Jasmine Curtis Smith on possible match-up with Nora Aunor in CineFilipino: "Hindi naman tayo nagmamadaling manalo ng acting award. Bata pa naman tayo."

Dalawang indie films ang natapos nang gawin ni Jasmine Curtis Smith at ilalahok ang mga ito sa dalawang magkaibang independent film festivals—ang Puti para sa Cinemalaya at Transit para sa CineFilipino.


Excited si Jasmine Curtis-Smith dahil dalawang indie films ang natapos niyang gawin.

Naging busy nitong mga nakaraang buwan ang TV5 Princess sa pag-shoot ng independent films para sa dalawang magkaibang indie film festivals.

Ang una ang Puti na kalahok sa 1st CineFilipino Film Festival. Ang pangalawa ay ang Transit na entry naman sa Cinemalaya Philippine Independent Festival.

Sabi ni Jasmine tungkol sa kanyang dalawang indie films, “I’m very happy to have done two indie films already.

"Magkaiba ang mga roles ko and they both challenged me as a first-time actress.

Puti is under the direction of Mike Alcazaren. This is an edgy and dark drama.

“There’s a lot of changes here. I went through physical changes.

"I can really say that this is not the usual Jasmine na napapanood nila sa mga TV series.

“The other one naman is Transit under the direction of Hannah Espia.

“We shot this in Israel with Ms. Irma Adlawan, Ping Medina, and Mercedes Cabral.

“Ito, even more challenging kasi I had to speak Hebrew here.

“And the fact that we were in a different country to shoot the entire film, it’s challenging for all of us.

“Plus the fact na kailangang-kailangan talagang makisabay ako sa mga legends ng indie.

“Nakakahiya naman dahil ang gagaling ng mga kasama ko sa movie na ito. Ayokong pumalpak when it comes to acting.”

Ito raw ang pagkakaiba ni Jasmine sa kanyang kapatid na si Anne Curtis, na hindi pa nakagawa ng indie film.

Natuwa nga raw ang kanyang ate nang mabalitaan na naging busy siya sa dalawang indie films, lalo na ang isa ay kinunan pa sa Israel.

LEARNING HEBREW. Dagdag pa ni Jasmine, sobra siyang na-pressure sa Transit dahil nagkaroon pa sila ng Hebrew tutorial lessons bago ang shooting nila.

“Sobrang nakaka-pressure. We did a few Hebrew tutorial lessons but not so much na na-polish ko agad yung accent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“When we were in Israel, I still had trouble making it sound smooth kasi iba talaga kapag doon ka lumaki at very fluent ka in Hebrew.

“E, kailangan fluent ako sa Hebrew dahil sa role ko ay doon ako lumaki kunwari.

“Kailangan ko pa ring itantiya yung phase ng pagsasalita ko and yung pagbigkas ng mga words kasi halata mo kapag hindi tama, e.

“Tsaka kapag nag-pause ka sa ganitong word, iba na yung meaning or iba na yung sense na sinasabi mo, so mahirap siya.

“But on the set, since kasama ko naman mga magagaling na mga artista, they were able to help me, motivate me.

"And it was nice kasi it didn’t feel like I was being directed by them.

“They were just guiding me and making me feel like I’m not less of an actor than they are,” saad ng 19-year-old actress.

JASMINE VS. NORA? Mauunang ipalabas ang Transit dahil sa last week ng July gaganapin ang Cinemalaya. Sa New Breed category kalahok ang pelikulang pinagbibidahan ni Jasmine.

Ang Puti naman ay sa September 1 pa maipalalabas kapag nagsimula na ang CineFilipino.

Posibleng makalaban ni Jasmine sa Best Actress category ng CineFilipino ang Superstar na si Nora Aunor dahil sa entry nito na Ang Kwento Ni Mabuti.

Sabi ni Jasmine tungkol dito, “I am honored to be part of this festival and to be in the same category as Ms. Nora Aunor.

“But I don’t expect a lot, I’m just happy to be able to have a project. Hindi ako umaasang manalo.

"Hindi naman tayo nagmamadaling manalo ng acting award. Bata pa naman tayo.

“I am just so thankful for everything that is happening to my career.”

GOING TO COLLEGE. Kahit busy si Jasmine sa kanyang career, hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natapos na ni Jasmine ang kanyang high school sa Melbourne, Australia. Ngayon naman ay sa Ateneo De Manila University siya nag-aaral para sa kanyang kolehiyo.

Lahad niya, “I am a communications student at Ateneo and siyempre, at first, ninenerbiyos ako kasi new environment.

“Wala pa akong kilalang ibang student noong pumasok ako.

"But now, I have new friends na kaya okay na ako.

“I’m so ready to get back to a regular schedule na alam kong etong oras matatapos ka, alam mo yung may prepared schedule na.”

Wala raw magiging problema between school at sa work niya sa TV5. Very understanding daw ang TV5 sa kagustuhan niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Sabi ni Jasmine, “I know that I’ve been gone so ito na naman ulit tayo.

"Hindi man ako lilipad papunta ng Australia, mababawasan na ulit yung time ko for work.

“The last show I did for TV5 was Nandito Ako.

“But babawi pa rin naman kami somehow this year or next year, there’s a long way to go.”

Ibinalita rin ni Jasmine na sabay sila ng kanyang Ate Anne na mag-aaral ng college. Nag-enrol na raw si Anne sa isang open university in Australia.

Bachelor of Education daw ang kurso na kinuha ni Anne.

Ayon kay Jasmine, “I’m happy for my Ate because she values education so much. And she feels na it’s time that she goes back to school.

“Kahit na very successful na siya sa kanyang career as an actress, TV host, performer, and product endorser, she still wants to finish a college course.

“One thing we both learned from our parents is that it doesn’t matter how old you are, but it’s never too late to start college.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN