Georgina Wilson learns a lesson in using social media: “When you’re a public figure, you also don’t wanna offend people.”

Ano ang mensahe ni Georgina Wilson kapag siya ay may basher?: “I think, also, what I’ve learned from interacting with the general public is that, uhm, you never gonna please everybody. And also the people that live their lives hating people online, I think are very kawawa. I mean, it’s more of a reflection of who they are as compared to who I am. So I just let it be and I just, you know, I say a little prayer and hopefully, you know, this person’s


Hindi pa rin daw makapaniwala si Georgina Wilson na higit sa isang milyon na ang kanyang followers sa Twitter.

Habang isinusulat ito, ang bilang ng followers ng model-host ay nasa 1,189,432 na.

Pahayag ni Georgina tungkol dito, “I don’t think it really fits in your head, like, even just [having] ten people listening to me, is really a lot to think that it’s that many.

“It’s kind of crazy... super-crazy!

“I’m very thankful also.”



CONTROVERSIAL TWEETS. Subalit sa kabila ng pagkakaroon ng maraming followers, isa si Georgina sa celebrities na ilang beses na ring nabatikos dahil sa kanyang Twitter posts.

Matatandaan na noong eleksyon ay nadawit ang kanyang pangalan sa kontrobersiya dahil sa patutsada niya kay Manila-mayor elect Joseph Estrada via Twitter na nagsasabing, “ugh i hate politics - but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot."

(Read: Jake Ejercito reacts to Georgina Wilson’s snide tweet about Manila Mayor-elect Joseph Estrada)

Hindi ito nagustuhan ng mga anak ni Erap na sina Jake at Jerika Ejercito.

Sinagot nila si Georgina sa Twitter, bukod pa rito ay binatikos din siya ng supporters ni Erap.

Ipinaliwanag naman ni Georgina na ang nasabing post ay noong October 2009 pa pala niya ginawa at nag-aaral pa raw siya noon sa Australia.

Sa kabila ng pagpapaliwanag niya, humingi ng paumanhin si Georgina sa pamilya ni Erap para sa nasabing tweet niya four years ago.

(Read: Georgina Wilson clarifies tweet about Erap Estrada; apologizes to the former President’s family)

Inulan din ng batikos si Georgina noong October 2012 pagkatapos niyang i-post sa Twitter ang isang mock-up photo, kung saan nakalagay ang mukha ni Nora Aunor sa sexy photo niya para sa isang magazine cover.

Inamin ni Georgina na noong una ay akala niya ay nakakatawa ang mock-up photo, pero tinanggal din niya ito matapos umani ng katakut-takot na batikos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw ni Georgina na wala siyang kinalaman sa paggawa ng larawan, at humingi rin siya ng paumanhin sa Superstar at sa mga na-offend sa picture.



LIVE AND LEARN. Dahil nga sa dami ng kanyang followers, sinabi ni Georgina na nagiging maingat na siya sa kanyang mga ipinu-post sa Twitter.

“I think being a public figure, you always have to be very conscious naman.

“But then I think there is also a balance, like, I wanna be true to myself also, like I wanna say the things that I feel I need to say, but find the balance, you know.

“When you’re a public figure, you also don’t wanna offend people.

“Just find the balance, you know, you live and learn.

“Sometimes, I’m like, ‘Ugh, maybe I shouldn’t have done that.’ But you learn from it.”


PRAYING FOR HER HATERS. Tanggap din ni Georgina na hindi lahat ay sasang-ayon o matutuwa sa kanyang mga reaksiyon o posts sa social media.

“I think, also, what I’ve learned from interacting with the general public is that, uhm, you never gonna please everybody.

"And also the people that live their lives hating people online, I think are very kawawa.

“I mean, it’s more of a reflection of who they are as compared to who I am.

“So I just let it be and I just, you know, I say a little prayer and hopefully, you know, this person’s life changes for the better.

“Because for me, it’s like I’m taking it not even personal. I don’t really care.

“But for me, if these people feel the anger that they need to share online and they can’t share in real life, there has to be something that it’s not going right for them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I pray that everyone finds happiness in their lives.”



STILL AFFECTED. Naaapektuhan pa rin ba siya ng batikos mula sa haters o bashers niya online?

“Yeah, of course, I’m human. Of course,” pag-amin niya.

“I’m super-sensitive too.

“I feel like any of my friends would tell you that I’m very sensitive, but I think this industry made me learn how to be a lot tougher.

“You learn, like, you just have to.

“So now when people say bad things, I’m like, ‘Okay, it’s okay.’

“But it doesn’t affect me.

“If I think about it, it gets to me, but I’m trying more and more to let it not get to me.

“And also, you know, see it in a different perspective like, pray for them, like it’s not… they’re not in a good place.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN