Toni Gonzaga holds her own against award-winning co-stars in Four Sisters And A Wedding

Isa sa nagbigay-suporta sa premiere ng Four Sisters And A Weddingkagabi, June 25, ay ang kasintahan ni Toni Gonzaga na si Paul Soriano. Puring-puri siyempre ng direktor ang kasintahan sa ipinakitang performance nito sa pelikula. Sabi ni Direk Paul, “She did well. She have it her own against Bea and Angel who are best actresses. I’m very proud of Toni, ka-level ng best actresses."


Bagamat kilala na si Toni Gonzaga bilang isang komedyana sa mga nakaraan niyang romantic-comedy films, hindi naman siya nagpahuli pagdating sa mga madadramang eksenang sa pelikulang Four Sisters And A Wedding.

Sa press conferecence ng pelikula noong June 9, inamin na ng TV host-actress na hindi niya mapapantayan ang pag-arte ng co-stars niya sa pelikula, lalo na ang award-winning actresses na sina Bea Alonzo at Angel Locsin, pagdating sa drama.

Pero sa premiere ng pelikula kagabi, June 25, marami ang na-impress sa ipinakita ni Toni sa pinakamatinding eksena sa pelikula, kung saan ang mga karakter ay nagkaroon ng matinding iyakan.

Nang banggitin ito ng entertainment media kay Toni sa ginanap na after-premiere party, napangiti ang aktres at sinabing, “Nahawa lang ako kina Angel, na-pressure lang ako.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko na kasi in-anticipate na yung mga heavy drama scenes.

“Ginawa ko na lang siya as is. I mean, as the character goes on during the shooting, niramdam na lang naming lahat.

“Hindi naman maramdaman yung characters kasi matutulungan ka ng mga co-stars mo.”

Aminado si Toni na bahagya siyang nahirapan sa mga seryosong eksena sa bagong family movie na ito ng Star Cinema.

Gayunman, nagpapasalamat siya sa kanyang mga katrabaho dahil napagaan ang kanyang pag-arte para sa kanyang role bilang Teddie.

Sabi pa niya, “Mahusay lang talaga yung buong cast, si Direk Cathy [Garcia-Molina].

“Mahusay yung buong team na bumubuo nito kaya siguro nadala rin tayo kahit papaano.

“Malaking pasasalamat din sa direktor namin at sa scriptwriter.”



NO ISSUES BETWEEN CO-ACTORS. Kaugnay nito, ayaw rin isipin ni Toni na mayroong isang nangingibabaw sa kanilang mga artistang kasama sa pelikula.

Aniya, “Ayaw kong isipin ‘yan. Ano kami, e, group effort. This is a family thing.

“Whatever it is that I was able to give, it’s because of my co-actors and what they were able to give to me as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a teamwork. It’s a collaboration.”

Natutuwa rin ang The Voice of the Philippines host na naging maayos ang relasyon niya sa kanyang co-stars habang ginagawa ang pelikula.

Ayon kay Toni, inaasahan na nila na maaaring may ilang mga taong gawan sila ng isyu sa isa’t isa.

Pero sabi niya, “Sanay na kami doon. Before I even accepted this project, alam ko na magkakaroon ng ganyan.

“I think, what’s important is that huwag na naming basahin, huwag na naming alamin ang mga gagawin ng mga tao so that it won’t affect our working relationship and what we have.

“Sobrang proud din ako sa pelikulang ito.

“Sobrang maayos lahat, hindi kami nagkaroon ng issues sa set, naging maayos ang working relationship naming lahat, naging mabuti kaming magkakaibigan after this.”



SUPPORT FROM BOYFRIEND. Samantala, namataan naman sa premiere night ng Four Sisters And A Wedding ang longtime boyfriend ni Toni na si Direk Paul Soriano.

Nang tanungin tungkol sa kanyang reaksiyon sa pelikula, sinabi ng direktor tungkol sa kanyang girlfriend of six years, “Oh, my goodness, she does it so well.

“She made me laugh and smile.

"Like I said, this film touches every emotion in your body, you will enjoy it.

“She did well. She have it her own against Bea and Angel who are best actresses.

“I’m very proud of Toni, ka-level ng best actresses.

“I’m very proud of Toni. I know how she works, e.”

Ngayong June, ipinagdiriwang nina Toni at Paul ang kanilang ika-anim na anibersaryo bilang magkasintahan.

Pero dahil pareho silang abala sa trabaho, ayon kay Direk Paul, hindi pa nila nagagawang mag-celebrate.

“We haven’t celebrated it yet because I know she’s busy with the movie.

“Maybe after tonight, we’ll plan something, just about being together,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, siniguro ni Direk Paul na nananatiling matibay ang pagsasamahan nila ni Toni.

Sabi pa niya, “It’s great, strong. It’s heading towards where I want it to be, where she wants it to be.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN