Julia Montes on renewing ties with ex-boyfriend Enchong Dee: "Wala namang nagsarang puso."

Muli raw nanumbalik ang samahan nina Julia Montes at Enchong Dee sa pagtatrabaho nilang ulit sa teleseryeng Muling Buksan Ang Puso. Ayon kay Julia, “Kumbaga, nawala yung ilangan namin. Unti-unting bumabalik yung friendship namin. Kung gaano katatag yung friendship namin, unti-unting bumabalik uli yun.”


Muling magsasama sa isang proyekto ang dating magkasintahan na sina Julia Montes at Enchong Dee.

Ito ay sa pamamagitan ng upcoming primetime series ng ABS-CBN na Muling Buksan Ang Puso.


Makakasama nila rito sina Enrique Gil, Pilar Pilapil, at Susan Roces. Mula ito sa direksiyon ni Manuel Palo.

Dati nang nagkasama sina Julia at Enchong sa mga pelikulang The Reunion at Strangers.


Bago magsimula ang shooting nila ng The Reunion ay hindi na nag-uusap ang dalawa, ngunit gumawa ng paraan ang ilang kaibigan ng dalawa para mag-usap sila. Pagkatapos nito ay naging okay na sila.


Pero "mid-October" last year ay tuluyan nang tinapos nina Julia at Enchong ang kanilang relasyonsa kabila ng hindi nila kailanman inamin na naging sila.

(Read: PEP SCOOP: Julia Montes and Enchong Dee break up)

THE WORKSHOP. Sa press visit ng Muling Buksan Ang Puso sa Baras Church kahapon, June 24, umamin si Julia na malaki ang naitulong ng bago nilang TV assignment para magkalapit ulit sila ni Enchong.

Saad ng young actress, “Good thing talaga na because of this project, na nawala yung ilangan namin sa isa’t isa.

“Lagi naming sinasabi na wala naman kaming itinatago, e.

“Pero yung ilang, iyon yung talagang unang-unang nawala because of this project.”

Sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Enchong na naging maayos ang kanilang samahan ni Julia matapos ang workshop kung saan inilabas nila ang lahat.

Ano ang naging pakiramdam ni Julia pagkatapos ng workshop nila ni Enchong?

Tugon niya, “Kasi, after noong nangyari yung past na ang gulu-gulo, yung wall... iyon, yung wall na first na nawala sa amin.

“Kumbaga, nawala yung ilangan namin, unti-unting bumabalik yung friendship.

“Kung gaano katatag yung friendship before, unti-unting bumabalik ulit.”



ANOTHER CHANCE. Ano ang naging reaksiyon ni Julia noong malaman niyang hindi lang si Enchong ang makakasama niya, kundi pati si Enrique?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Seryoso kayo talaga, kami ang magkaka-partner?” ang naging reaksiyon daw ni Julia.

Paliwanag niya, “Siyempre, panibago na naman ito, bagong magkakasama kami. And as loveteam na ito, hindi na ito yung barkada lang.

“Ang lagi po kasing role namin kapag magkakasama kami, barkada. Eto, iba na.

“Kaya tinatanong ko, ’Seryoso po talaga? Kami po? Wow! Thank you.’

“Kasi, another opportunity ang ibinigay sa amin ng ABS-CBN 2.”

Dahil pag-aagawan si Julia nina Enchong at Enrique sa soap, "kinikilig" na ngayon pa lang ang dalaga.

“Kaya nagpapasalamat ako sa ABS-CBN dahil napi-feel ko yung another opportunity na dalawang lalaki uli...”

Ang ibig niyang tukuyin ay ang pagpareha sa kanya kina Coco at Paulo sa Walang Hanggan at ngayon kina Enchong at Enrique sa Muling Buksan ang Puso.



MAKING UP. Dahil Muling Buksan ang Puso ang titulo ng kanilang teleserye, posible bang muli niyang buksan ang kanyang puso para kay Enchong?

Napangiti muna si Julia at saka nagsalita.

Sabi niya, “Wala namang nagsarang puso.

“Hindi… kasi sa aming dalawa, wala naman actually na naputol.

"Nagkailangan lang naman, yun lang naman ang problema.”

Ano ba ang naging problema nila noon?

“Communication lang naman.

"Kasi naging busy ako, naging busy rin siya. Nagka-tour ako, sunud-sunod.

"So, yun lang. Kumbaga, yung communication lang ang naputol.

“Wala namang involved na tao,” sabi ni Julia.

Paano sila bumabawi sa isa’t isa sa mga nasayang na panahon na hindi sila nagkikita at nagkakausap?

“Sa work,” sabi ni Julia, na ang ibig sabihin ay ang madalas nilang pag-uusap ni Enchong tuwing taping.

May kilig ba sa pagsasama nila ngayon?

Muntik nang matawa si Julia at sinabing, “Ano ba? May kilig ba?

“Parang normal… normal naman sa babae yung kinikilig.”

Binabalikan ba nila ang mga masasayang alaala noong close pa sila?

“Parang kapag nag-uusap sa set, may magbabanggit na ganito, ‘Ay, oo, naalala mo pa ba yung… oo!’ May ganoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakiramdam ba niya, nagsisimula ulit sila ngayon ni Enchong, na parang step one uli?

Tugon ni Julia, “Hindi naman step one, kasi meron namang foundation yung friendship namin noon.

“Kumbaga, pinapatatag lang namin yung pagkakaibigan or yung friendship.”

Posible bang ang "friendship" na ito ay lumaki pa o mapunta sa mas malalim na samahan ulit?

“Siya dapat ang tinatanong ninyo,” baling ni Julia kay Enchong.



NEW DIMENSION. Ayon kay Enchong, nabulol silang dalawa ni Julia sa kanilang eksena sa first taping day nila.

Nilinaw naman ng young actress na wala itong kinalaman sa tagal na hindi nila pagkikita ni Enchong.

Tungkol lang daw ito sa bagong character na pinu-portray nila ngayon.

Paliwanag ni Julia, “Siyempre, bagong character, kinakapa pa namin yung character, kung paano pa namin aatakihin together.

“Yun ang dapat nilang abangan kasi more mature yung atake sa character.

“Kumbaga, hindi typical na nakikita nila, ibang dimension yung makikita nila.”

Hindi kaya dahil matagal na hindi sila nagkasama ni Enchong kaya sila nabulol pareho?

“Hindi! Normal sa artista yun kapag bago yung role.”

Mas naging solid ba yung chemistry sa pagsasama nila ngayon?

Ayon kay Julia, “Kasi iniisip namin kung paano namin aatakihin na natural na natural yung character namin.

“Kung paano magiging… kapag pinanood ng tao, parang, ‘Uy! May ganoon?’

“So yun yung wino-work out namin sa isa’t isa.”



COMPARISON. Hindi raw maikukumpara ni Julia ang character or role niya sa Walang Hanggan nila nina Coco Martin at Paulo Avelino sa bago niyang primetime series.

“Yun ang iki-clear ko, ibang-iba yung sa Walang Hanggan, iba naman yung dimension dito.

“Kumbaga, dito, more on teenage love.

“Sa Walang Hanggan, talagang mature love, e—asawa, anak.

“Eto, maraming ano… kumbaga, kilig siya, teenage love, kumbaga.

"Patterned siya sa age. Hindi siya nalalayo sa age namin, unlike sa Walang Hanggan na mature yung character namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Enchong, sa umpisa pa lang ng kuwento ay parang may conflict na sa kanilang dalawa ni Enrique.

Pero hindi niya muna gustong idetalye ang magiging takbo ng character niya dahil nagsisimula pa lang ang taping nila.

Sabi ni Julia, “Mahirap siyang ikuwento, e.

“Parang doon siya magsisimula. Sa first week pa lang, malalaman mo na yung relationship ng bawat character, ng bawat isa.

“Pag nagsabi siya [Enchong] ng isang eksena, malalaman ninyo na.”



FAVORITE? Natanong sina Julia at Enchong kung ano ang nararamdaman nila na parang sila ang paborito ngayon sa ABS-CBN dahil sa sunud-sunod nilang projects.

Si Enchong, na kakatapos lang sa seryeng Ina Kapatid Anak, ay sinalo agad sa Muling Buksan Ang Puso.

Magso-showing naman next month ang pelikula niyang Four Sisters and A Wedding kasama sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, at Angel Locsin.

Si Julia naman, mula sa matagumpay na Walang Hanggan, binigyan siya agad ng sunud-sunod na movie projects—The Reunion, The Strangers, at Moment In Time.

Sabi ng young actress, “Ako, masasabi ko talaga, na-experience ko yung waiting stage after Goin’ Bulilit.

“Marami naman kaming teenagers na naghihintay ng opportunities, and siguro suwerte rin ako.

“Thank God, kasi nabigyan lang ako at eto nga nagkasunud-sunod.”

Masasabing isa sa may magandang career path sa industry ay si Julia dahil mula sa pagiging bida-kontrabida, naiahon agad siya ng Kapamilya network para maging drama actress.

At ngayon ay parang ibinabalik siya sa kanyang teen image sa bago niyang teleserye.

Sabi ni Julia, “Yun nga ang ipinagpapasalamat ko sa Dreamscape, kasi sila yung unang nagtiwala sa akin.

“At ibinigay nila sa akin yung opportunity na yun—na ipakita ang talent ko.

“Kumbaga, patunayan din sa ibang mga tao na nagsasabing hindi ko kaya, na napatunayan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN