Richard Gutierrez is now a "freelance actor" after expiration of GMA-7 contract

Isa na ngayong freelancer si Richard Gutierrez pagkatapos mag-expire ng kanyang kontrata sa GMA-7 noong May 28, bagamat may live contract pa siya sa film arm ng network na GMA Films.


Freelancer na ngayon ang aktor na si Richard Gutierrez pagdating sa telebisyon.

Ito ay dahil tapos na ang kontrata niya sa kanyang home network na GMA-7.

Sa statement na inilabas sa media ng GMA-7—sa pamamagitan ng Corporate Communications consultant nitong si Mr. Butch Raquel—ngayong araw, June 26, pinasalamatan ng network si Richard sa pagiging Kapuso nito sa loob ng labing-isang taon.

Natapos ang kontrata ni Richard sa GMA-7 sa May 28, 2013, habang may live contract pa siya sa film arm nitong GMA Films.

Hindi binanggit sa statement kung si Richard ang nagdesisyong huwag nang i-renew ang kanyang kontrata, o ang Kapuso network ang hindi na nag-renew ng kontrata niya.

FULL CIRCLE. Nagsimula si Richard sa bakuran ng Kapuso network bilang teen star sa primetime series na Ikaw Lang Ang Mamahalin, youth-oriented show na Click, at sitcom na Beh Bote Nga noong 2001.

Inilunsad siya bilang leading man, kasabay ng leading lady niyang si Angel Locsin, sa hit fantaserye na Mulawin noong 2004.

Pagkatapos nito ay puro primetime series na ang mga ibinigay na proyekto ng GMA-7 kay Richard kung saan siya ang bida. Dahil dito ay kinilala ang anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama bilang isa sa top leading men ng Kapuso network.

Kabilang sa mga proyektong ginawa niya ay ang mga sumusunod: Sugo (2005), Captain Barbell (2006), Lupin (2007), Kamandag (2007), Codename: Asero (2008), Zorro (2009), Full House (2009), Captain Barbell: Ang Pagbabalik (2011), at Makapiling Kang Muli (2012).

Binigyan din siya ng hosting jobs sa ilang documentary specials at reality shows ng GMA News and Public Affairs; gaya ng Full Force of Nature (2008), Survivor Philippines (2008, 2011), Planet Philippines (2009), Baha Bahay Buhay (2009), Anatomy of A Disaster (2010), Oras Na (2011), Pinoy Adventures (2012), at Extra Challenge Extreme (2012).

Ang huling naging proyekto niya sa GMA-7 ay ang Love & Lies na nagtapos noon lamang June 7.

Sa presscon ng pelikula nila ni Marian Rivera na My Lady Boss noong June 20 ay sinabi ni Richard na sa loob ng labing-isang taon ng pagiging Kapuso niya ay kanyang nagawa lahat—"movies, TV, documentaries, reality shows, game show."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng 29-year-old actor, “I can say na I lived a full career in GMA Network, and I think now is the right time for me to step back, assess myself, see where I want to be and let’s see… I’m not closing my doors on anything.

“But now is the perfect time for me to actually take a long break, so I will take that opportunity.”

(Read: Richard Gutierrez on end of contract with GMA-7: "I can say na I lived a full career in GMA Network.")

FULL STATEMENT. Ito ang full statement ng GMA Network kaugnay ng pagtatapos ng kontrata ni Richard sa kanila:

“The exclusive television contract of Richard Gutierrez with GMA Network expired on May 28, 2013.

“As mutually agreed upon by both parties, Richard is now a freelance actor for television and still has a live contract with GMA Films.

“We thank him for the 11 years of being an exclusive Kapuso and wish him well in his future endeavors.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN