Xian Lim on Kim Chiu’s critics: "Tama na, respeto lang kay Kim, respeto sa pamilya niya."

Ipinagtanggol ni Xian Lim ang ka-loveteam nitong si Kim Chiu laban sa blind-item report na bumabatikos sa young actress kaugnay ng pumanaw nitong ina na si Louella Yap Chiu.


To the rescue din si Xian Lim sa mga batikos na natanggap ng kanyang onscreen partner ni Kim Chiu mula sa isang blind item na diumano’y malamig ang pakikitungo ng young actress sa ina nitong si Louella Yap Chiu, na pumanaw noong Linggo, June 23.

(Read: Kim Chiu’s dad defends young actress from critics; explains why Kim had to fly to Thailand in the middle of her mom’s wake)

Ayon kay Xian, sana ay respetuhin na lamang ang pagdadalamhati ni Kim at ng pamilya nito.

Sabi ni Xian sa abs-cbnews.com kahapon, June 26, “I just want to say na sana respeto lang towards Kim and her whole family, di ba?

"Kasi merong mga lumalabas na mga bali-balita... I mean, it’s not helping Kim in any way. It’s not helping the situation.”

Dagdag pa niya, “Lagi ko sinasabi, people are always going to have something to say.

"Ang masasabi ko lang doon, tama na, respeto lang kay Kim, respeto sa pamilya niya.

"Kasi kung palagi tayong makikinig sa mga gawa-gawang istorya na walang basehan, it’s not helping us in any way.”

Sinabi rin ni Xian na noong araw na pumanaw ang ina ni Kim ay lumipad kaagad papuntang Cebu ang young actress.

“Nung time na wake, the day when her mom passed away, she flew to Cebu, then after that I followed to check up on her, kung kumusta na nga siya.”



KIM IS A STRONG GIRL. Ayon pa kay Xian, magkasama sila ni Kim noong Martes ng gabi, June 25, sa shooting ng kanilang launching movie as a loveteam para sa Star Cinema.

“She’s... I can’t really say she’s doing okay, but she’s trying to stay strong... She’s recovering.”

Gustung-gusto raw ni Kim na palaging nasa tabi ng kanyang pamilya sa panahon ng kanilang pagluluksa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Xian, “If there’s time, she spends it with her family.

"Kasi this is the time na her family needs her the most, and this is the time na kailangan talaga nila magsama-sama.”

Sa tanong kung paano niya dinamayan ang ka-loveteam, sabi ng binata, “I will do my part.

"Nandito lang ako, makikinig ako kung ano man ang gusto niyang ilabas, kung kailangan niya ng kausap, kung kailangan niya ng kasama, I’m here.

“Kim is a very strong girl.

"Pag kasama ko si Kim, nararamdaman ko yun sa kanya.

"Kaya sa lahat ng supporters, sa lahat ng mga sumusuporta, sa lahat ng nakikiramay, talagang they should just keep in mind that she’s a really strong girl, and she will get through this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN