Derek Ramsay returns to action genre in new TV5 primetime series

“Sana maabot ko at least ‘yong mga narating ng the best of the best [action stars],” says Derek Ramsay, who is currently doing another aksyon-serye on TV5 called Undercover.


Halos dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas nang matapos ang unang teleserye niya sa TV5 na Kidlat, ngunit ngayon ay muling magbabalik sa telebisyon si Derek Ramsay sa pamamagitan ng primetime series na Undercover.

Katulad ng huli niyang proyekto, “action-packed” din ang Undercover ayon kay Derek.

“Sa Kidlat, we had our fight scenes tapos naka-costume kami, it’s more like porma-porma.

"Ito talaga, suntukan, barilan... nakakapagod,” sabi ng Kapatid actor nang bumisita ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa set ng Undercover sa isang lugar sa Quezon City kahapon, June 26.

Bukod sa sunud-sunod na proyekto, natutuwa rin daw si Derek na muling aksyon-serye ang ibinigay sa kanya ng TV5.

Sa nakaraang panayam ng PEP kay Derek, nabanggit niya na gusto niyang maging isang action star. Kaya naman kahit sa telebisyon lamang ay natutuwa siya na natutupad na ito.

Sabi pa niya, “Sobra kasi nae-enjoy ko, e. Sana maibalik natin sa big screen.

“Sana maabot ko at least yung mga narating ng the best of the best [action stars].

“It’s kinda sad nga na action films kinda faded away.

“But TV5, as they said, they want to give something new.

“They want to bring back action, like Kidlat, and now Undercover which is more action-packed.”

Dagdag pa ng aktor, “I’m kinda new at this, it’s my second, and it’s super action-packed series.

“I can’t even start to think that I’m going to reach their level."

SURPASSING KIDLAT. Sa kanyang nakaraang fantaserye, mas nakilala si Derek bilang superhero na si Kidlat, lalung-lalo na sa mga bata.

Sa tingin kaya ni Derek ay malalagpasan ng Undercover ang popularidad na nakuha ng Kidlat?

Sagot ng 33-year-old actor, “Kidlat did very well.

“I think Kidlat is also the reason why... if Undercover and Roy Velasco [name of his character] reaches that level of a household name. It’s because Kidlat definitely helped out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I’ll try my best na i-differentiate yung dalawa.

“I hope it will kasi iba talaga yung treatment nito.

“Yung fantaserye na ‘to, it’s true-to-life at talagang action-packed.”

Gayunman, aminado si Derek na hindi mga bata ang target market ng kanyang bagong proyekto.

“I think this appeals to the male market.

“I think it will reach from Class A to masa.

"But kids, it might be a little bit too violent. I think that’s why our timeslot is a little later.”

Ang Undercover ay ipalalabas araw-araw simula sa Lunes, July 1, pagkatapos ng Cassandra: Warrior Angel sa TV5.



HECTIC SCHEDULE. Dahil sa sunud-sunod na trabaho, wala na raw oras si Derek para sa lovelife.

Sa katunayan, nang tanungin siya kung sino ang bago niyang inspirasyon, umiling at sumagot si Derek ng: “Walang bago.”

Kahit ang napabalita noon na dine-date niyang non-showbiz girl ay hindi pa rin nauuwi sa seryosong relasyon.

Kuwento ni Derek, “Di ba, I was dating a Frisbee player for a while?

“We’re still kinda... how do you put it? I think we’re past the dating.

“It’s more of when we’ll have time to put it into the level of commitment.

“Now, TV5 is working me up every day, I’m going in and out of the country.”

Bukod sa mga teleserye at ilang commitments abroad, isinisingit din ni Derek ang pelikulang gagawin niya sa ilalim ng direksyon ni Tikoy Aguiluz, ang Eman.

“The problem lang is the schedule. Ang hirap ng schedule,” aniya.

Sa huli, tinanong ng PEP kung mas simple na ang buhay niya ngayon dahil wala nang negative issues tungkol sa kanya.

“I don’t think there are no issues,” sagot ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN