Kim Chiu’s father defends young actress from critics; explains why Kim had to fly to Thailand in the middle of her mom’s wake

Ipinaliwanag ni Mr. William Chiu Jr. kung bakit kinailangang lumipad papuntang Thailand ng kanyang anak na si Kim Chiu habang nakaburol ang ina nito na si Louella Yap Chiu sa Cebu.


Ipinagtanggol si Kim Chiu ng kanyang ama na si William Chiu Jr. matapos umalis ang Kapamilya star papuntang ibang bansa sa kalagitnaan ng lamay ng ina nitong si Louella Yap Chiu sa Cebu.

Sinabi ng ama ni Kim na gustung-gusto raw ni Kim na manatili sa lamay ng ina, pero kailangan talaga nitong lumipad papuntang Thailand ngayong araw, June 26, kasama ang kapatid na si Lakam, para sa commercial shoot ng kanyang isang endorsement.

Dagdag pa ni Mr. Chiu, sinabi ni Kim sa kanya na kukumbinsihin nito ang may-ari ng produktong kanyang iniendorso para makabalik agad siya sa Cebu, at masamahan ang mga kapamilya sa lamay ng ina.

Pumanaw ang ina ni Kim noong Linggo, June 23, at nakatakda naman ang libing nito sa Sabado, June 29, sa Cebu Memorial Park.

Dagdag pa ng ama ni Kim sa panayam nito kay Carine Asutilla ng ABS-CBN News Central Visayas—na nalathala sa abs-cbnnews.com ngayong araw—hindi puwedeng maurong sa iba pang petsa ang libing ng asawa dahil ikinonsulta na raw nila ito sa isang feng shui expert.

At kung iurong man ito ay sinabi ng feng shui expert na July 5 pa ang magandang petsa para sa libing.

Masama rin daw ang loob ni Kim nang umalis ng Cebu.

Matatandaang kailan lamang nagkaayos si Kim at ang kanyang ama matapos ang limang taong tampuhan.

Sinabi ng ama ni Kim na pinupunan ng young actress ang mga araw na hindi sila nagkakasama noon.

Ipinagtanggol din niya ang anak sa mga bumabatikos dito na hindi raw nito inalagaan ang noo’y maysakit na ina.

Ayon pa dito, alam ni Kim at ng kanyang pamilya kung saan naka-confine ang ina noong mga araw na ito ay nagkasakit.

KIM IS ALWAYS BY HER MOM’S BEDSIDE. Ayon pa sa ama ni Kim, sinabihan daw ng ina ng young actress ang mga nag-aalaga sa kanya na huwag nang ipaalam dito at sa kanyang mga kapatid ang kalagayan niya. Pero kinontak pa rin daw ng mga nag-alaga rito si Kim noong na-coma ang ina nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nalaman daw ito ni Kim, kaagad daw siyang lumipad sa Cebu para bisitahin ang ina.

Ayon pa kay Mang William, "She would arrive every dawn and return to Manila in the morning for work and back again here in Cebu.”

Pilit pa rin daw kinakausap ni Kim ang ina habang nasa Intensive Care Unit (ICU) ito kahit na hindi naman na siya naririnig nito.

Dagdag pa ng ama ng young actress, “Kim was her mother’s favorite. It was painful for Kim.”

Sinabi rin daw ni Kim na sana ay gumaling na ang ina para makasama na niya ito sa Maynila.

Patuloy pa rin daw dumadagsa sa lamay ng ina ni Kim ang kanyang mga fans at kamag-anak sa Cebu.



KIM HITS BACK AT BLOGGER. Kahapon, June 25, o dalawang araw matapos pumanaw ang ina ng Pinoy Big Brother Teen Edition first grand winner, isang blogsite ang naglathala ng isang blind item na hango mula sa sulat galing daw sa isang follower ni Kim.

Sinabi dito na diumano ay isang beses lang daw tumulong ang isang aktres sa gastusin ng maysakit na ina. Dagdag pa sa blind item, hindi raw bumisita ang nasabing aktres kahit isang beses sa maysakit na ina kaya daw galit ang mga kamag-anak nito.

Hindi man tuwirang pinangalanan si Kim, marami ang nagsasabing ang young actress ang tinutukoy o pinatatamaan sa nasabing blind item.

Kahapon ng umaga, 9:45 a.m., sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na @prinsesachinita, nag-post si Kim ng ganitong mensahe: “I don’t get the point why this blog site always ‘MAKE-UP STORIE’??? just for the sake of his followers. #respetonamansana.”

Sunod pang post ni Kim: “Get your facts [straight]! You don’t know anything,, #respetonamanpo.”

Matapos ang halos dalawang oras, ang dati namang matalik na kaibigan ni Kim na si Maja Salvador ang nag-tweet (@dprincessmaja) ng ganitong mensahe, “You don’t know her…You just know her name…#PleaseDon’tJudge #PleaseRESPECT.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi malinaw kung ito ay bilang simpatiya ba kay Kim o nagkataon lamang.


KIM’S INSTAGRAM. Pagkalipas ng limang oras, nag-post naman si Kim ng litrato na kuha mula sa loob ng eroplano at kita dito ang ulap sa labas na may naka-caption na "One day…"

Kasunod naman nito ay nag-post ang young actress ng isang litrato ng babaeng naglalakad sa isang malawak na lupain na may kaunting sinag ng araw.

Nakasulat dito: “Walking the journey of grief…sometimes feels as though there is no relief. When you died a part of me did too and has left me with a feeling of not knowing what to do.

“My mind is scattered, and I’m in disarray but they tell me that I’m going to be okay. It’s hard to believe the words of some when my hearts tell me that day will never come. I will hold onto hope and belive it to be true and know a day will come when I will see you.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN