Marian Rivera on reclaiming FHM Sexiest Woman title: “I’m back!”

How does Marian Rivera feels about her second FHM Sexiest Woman title: "To be honest, ang happy ko dahil nakaka-proud dahil matagal akong shy-type na, ‘Ay, ayaw kong mag-two-piece.’ Siguro sa sarili ko, it’s about time na mag-move on. Ibang Marian Rivera naman."


Mula nang lumabas ang final result ng FHM Philippines’ 100 Sexiest Women in the World kahapon, June 27, paulit-ulit nang nagpasalamat si Marian Rivera sa lahat ng fans niya na bumoto sa kanya para maging number one muli.

Sa press conference na inihanda ng FHM Philippines kaninang tanghali, June 28, para sa sa gaganaping FHM 100 Sexiest Women in the World Victory Party sa July 10, muling nagpahayag ng pasasalamat si Marian.

“Nakakataba ng puso bilang five years ago na kasi yung dati ko, Marimar [2008] days pa ‘yon.

“Ngayon, I’m back!

“Kaya nga sa pagkakataong ito, sabi ko, thankful ako at blessed ako dahil narinig ko kung ilang votes ang mayroon ako.

“Kaya sa lahat ng bumoto sa akin, para sa kanilang lahat ito.”

Base sa final tally of votes na inilabas ng FHM Philippines, si Marian ay nakakuha ng 890,490 votes mula sa online, SMS, at ballot voting.

Siya ay sinundan ni Sam Pinto—na number one noong 2011 at 2012—na may kabuuang 778,681 votes.

Samantala, ang two-time FHM Sexiest Woman din na si Angel Locsin ay nasa third spot ngayong 2013; siya ay may kabuuang 752,864 votes.

Nakamit ni Angel ang top spot noong 2005 at 2010.

Ang iba pang local female celebrities na nasa Top 10 ay sina Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Solenn Heussaff, Ellen Adarna, Anne Curtis, Jackie Rice, at Empress.



“HINDI INAASAHAN.” Bagamat madalas siyang nakakakuha ng updates mula sa kanyang fans, hindi raw inasahan ni Marian na magiging number one siya ngayong taon.

Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak si Marian na maging cover girl ng FHM Philippines sa 150th issue nito noong January 2013.

Pero hindi raw ito naging dahilan para asahan niyang maging number one sa taunang FHM Philippines’ Sexiest Women in the World poll.

Saad ng Kapuso actress, “Wala akong inaasahan.

“Nag-cover lang ako bilang nagkasundo lang kami ng FHM sa tema na gusto.

“Sabi ko nga, hindi mo naman masasabi kung magna-number one ka o hindi, e. Depende ‘yan sa pagboto ng mga tao sa ’yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, nag-cover ako sa FHM, ibinoto ako ng mga taong nagmamahal sa akin, so sila ang dahilan siguro kaya ako nag-number one.”

Dagdag pa niya, “Pero kung sa sarili ko, parang hindi yata para sa isang babae ang nag-e-expect.

“Mas maganda na yung ibinibigay sa ’yo para mas masaya ang dulot no’n.

“Minsan, mas masarap yung hindi umaasa.

“Minsan mas masarap yung pakiramdam kapag binibigay sa ’yo, which is gano’n yung naramdaman ko.”

Anong paghahanda ang gagawin niya sa pagrampa niya sa victory party ng FHM sa July 10?

Sabi ni Marian, “Pagpaplanuhan ko nang mabuti ‘yan at sisiguraduhin kong maganda ang kalalabasan ng pagrampa ko sa FHM [victory party].”



PROUD BOYFRIEND. Siyempres, isa sa mga naging proud sa muling pagiging number one ni Marian sa FHM 100 Sexiest Women list ay ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Sa halip na si Dingdong kasi ang isosorpresa niya, kabaligtaran pa ang nangyari noong lumabas ang opisyal na resulta.

Kuwento ni Marian, “Actually, gusto ko siyang i-surprise, kaso nakipag-coordinate yata yung management ko kay Dong.

“Noong pagkasabi ko sa kanya, biglang may inabot siya sa akin na isang medal na nakalagay, ‘You’re my number one.’

“Gusto ko siyang i-surprise, ibigay ko yung trophy ko, sabi niya, ‘Bago ‘yan, ako muna.’ Tapos ibinigay na niya sa akin ‘yon.

"Siyempre, na-touch ako na parang nag-effort pa siya, may letter pa siya at medal na, ‘You’re my number one.’"

Iimbitahan ba ni Marian si Dingdong sa victory party ng FHM sa July 10?

Natatawang sagot ni Marian, “Hindi ko alam! Huwag na lang kasi nga nahihiya ako.”

Pagkatapos ay sinabi niya, “Tingnan natin. Pag-usapan namin.

“For sure naman gusto niyang makapanood at napaka-proud naman niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN