PEPtalk. Alden Richards on being frugal: "... I would spend on other people like my family rather than myself."

Alden admitted that it’s his personal choice to remain single, "Yes, dahil unang-una my family is my priority. The Lord, of course. Ang bottomline—kahit anong mangyari, sila pa rin ang mauuna.”


Sa unang bahagi ng #AldenonPEPtalk ay napag-usapan kung gaano nga ba kaimportante kay Alden Richards ang love life.

Nabanggit niya na, “Actually, ‘yang love ang nakakasira ng career.”

Kaya naman naging mas curious pa ang ating mga host na sina Abby Mendoza at Erwin Santiago kung may conscious effort nga ba si Alden na mas mag-focus sa kanyang career kaysa kanyang lovelife.

ALDEN ON STAYING SINGLE. Pag-amin ni Alden, “Yes, dahil unang-una, my family is my priority. The Lord, of course. Ang bottomline—kahit anong mangyari sila pa rin ang mauuna.”

Dagdag pa niya, “Bago ako, anything else, my family muna.”

Napag-usapan din sa PEPtalk kung si Alden ba ang breadwinner sa kanyang pamilya.

“No! My dad has work. He’s handling a commercial complex sa Sta. Rosa, Laguna. Then my brother is working as a call center agent,” paglilinaw ni Alden.

“My dad never told me na, ‘Ayan, kumikita ka na ng money. You have to help us, you have to pay the bills.’”

Nabanggit din ni Alden ang kanyang pagiging matipid.

Aniya, “Mas okey pa sa akin yung I would spend on other people like my family rather than myself. I love to share siguro, that’s the bottom line.”

Napag-usapan din ang dagok sa buhay na naranasan ni Alden nang pumanaw ang kanyang ina. Third year high school si Alden nang mawala ang kanyang ina.

Kuwento ni Alden, “Everything that has been happening to me is my mom’s dream for me.”

Watch #ALDENonPEPtalk Part 2 para mas malaman pa ang ilang rebelasyon ni Alden. At alamin ang mga life’s lessons na natutunan niya sa kanyang ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN