Jennica Garcia on boyfriend Alwyn Uytingco: “Masaya ako na nakikita niya ako sa future niya, kasi ganun din ako sa kanya.”

Halos apat na taon na ang itinatagal ng relasyon ng magkasintahang Jennica Garcia at Alwayn Uytingco. Hindi rin itinatago ng dalawa na napag-uusapan na nila ang tungkol sa pagpapakasal. Sabi ni Jennica, "Hindi naman ako nakikipagrelasyon na hoping na pang-three years lang kami, four years lang kami. Siyempre, the goal talaga is forever, for a lifetime. And I’m very happy that he talks to me about it, ganyan."


Ayon sa Kapuso young actress na si Jennica Garcia, wala na siyang mahihiling pa pagdating sa kanyang career at lovelife.

“Ngayon, kakatapos lang ng show ko na Bukod Kang Pinagpala na sobrang thankful ako sa ratings namin, yung sa mga nanonood sa amin, maraming salamat po.

"Yung susunod ko pang show, babalitaan ko na lang kayo. Sa ngayon, wala pa po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso young actress na si Jennica Garcia sa opening ng Posh Nails branch sa may 500 Shaw Zentrum last June 18.

ALWYN UYTINGCO. Halos apat na taon na ang realsyon nila ng kanyang boyfriend na si Alwyn Uytingco.

Thankful daw si Jennica na ganun katibay ang samahan nila ng nobyo.

“Ay, oo naman, thank you, Lord... ’buti naman at okay ang lovelife ko. Magpo-four years na po kami.”

Ano ang sikreto nilang dalawa at ganun katibay ang samahan nila?

Sagot ni Jennica, “Sikreto? Ang sikreto talaga, ang importante talaga, you have God in your relationship.

"Kasi kung sa inyo lang dalawa, ang tendency nun is hindi n’yo mami-meet talaga yung expectations.

"Lalo na pag tumatagal na kayo, tumataas ’yan, e.

"Siyempre pag umpisa, mga pakiyeme, hindi mo muna sinasabi yung mga expectations mo, nahihiya ka pa.

“Pero kasi pag matagal na kayo, andun na yung nakikilala ka na niya kung sino ka talaga.

"And kung wala kaming prayer life, I don’t think na makakayanan din namin yung isa’t isa.”

Sa mga naunang panayam ng PEP kay Alwyn, sinabi nitong malaking tulong sa kanila ang prayer group na regular nilang dinadaluhan ni Jennica.

Pagsang-ayon naman ni Jennica, “Oo, yung prayer group namin. Tsaka, nakakatulong din yung right set of friends.”

Sabi pa ni Alwyn, sa ngayon daw ay wala na siyang mahihiling pa tungkol kay Jennica.

Pabirong tugon ni Jennica dito, “Ay, nakakatuwa naman... Dapat lang, dapat lang na wala na siyang hahanapin pang iba dahil nakakahiya naman po sa kanya kung ganun!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Alwyn na dumating na sila sa aspetong pinag-uusapan na nila ni Jennica ang pag-aasawa. Twenty-five years old na si Alwyn at 23 naman si Jennica.

Sabi ni Jennica tungkol dito, “Oo... ako naman kasi, Alwyn is my second boyfriend.

"Hindi naman ako nakikipagrelasyon na hoping na pang-three years lang kami, four years lang kami.

"Siyempre, the goal talaga is forever, for a lifetime.

"And I’m very happy that he talks to me about it, ganyan.

“Masaya ako na nakikita niya ako sa future niya, kasi ganun din ako sa kanya.”

Dagdag pa ng young actress, “Responsible [boyfriend] talaga si Alwyn.”

Pagdating naman sa intriga sa kanilang relasyon, lalo’t pareho silang nasa showbiz, "learn the art of deadma" lang daw ang pinapairal nila.

Sabi ni Jennica, “Kung may makarating man, deadma. Trust lang naman.

"In fairness naman to Alywn, sa tagal ng relasyon namin, hindi niya ako binibigyan ng dahilan to doubt him of his actions.

"So thank you Lord naman talaga for that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN