Aljur Abrenica targets major concert in a big venue; turns into a record producer

Ipinagmamalaki ni Aljur Abrenica na siya ang mismong nag-produce ng kanyang second album. At ngayon nga ay nakikipag-usap na siya sa ilang record labels na maaaring mag-release ng kanyang album.


From acting ay pinasok na rin ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica ang pagpoprodyus ng album.

Si Aljur ang producer ng kanyang second album na ilalabas ngayong taon.

Sabi ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Bale po ngayon, ang aabangan sa akin ay ang pagpo-produce ko ng aking second album.

“Bale naghahanap at kumakausap pa ako ng mga labels na may magandang offer nila.

“Siyempre, kinu-consider ko rin ang GMA Records, hinihantay ko lang yung sagot nila.”

Nakausap ng PEP si Aljur pagkatapos ng live interview niya sa radio program ni German "Kuya Germs" Moreno sa dzBB kahapon, June 26.

Ano ang magiging laman ng kanyang second album—revivals o original compositions?

Sabi ni Aljur, “Meron po akong three revivals. Tapos yung seven, mga originals. Binili ko sa iba’t ibang composers.”

Anong genre ng mga kanta ang nakapaloob sa album niya?

“Ballad tsaka RnB, pinaghalo ko. At the same time, meron akong mabilis na kanta sa album na puwedeng sayawan.”

May sarili ba siyang composition dito?

“Hindi ko pa inilabas ngayon, naka-reserve para sa third album. Depende dito sa second album.”

Kanino naman inaalay ni Aljur yung sarili niyang composition?

Sagot niya, “Ang bawat awitin naman na gagawin mo ay may insipirasyon ‘yan at pag-aalayan mo.

“Hindi ka makakabuo niyan kung hindi ka inspired, lalo na pag love song.

“Basta para sa kanya yung song na yun.”

May plano rin ba siyang mag-produce ng album ng ibang artists, kagaya ng kapatid niyang si Vin Abrenica na mahilig ding kumanta?

Sabi ni Aljur, “Naku, wala pa akong idea diyan!

“Sana dumating tayo diyan kasi sa ngayon, parang experiment lang ang pagpo-produce ko ng album ko.

“Marami akong natututunan. Yun ang ipinagpapasalamat ko—marami po akong nalalaman sa pagse-self-produce ng album ko.

“Nalalaman ko lahat yung hirap na ginagawa ng mga recording company kung papa’no mag-produce ng album... yung patakaran, dokumento ng mga kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas mahirap pa pala dito [acting].

“Sana dumating tayo sa binanggit mo na makapag-produce din ako ng ibang artist in the near future.

“Pero sa ngayon, yung album ko muna ang bibigyan ko ng atensiyon at ipo-produce ko.

“Who knows, di ba, pag naging okey yung resulta nung second album ko na ako ang nag-produce, baka next album, ibang artist naman o yung brother ko ang ipagpo-produce ko—sana!”

Plano rin ba niyang magkaroon ng malaking concert?

“Well, ‘yan ang tina-target namin. Love ko talaga ‘yan, e. I love performing.

“Gusto ko talaga yung nagpe-perform sa harap ng maraming tao.

“Sana matuloy ‘yan, pero ngayon pinaplano pa namin yung big concert ko.

“Although may mga concert na rin ako, kasama yung kapatid at daddy ko, na ginawa sa Zirkoh Tomas Morato na nagkaroon pa ng repeat.

“Pero this time, gusto ko naman yung mas malaking venue para mas maraming tao ang makapanood.”



PRINSESA NG MASA. Pagdating naman sa kanyang proyekto sa TV, magtatambal silang muli ni Kris Bernal sa primetime soap na Prinsesa Ng Masa.

Ani Aljur, “Next month, magsisimula na kaming mag-taping. By September ipapalabas.”

Ano ang aabangan sa kanya dito?

“Well, aabangan nila dito ang muling pagtatambal namin ni Kris dito sa Prinsesa ng Masa.

“Yung istorya kasi ng Prinsesa ng Masa ay hindi pa sa amin nasasabi nang buo, pero alam kong maganda ito at sana abangan ng mga tagahanga namin ni Kris.

“Basta kakaiba ito. Kung before nag-Coffee Prince kami, ito mas mae-enjoy n’yo po ito dahil ibang-iba sa ginawa namin noon.”



FROM REEL TO REAL? Naaapektuhan pa rin ba si Aljur sa kagustuhan ng mga tagahanga nila ni Kris na sila rin ang dapat na magkatuluyan sa totoong buhay?

Saad niya, “Hindi naman ako naapektuhan kasi alam naman namin ni Kris na simula pa lang na magtambal kami, yun na talaga ang gusto ng mga taghahanga namin—yung maging kami talaga sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang ngayon, yun pa rin naman ang gusto nila.

“Pero ngayon, naiintindihan na nila kami.

“Na kami ang magka-loveteam pero may kanya-kanya kaming kapareha in real life.”

Si Aljur ay umamin na sa relasyon nila ni Kylie Padilla, habang si Kris naman ay nakikipagmabutihan na kay Carl Guevara.

Patuloy niya, “Matatalino na naman kasi ngayon ang mga audience.

“Kahit hindi kayo in real life, kung maganda naman ang ipinapakita ninyong trabaho, at may kilig pa rin kayo pag magkasama, katulad sa amin ni Kris, susuportahan at susuportahan kayo ng tao.

“Tsaka ang mga tagapanood at ang mga tagahangan naman natin ay very understanding naman.

“Alam naman nila na may mga bagay na hindi puwedeng mangyari sa totoong buhay na nangyayari lang sa palabas.

“Kaya alam ko naman na naiintindihan nila kami ni Kris.

“Ang mahalaga ay maganda pa rin yung tandem namin at marami pa rin ang sumusuporta sa aming loveteam.

“Nagpapasalamat ako sa mga followers namin dahil lagi silang nandiyan para suportahan kami, lalo na kapag may bago kaming palabas.”



DREAM ROLE. May role pa ba siyang gustong gawin?

Sabi ni Aljur, “Sa lahat naman kasi ng project na ibinigay sa akin ng GMA-7, masaya ako at nae-explore ko po yung craft ko.

“Tulad lately, yung ginawa ko yung Magpakailanman, ibang-ibang Aljur ang napanood nila doon.”

Ang tinutukoy ni Aljur ay ang pagganap niya sa buhay ng indie film actor na si Kristoffer King.

Patuloy niya, “Tapos yung ibang mga offers, gusto ko din.

“Pero ang gusto ko talaga, para maiba naman po, yung ako po talaga.

“Mabigyan naman ako ng action, kasi yun talaga ang gusto ko—action-drama.

“Alam ko kasi sa sarili ko na yun talaga ang gusto ko, at alam ko naman na kaya ko.

“Alam kong marami akong maibibigay dun, yung mga routines… lahat yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN