksiyon ni Joyce Bernal, makakasama niya rito sa unang pagkakataon si Robin Padilla.


Natutuwa raw si Alden Richards sa magandang feedback sa kanyang self-titled debut album, kung saan ang revival niya ng awiting “Haplos” ng Shamrock ang carrier single.

Lalo raw siyang ginanahan sa kanyang mga mall tour kaugnay ng promo nito.

Sabi ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kapag wala akong taping for Mundo Mo’y Akin, madalas po ay nasa mall tour ako at out of town shows."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Sunday, June 23.



10000 HOURS. Excited na rin daw si Alden na mag-shooting para sa pelikulang 10000 Hours, kunsaan bida si Robin Padilla at idinidirek ni Joyce Bernal.

Entry ito sa Metro Manila Film Festival 2013.

May leading lady ba siya sa 10000 Hours?

“Wala po, e. It’s… parang yung role ko po dito ay sa flashback nung story kaya hindi po kailangan ng love interest.”

Ano ba yung character na kanyang gagampanan?

“I’ll play the role of Gabriel, isa po siyang policeman na… martir.

“Yung itinataya lagi ang kanyang buhay to catch bad guys at magampanan ang tungkulin niya bilang isang law enforcer.

“Very different po siya sa mga nagawa ko nang roles before, malayo po talaga.

“And siguro po, mas may challenge ito, kasi mas seryoso.”

Ayaw munang banggitin ni Alden kung ano ang pagkakaugnay ng role niya sa character ni Robin na siyang bida sa pelikula.

“Kasi po, iyon yung parang surprise sa story. Na dapat, saka na lang mari-reveal kapag pinanood mo na yung movie.

“Ang first scene ko kasi, yung naghahabulan. Tapos, hindi mo alam muna kung ano ba ang nangyayari.

“Yung gano’n muna ang magiging feeling ng audience.”

First time ni Alden makakakasama sa trabaho si Robin. Hindi raw niya akalain na mabibigyan siya ng ganitong chance.

Paano siya napasama sa proyektong ito na iprinodyus ni Neil Arce?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Alden, “Sinabi lang po sa akin ng GMA Artist Center.

“And then… parang napag-usapan nga raw po nina Direk Joyce iyon na gusto po nila akong kunin as one of the stars dun sa movie.

“At yun nga po ang nilu-look forward ko—na makapagsimula na kami ng trabaho together ni Kuya Robin.

“Sa story conference po, mabait siya, e. Dun po kami unang nag-meet.

“At madali po siyang makapalagayan ng loob.”



MUNDO MO’Y AKIN. Labis ding ikinatutuwa ni Alden na mataas pa rin ang rating na naitatala ng Mundo Mo’y Akin sa primetime ng GMA-7.

“Malapit na po itong matapos,” pagtukoy niya sa soap na pinagtatambalan nila ni Louise delos Reyes.

“Ilang linggo na lang po ang taping namin at marami pong mga magiging revelations.

“Marami pang mangyayari—may mamamatay, may ikakasal. ‘Yan po ang mga aabangan pa ng viewers.

“After nito, hindi ko pa po alam kung ano ang next project ko sa GMA.

“So, habang naghihintay ng kasunod, baka po samantalahin ko na makapagpahinga muna sandali.

“Pero baka rin po ipapadala ako sa mga personal appearances abroad for GMA Pinoy TV. Or sa mga regional shows para sa mga promotion din.”

JULIE ANNE SAN JOSE. There was a time na napabalitang nagkakamabutihan na sina Alden at Julie Anne San Jose dahil sa kapansin-pansing pagiging malapit nila sa isa’t isa. Pero lately, parang nawala bigla ang closeness nilang ‘yon.

Bakit nga ba?

Sabi ni Alden, “Wala po muna. Trabaho muna po ang focus namin.”

Hindi ba sila kinausap ng management ng GMA-7 na iwasan nila na ma-link sa isa’t isa dahil na rin sa kanilang mga career?

Sagot ni Alden, “Hindi naman po. Siguro po muna… kanya-kanya muna po kaming dalawa.”



LOUISE DELOS REYES. Kung sabagay, may loveteam sila ni Louise na kailangan ding pangalagaan. Kumusta ba sila ngayon ng leading lady niya sa Mundo Mo’y Akin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun pa rin po, kagaya ng magandang samahan namin sa mga naunang soap na nagkapareha kami.

“Para na pong magkapatid ang turingan namin,” sabi ng young actor.

Sa tingin niya, naka-recover na ba nang tuluyan si Louise sa heartache na idinulot ng breakup nito kay Enzo Pineda?

“A… siguro naman po kasi nakikita ko naman po sa trabaho niya.

“At nakikita ko rin sa kanya kapag nasa set kami na okay siya.

“So, happy naman po ako na makitang okay siya. Mas madali ko siyang nakakatrabaho kapag okay siya, e.”

May mga tagasubaybay ng kanilang tambalan na umaasang magiging sila rin sa totohanan. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Hindi naman po natin maiiiwas sa kanila ‘yon.

“Pero talagang ako po… focused muna sa career. Wala munang lovelife.

“Masyadong mahirap magdesisyon nang bigla. Sayang yung chances at opportunities na dumarating.

“Talagang zero time po ako kung panliligaw o lovelife ang pag-uusapan.

“Wala pa po ‘yan sa priorities ko,” panghuling pahayag ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN