Georgina Wilson keeps mum about “kissing photo” with cousin Isabelle Daza

Nang kunan ng reaksiyon si Georgina Wilson tungkol sa photo nila ng pinsang si Isabelle Daza na naghahalikan, sabi ng model-TV personality, “I think you should ask Belle [palayaw ni Isabelle], ‘coz I didn’t post it, so ask Belle.” (Kaliwa) Ang controversial photo ng dalawa na ipinost sa Instagram account ni Isabelle.


Umiwas si Georgina Wilson nang kunan siya ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng controversial photo nila ng kanyang pinsan na si Isabelle Daza.

Sa naturang larawan, in black and white, ay ipinapakitang magkalapat ang mga labi ng magpinsan.

“I think, you should ask Belle [palayaw ni Isabelle], ‘coz I didn’t post it, so ask Belle,” tugon ng Filipino-British model-endorser sa Swap and Switch campaign ng Blackberry na ginanap kanina, June 28, Biyernes, sa SM Megamall.

Ang larawan ay ipinost ni Isabelle, anak ni former Miss Universe Gloria Diaz, noong June 27, Huwebes, na may caption na: "Our take on equality for gay rights! Haha thank you @markednicdao."

(Read: Photo of Isabelle Daza’s take on equality for gay rights draws mixed reactions)

Si Mark Nicdao ang photographer na kumuha ng larawan nina Georgina at Isabelle.

“No comment na lang. I didn’t post it, so…” diin ni Georgina sa exclusive interview ng PEP.

Nabanggit din ni Georgina na hindi niya alam na ipo-post ni Isabelle ang larawan sa Instagram.



MIXED REACTIONS. Magkahalo ang reaksiyon ng mga netizens sa naturang larawan.

Batay sa caption ng photo, marahil ito ang paraan ng pagpapakita ng suporta nina Isabelle at Georgina sa recent decision ng U.S. Supreme Court na pagpapawalang-bisa sa Defense of Marriage Act o DOMA, na sinasabing diskriminasyon diumano sa gay couples sa iba’t ibang states sa U.S.

Sa mga nag-react sa photo nina Isabelle at Georgina, may nagsasabing hindi dapat gawing big deal ito, ang dapat daw tingnan ay ang mensahe ng photo.

Sa kabilang banda, marami rin ang nadismaya sapagkat magpinsan ang dalawa at sinasabi pa ng iba na may pagka-“incest” ang dating ng kuha.

Binanggit ni Georgina sa amin na nabasa niya ang mensahe ng kasamahan namin sa PEP sa Instagram page ni Isabelle para hingin ang panig nito sa iba’t ibang reaksiyon ng mga tao tungkol sa controversial photo nilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang isinusulat ang report na ito ay wala pang sagot ang kampo ni Isabelle tungkol sa kontrobersiyal na larawan sa kabila ng pagsisikap naming kunin ang kanyang panig.

Nananatiling bukas ang PEP sa panig ni Isabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN